Chapter 13

24 1 1
                                    

-------Nash POV----

Naglalakad si Nash sa hallway papunta sa set nila ng makita niya si Sharlene na nakatayo habang naka sandig ito sa frame ng pintoan ng dressing room nito. Di man niya makita ang mukna nito alam na niya agad na si Sharlene ito.

Dali2x niya itong nilapitan. Mahigit isang buwan din silang hindi nagkita o kung magkita man sila ay wala silang oras para mag usap dahil busy sila sa kanya kanya nilang schedules. Mula ng maging hit ang kanilang teen sitcom na LUV U ay di na sila naubusan ng projects. Bagamat maligaya siya para sa kanilang dalawa sa magandang blessings na natatanggap nila ay di pa rin niya maiwasang malungkot dahil hindi naman sila mag kasama sa mga projects. Si Alexa na siyang ka LT lang niya ang lagi niyang nakakasama habang ito naman ay si jairus.

Minsan nga ay nagseselos na sya dahil parang mas nagiging mas close na si Sharlene at Jairus. Wala siyang pakialam kahit mag mukha man siyang praning or posessive. Natatakot kasi siya na baka mag kagusto si Sharlene kay Jairus. Kung tutuusin eh malakas din ang LT ng dalawa, pero pangalawa lang sa kanila ni Sharlene. Haha of course....

Randam na randam niya ang malakas na pagkabog ng kanayang puso habang palapit na sya ng palit sa kinaroroonan nito. Samot saring emosyon ang nararamdaman niya. Takot na baka di sya na mi.miss nito at excited rin dahil sa wakas ay mayayakap na rin niya ito. Ganito pa la talaga pag inlove ang isang tao, noong una ay akala nya exaggeration lang ang lahat pero ngayon ay naiintindihan na niya.

---------------Sharlene POV-----------

Nakatayo si Sharlene sa frame ng pinto habang patuloy sya sa pag kain ng ice cream. Bigla kasing sinapian ang mama niya at binilhan sila ng ice cream. Kaya tuloy ngayon ay heto silang lahat sa dressing room nya at kanya kanya ng pwesto habang kumakain sila ng ice cream. Si Alexa ay nakaupo sa harapan ng salamin habang si Jairus naman ay nakatayo lang sa tabi nito. Prenti na mang naka pwesto si Kobi sa sofa at katabi nito ang mama niya.

Si Sophia naman ay naka.upo lang sa gilid niya kasama ng ate miles niya. Si Nash lang ang wala. Sinubokan niyang hanapin ito kanina pero di pa daw dumarating kaya siguro ay titirhan na lang niya ito saka na ibibigay pag katapos ng taping nila.

Na sa kalagitnaan sila ng kwentuhan tungkol sa magiging storya ng LUV U ng araw ng yun ng may biglang pumulupot na mga braso sa baywang nya.

Paglingon niya ay si Nash ang nakita nya at nag kiss pa ito sa cheeks niya.

"miss me?" tanong nito sa kanya.

Hindi sya nakasagot agad sa gulat at sa inakto ni Nash. Biglang natahimik ang lahat. Pagtingin niya sa paligid ay na sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat. Napalunok siya dahil di niya mabasa ang ekspresyon ng mukha ng mama niya.

Ng mapansin siguro ni Nash ang impact ng ginawa niya ang niluwagan niya ang pagkakayap nito sa kanya pero hindi pa rin nito nilalayo ang mga braso sa kanya. Narinig niya lang na nagsalita ito dahil nakatingin lang siya sa mama niya.

"Uuuuuhh.....anong meron. Birthday mo ba Shar?" Patay malisya na tanong nito.

"Aaaahhh....an-..ano....may binili..." ano ba yan. Di sya maka pag concentrate sa sasabihin niya dahil distracted siya sa yakap nito. Sinubokan niyang humiwalay sa pagkakayap nito mula sa likuran niya pero di siya nito binibitawan.

She cleared her throat before continuing. " may binili si mama na ice cream. Kumuha ka, dali! Baka maubosan ka ni Kobi" bahagya pa niyang hinila ang kamay nito para tuloyan na itong pumasok at ng ma bitawan na sya nito.

Nag smile lang ito " sige lang, kontento na ako dito" sagot ni Nash at ipinatong ang baba nito sa balikat niya.

"I saved some for you Nash sa ref kanina. Kunin mo na lang if ever na mag bago ang isip mo" nakangiting sabi ng mama niya at nag patuloy na ito sa pagkain. Na ikinagulat niya dahil yun lang ang sinabi nito.

Hinampas niya siya Nash sa braso nito. "Anong ginagawa mo? May pa back hug at kiss2x ka pang nalalaman diyan."

"Aray naman! Na miss lang kita bru", saka lalo pang isinubsob ang mukha nito sa leeg niya.

"Eh ano ngayon, di na ba uso ngayon ang mag sabi ng I miss you lang na walang drama?".

"Basta sayo di na", kinilig naman sya sa sinabi nito pero ayaw niyang bumigay dito. Maliban kay Alexa ay back to normal na lahat. Kanya kanyang kwentuhan at tawanan. Si Alexa na man ay patuloy lang sa pag ii.scoop sa ice cream nito at di na sinusubo.

Maya maya ay tumayo na ito. "Babalikan ko lang si mommy sa dressing room ko" pahayag nito sa lahat.

" ganun ba, sige. Dalhin mo to sa mommy mo Alexa" sabi ng mama niya.

"Aayy, thank you po ulit tita. Mauuna na po ako", bagaman nakangiti ito ay ramdam niya di ito masaya.

"You are always WELCOME" anang mama niya.

"See you later lex", kaway ni Nash pagdaan nito sa kanila.

Ngiti lang ang sinagot ni Alexa at saka kumaway sa kanya.

Pinilit niyang alisin ang mga braso ni Nash kaya wala itong nagawa ng hinila nya ito paharap sa kanya. Nang magkaharap sila iya giniya niya ito palabas ng dressing room niya, di kalaayuan ngunit sapat lang upang di marinig ng iba ang sasabihin niya.

"mas gusto mo talaga akong masolo ano?", panunudyo nito.

"Sira, huwag kang masyadong mahangin dyan", sagot niya.

"O, anong problema", sa wakas ay tanong nito.

Sya man ay di sigurado sa kung ano ba talaga ang problema pero kanina kasi ay nakaramdam siya ng guilt ng biglang lumabas si Alexa.

Matagal na kasi niyang alam na si Nash ang ultimate crush nito, na ang alam ng huli ay best friends lang sila. Kaya nga sa kanya ito humihingi ng tulong lalo na kapag gusto nito na masolo nito si Nash. Kadalasan ay tuwing lumalabas silang barkada ay nagdadahilan sya ng kung anu-ano at minsan naman ay sinasadya niyang ihi-walay ang dalawa sa grupo upang magkasama ang sina Nash and Alexa.

Pero ngayon ay di nya alam kung ano at paano sasabihin dito na layuan sya at sundan si Alexa, kung sa kaibuturan ng puso nya ay di sya mismo sumasang.ayon sa naiisip niya.

Clicheحيث تعيش القصص. اكتشف الآن