Chapter 18

15 1 0
                                    

"MALAKI NA KAYO", nanigas si Sharlene sa kinauupoan ng magsalita ang president ng kanilang istasyon. "Actually, di ko na kailanga'ng gawin ito dahil alam kung kaya nyo na to'ng solusyonan without my help", napaka calm ng boses nito.

Kasalukuyan siya ngayo'ng nakaupo sa isa sa mga upoan sa naturang opisina nito. Katabi niya si Nash na tahimik lang din na nakikinig dito. Malawak ang office nito. May parang living room pa nga ito habang sa left side ng room ay makikita ang isang wall na puno ng mga libro. Sa right naman ay glass wall kung saan makikita mo ang buong tanawin ng Quezon City. Nasa pinakamataas na floor ang office ng presidente. Ang last 5 floors ng building nila ay okupado lang ng mga offices at isa na dito ang office ng presidente. Fifty shades of grey lang ang peg kumbaga. Pero seryoso, ang sosyal ng room.

Di na nya halos maalala ang huling beses na nakapasok sya sa naturang silid at di nya mapigilan ang mapa-mangha sa ganda nito.

"Anyways, ipinatawag ko kayo dito dahil gusto kong malaman mula sa inyo mismo ang katotohan. What I'm expecting from the both of you is to TELL ME THE TRUTH", mariin at malinaw ang pagka-bigkas nito sa mga huling salita'ng binitawan. "Am I clear?".

"Opo", sabay sila'ng sumagot ni Nash kahit di nila sinasadya.

"Okay, who wants to start?", she leaned back to her seat. Nag palipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Nash.

"Ako po", pilit nyang pinakalma ang boses. Naramdaman nyang hinawakan sya ni Nash sa braso but she just smiled back at him. Tutal na man eh sya talaga ang dahilan kung bakit nag karoon ng dahilan si nash na kunin ang picture na yun. "Ladies first, wag kang epal".

She heard Ma'am Charo chuckle. "tama nga naman sya Nash. Sige Sharlene hija, tell me".

Humugot sya ng malalim na hininga bago nag-simula.

Matapos silang mag-explain pareho ni Nash dito ay tahimik lamang ito habang marahang tuma-tango.

"Well, it all started as a harmless bet. But as you see, it turned out the other way." Hindi sila naka-sagot. At sa tingin niya ay wala din naman itong hinihintay na sagot mula sa kanila. She said it more likely to herself.
"So what's your plan, the both of you?".

Si Nash ang sumagot. "Plano ko pong tanungin muna si Alexa kung sya po ba talaga ang nag kalat ng picture namin.

"Carry on".

"Pag nakompirma po namin nga sya po ang may gawa ay hihingi po kami ng public apology lalo na po sa mga fans namin".

"Public apology", ulit nito. She tap her chin gently with her finger. Sign na pinag-iisipan nito ng mabuti ang plano nila. "I know you two since you were 4".

Napalunok sya ng tingnan sila nito ng diretso sa mata. "Alam kong lumaki kayo na halos magkasama araw-araw. Na subay-bayan ko ang paglaki nyo pareho so no wonder if hanggang ngayon ay close na close kayo. Are you two best of friends?", maya-maya ay tanong nito.

Paglingon nya kay Nash ay ganun din ang ginawa nito. "Opo", sabay silang sumagot ng di inaalis ang tingin sa isat-isa. Naputol lang ang pagtiti-tigan nila ng tumikhim si ma'am Charo.

"Other than that?".

"Magkaibigan lang po kami", di alintana sa kanya kung ano ang ibig sabihin nito.

"How about you Nash?".

"Gaya po ng sabi ni Sharlene, magkaibigan lang po kami", iba pala pag dito nang-galing ang mga katagang yun. Medyo masakit na di nya ma-gets.

"Di ba sabi ko, you only have to tell me the truth. And when I say the truth, that includes how you truly feel for each other", makahulogan ang ngiti'ng ginagagawad nito sa kanila.

ClicheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora