Hahaha. Nagkakaubosan na ng ideas pero sige lang ng sige. Actually, nakikinig ako sa "Best Friend" ni Jason Chen tuwing nagsusulat ako. Hehehe, pang pa-inspire lang kahit paulit-ulit eh hindi rin naman ako nagsasawa. Tapos sinasabayan ko rin ng tea and cookies, hehehe.
---------------------------------------------------------------SHARLENE------------------------------------------------------
Matapos ang masayang bakasyon nila Sharlene kasama ang pamilya ni Nash ay balik na ulit sila sa dating gawi. Tapings, workshop, practice for Asap...at kung anu-ano pang mga raket.
"CUUUUT!" sigaw ni direk. "Okay, next scene, Shar...lapit ka konti kay Jai, masyado ka'ng malayo..." utos nito, sinunod na man niya,"yan, yan...sige, in 1 2 3------ACTION!"
Parang ang bilis ng mga pangyayari parang kelan lang, nakikipag-laro pa siya kay Chloe sa may dalampasigan, tapos ngayon ito ng inaatupag niya. Nakaharap na naman ulit siya sa camera. Kailan kaya mauulit yun or, mauulit pa kaya yun?
--------------------------------------------------------NASH-----------------------------------------------------------------------
"Ano nga pa lang pinagka-abalahan mo pag weekend?," narinig niyang tanong kay Alexa sa kanya, nilingon niya ito, "Aaah, wala lang. Nagbonding kasama sina Chloe," which is true, di nya ngalang dinitalye kung sinu-sino pang kasama niya maliban kay Chloe sa pag-bonding. Tapos ibinalik niya agad ang pansin sa pagmamasid kina Sharlene at Jairus, actually kay Shar lang.
May dala-dala siyang homemade cookies na gawa ng mommy niya na ibibigay niya kay Sharlene pag natapos na ito sa scene na ti-ni-take nila, kaya siya nag-aantay doon.
"Sana tinawagan mo na lang ako, bored na bored kasi ako sa bahay eh. Tsaka gusto ko rin makilala si Chloe personally," parang nanghihinayang na tugon nito.
"Ahh..sorry," ng hindi pa rin inaalis ang mga mata kina Jai at Sharlene...malapit na silang matapos, hehehe, tiyak magugustohan niya toh...
Lumingon si Sharlene sa direksyon niya at nag-tama ang mga mata nila, ngumiti na man kaagad ito kaya kumaway rin siya at itinaas ang box ng cookies na dala niya. Nakita niyang kumislap ang mata nito kaya mas lalo siyang na-excited na ibigay ito dito.
"Wow Nash, homemade cookies ba yan?" ....."Oo," tipid na sagot niya dito.
"CUT!,"..narinig niyang sigaw ni Direk."Good job Shar at Jai!". Yes! tapos na sila...
"hoy Nash!," agaw ni Alexa sa kanya na tila kanina pa may sinasabi na di nya narinig.
"Ha?..teka lang, puntahan ko muna sila," paalam niya dito saka mabilis na tinungo sila Shar at Jai.
"Shar o," sabay abot kay Shar sa box ng cookies," gawa yan ni mommy."
"Hahaha, kaya mahal na mahal ko ya'ng mommy mo eh, salamat dito ah," nakangiti'ng sagot nito.
"kay mommy lang," pa-inosente'ng tanong niya, mababakas sa mukha ni Shar ang pagkalito kaya naman ," paano naman ako, di mo ako mahal?" pagpapatuloy niya sa tanong.
"Sira!," yun lang ang sinagot nito, bagaman nanghihinaya'ng eh di na lang nya pinilit. Tinulangan pa niya ito'ng buksan ang box,"Aaaaaah, ang bango," mas lalo siyang natuwa sa sinabi nito..swak talaga sa panlasa ni Shar ang mga luto ni mommy...pwede na..bigla siyang natigilan sa iniisip ng ma-realize kung saan ito patungo.....pwede ng ano Nash? tanong niya sa sarili...ipinilig niya ang ulo para alisin ang ideyang namumuo sa isipan niya.
Di na man sa nagdadamot siya, eh mas gusto sana niya'ng si Sharlene lang makakain ng luto ng mommy niya kaya niyaya niya agad ito sa dressing room nito.
أنت تقرأ
Cliche
أدب المراهقينSharlene San Pedro and Nash Aguas are both known for their promising talents in acting...etc.. And as we all know, they are said to be best of friends in real life. Find out how they tackle these new challenges, and end up falling for each other whe...