Chapter Three

57 1 0
                                    

"Salamat sa paghatid pa"...sabay beso ni Shar sa papa niya na nagpumilit ihatid siya. Gusto lang daw talaga nito na siguraduhing ligtas syang makakarating kina Nash. Suuus! Di na man dating ganito papa niya, okay lang naman nito noon na ang driver lang nila ang maghatid sa kanya. 

"Oh nak, mag iingat kayo sa lakad nyo ha.." paala nito sa kanya na kung hindi nito napapansin ay ilang beses na nitong nasabi..hahaha, minsan talaga, over protective ang mga tatay. Lalo na sa mga nag iisang nitong dalaga. Wow! Hahaha. Dalaga....yung totoo? 

Napangiti na lang tuloy sya sa naisip " Opo pa, paano pa't naembento ang cellphone diba, tatawag ako sa inyo minu-minuto para di na kayo mag-alala?", ang gave him the most  reassuring smile she could ever make.

Ginantihan rin sya nito ng ngiti, at sa pagkakataong iyon, it seemed like he was genuinely happy. "Ikamusta mo na lang ako kay Mare, at kamo alagaan nya ng mabuti 'tong Prinsess ko ha?"..pabiro'ng sabi nito, pero alam nya na sa kaibuturan nyo'n ay may konte'ng pag-aalala parin ito sa kanya. Kaya di na nya napigilang yakapin ito ulit at sa pagkakataong iyon ay mas matagal. "Pa, dalawa'ng araw lang naman ito, natiis nyo nga ako nung nag Japan kami ah"...kunwari pagpapa konsensya nya dito " ito pa kaya...at tsaka, kailan ba ako pinabayaan nila Tita...eh kulang na lang siya na maging pangalawa'ng nanay ko diba?" at mas hinigpitan pa nya ang yakap dito.

"Oo na, Oo na..sya sya." Pag papakawala nito mula yakap nya.."Pumasok ka na at bago pa mag bago ang isip ko"

Pag kasabi niyon sa kanya ay dali dali syang tumakbo patungo sa gate at pinindot ang doorbell. Saka nya ito nilingon at kumaway " Sige pa, see you on Sunday" kuuuu! muntik na..hihi. "I love you, ingat sa pag drive"

Nakita nya itong tumawa at iiling-iling ng pumapasok sa sasakyan. Eksakto naman na pagbukas ng kung sino man sa gate ang siayng pag alis ng papa niya.

" Ate Shaaaaaar!" tili ni Chloe na yumakap pa sa bewang nya. " Na-miss po kita!" Sabi agad nito, hindi nya ito nakitang nagbukas ng gate dahil nakatalikod pa sya at kumakaway sa papa nya. 

"Chloeeee!!" ganti tili nya at agad na kinarga ito..na syang ikinagulat nya dahil halos mabali ang likod nya sa bigat nito.."Omegged! Ang b----ig---at m---mooo.." Ng hindi nya kinaya ay napagdisisyunan nyang ibaba na lang ito. "Sa susunod na lang ang karga mo Chloe ha......ano bang pinapakain ng kuya mo sayo" at sinadya'ng hinaan ag huli. Instead, tinapik-tapik nya na lang ito sa ulo.

"Mamaya ate ha.." sabi nito with full of expectations. Good luck sa maskels ko...

"hihihihihi..sige...sige.." matamlay na sagot niya rito. "Asa'n ba ang mommy at kuya mo, ba't ikaw ang nagbukas ng gate?"

" Nandito lang ako!" narinig niyang sigaw ni Nash mula sa loob.

Pag pasok nila ni Chloe sa loob ng bahay ay ang nakahilatang Nash ang naabutan nya na kontentong kontento sa pag kakapwesto nito sa sofa. Kinuha niya ang isang throw pillow mula sa ulo nito at hinampas si Nash sa dibdib. " Hoy..kung maka hilata ka diyan para kang hari ah"

"Aray na man Shar, di pa rin ba nag babago yang lakas mo? Bilib rin ako sa'yo noh, hindi ba naaapektohan ng diet 'yang mga maskels mo?" sabi nito na hinimas-himas pa ang parte na napurohan.

"Aahh, ganun? gusto mo ulitin pa natin, sa likod naman para balance?" at aakmang hampasin ulit ito.

"Okay na...okay na" sabay takip nito sa katawan nito, na kung akala mo'y sinong huhubaran..eeew Nash. "Gusto mo lang naman akong tiyansingan eh.." Panunudyo pa nito sa kanya. 

Ang ungas, di talaga nadadala kaya imbes na sa likod ay sa binti nya ito pinurohan.

"Moooommmy, si Shar oh, inaaway akooo..." sumbong nito kay tita na papalapit sa kanila at may dalang tray ng snacks.

"Ses! Kahit kailan talaga, ang sweet nyong mag batian" natatawa pang sabi nito. "Oh, ikain mo lang yan nak" nang ilapag nito ang dala sa center table. Siya naman ay mabilis na humalik sa pisngi nito.

"Tita, tulungan ko na po kayo diyan.." 

"Ba't ba pag sakin daig mo pang tambay sa kanto sa kaastigan ah, pero ngayon...." sinipat sipa't pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa "dalagang dalaga tayo ah, adaptation mo ba yan sa mga tao'ng kasama mo?" winner talaga ito sa pang iinis sa kanya. 

Itinaas niya ang nananahimik na tinidor at hinimas himas "Manahimik ka Nash, kung ayaw mo'ng sa kokote mo to tumusok imbes na sa pancake", puno ng pagbabanta'ng sabi niya. Na effective na man dahil hindi na ulit ito nagsalita...succes! Wuaaahaahaahaa.  Wala talaga tong ek si Nash pag ako na nagbanta.

Tatawa-tawa pa rin si Tita habang si Chloe na man ay nasa pagkain na ang atensyon. 

Ganun lang, Hehehe. Chap 4 na...

ClicheDonde viven las historias. Descúbrelo ahora