Chapter 20

11 1 0
                                    

"SORRY NASH. Alam ko naman na mali yung ginawa ko. Sorry talaga." Sabi ni Alexa habang naka-yuko ang ulo.

"Alexa..", pilit nyang pinakalma ang boses dahil deep inside ay naiinis na sya.

Hindi naman naging mahirap ang pag-amin nito kasi ito mismo ang lumapit sa kanya at kusang umamin. Pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nito nagawa iyon. Lalo na kay Sharlene na itinututuring nitong matalik na kaibigan. Di bale na sya ang traydurin nito, kaso eh si Shar ang bina-bash.

"Nakapag-sorry ka na. Actually, di ko na mabilang kung pang ilang beses mo na yang nasabi. Pero ang gusto ko lang naman na marinig sayo ay ang paliwanag mo kung bakit mo yun nagawa sa amin. Lalo na kay Sharlene?".

Nag-angat ito ng tingin. Nag-iba rin ang expression ng mukha nito. Galit?

"Yan ang mahirap sayo Nash eh. Puro ka na lang Sharlene. Akala ko ba magkaibigan lang kayo. BEST OF FRIENDS ika nga," pinag-diinan pa nito ang huli. "Pero kung maka-asta ka sa kanya parang kayo na ah."

"Ano?? Ano bang pinag-sasabi mo? Ano'ng gusto mo'ng gawin ko? Umarte na parang wala lang nangyari? Eh nasasaktan na nga yung tao eh. At anong mas malala, ako ang may kasalan. Ako kumuha nung picture, hindi sya!!". Di na nya napigilang pagtaasan ito ng boses.

Hindi sya sigurado kung dahil sa napag-taasan nya ito ng boses or sa narealize nito sa sinabi niya kaya ito naiyak.

"Sorry na nga!!," balik sigaw nito. "Sorry kung nag-selos ako! Sorry kung di ko napigilan ang galit ko!! Sorry dahil sa dinami-rami ng lalaki na pwede'ng ma-in love ako, sayo pa! Kahit alam kong matagal ka ng may gusto sa best friend mo." Sya naman ang di makasagot dito. "Gulat ka? Oo, matagal ko ng alam. Sinubay-bayan na kita noon pa. Kitang-kita ko ang special treatment mo sa kanya. Ang obvious mo nga eh, kaya minsan ang sakit sakit na. Pero kahit ano'ng gawin ko wala eh. Patay na patay ka na sa kanya. Kung nag kataon ba na tayo ang unang nag kakilala at tayo ang naging mag best friend mahuhulog ka din ba sa akin Nash?", naaawa sya dito. Aware sya sa feelings nito pero di nya akalain na ganoon na pala ito kalalim.

"Nash, sumagot ka naman please. Mas masakit kasi ang silent treatment", pinahid nito ang mga luha.

"Di ko alam. Sorry lex." Wala syang ibang maisip. Ayaw nyang nakikitang nasasaktan ito. Dahil kahit papaano ay may pinagdaanan na rin din naman sila at matatawag na ring isa ito sa mga close friends niya. Kaya lang di talaga napipilit ang puso.

"Syet naman oh! Nakakahiya naman tong pinag-gagawa ko." Maya-maya ay wika nito. "Ba't ganun Nash? Anong kulang? Ano'ng meron sya na wala ako?".

"Simple lang naman Lex. Hindi ikaw sya." Tumulo na naman ang mga luha nito. "At kahit kailan ay wala na akong makikita pa na tulad nya. Nag-iisa lang sya eh".

Napangiti si Alexa kahit na tumutulo ang luha nito. Pwede pa la yun? Anyways, nakakaawa na talaga ang hitsura nito. Ngunit ayaw naman nyang paasahin si Alexa pag niyakap nya ito. Baka ma mis-interpret nito pag ginawa nya yun. Gulo na naman, at saka ito lang ang mas mahihirapan.

Tahimik lang sila. Walang nag sasalita. Mahigit limang minuto na silang walang kibuan. Ayaw din naman nyang una'ng magsalita dahil baka mali mali ang masabi niya at lalo pa itong umiyak. Hinayaan na lang muna nya ito para bigyan ng panahon upang makapag-contemplate sa mga bagay-bagay.

Ano nalang ang sasabihin ni Sharlene pag nalaman nyang pinaiyak niya si Alexa. Kuuu! Kukutosan na talaga sya nun. Alam naman kasi niya kung gaano kahalga dito si Alexa. Di lingid sa kaalaman nya ang closeness ng dalawa.

"Oo nga, hah. Ang Cliche naman nito. Nag-iisa lang yung babae'ng yun."

"Huh?" Nalito sya sa sinabi nito. Nasa kalagitnaan kasi sya ng matinding pag-iisip.....yeah! Matindi na ako mag-isip ngayon. Tsk tsk.... ng mag-salita ito bigla.

ClicheWhere stories live. Discover now