Chapter Nine

42 0 0
                                    

"Waaaaah! Ang ganda!!!," malakas na sabi ni Sharlene ng masilayan niya ang mapuputing buhangin at ang napakalinis at kulay asul na dagat. Ibinukas pa nya ang dalawa niyang kamay at nag-ala Rose sa Titanic habang ninanamnam ang malakas na ihip ng hangin,"pero teka...ang init naman," kaya agad rin siynang nag-tago sa lilim ng puno'ng malapit sa kayna. "Makapag night-swimming nga mamaya," excited na bulong nya sa sarili.

Nangmakita niya si Nash na naghahakot ng mga gamit nila mula sa van patungo siguro sa cottage na kanilang tutuluyan, itinaas niya ang kamay para sana kumaway. Pero ng maalala niya ang nangyari kanina ay ibinaba na lang niya ito.

Dumating na rin sila sa Virgin Beach Ressort, sa Wakas! Mahigit tatlumpo'ng minuto rin ang binyahe nila mula sa mall, and all throughout ng kanilang bihaye ay ni isa sa kanilang dalawa ni Nash ay walang nag-salita.

Hindi rin sila magkatabi dahil sa frontseat sumakay si Nash, sya na man ay doon pa rin sa likod. Bagama't nalulungkot siyang isipin na hindi sila nagkikibuan eh alangan naman na siya ang unang mag-approach diba? Ang awkward kaya, tsaka di yun reponsibilidad ng babae, dapat ang lalaki ang mag first move. Kaya eto siya ngayon, hanggang tingin. 

"Bro, so near yet so far," malungkot na sabi nya rito. Nang hindi niya matiis, hahaha, sa kanilang dalawa siya ang hindi nakakatiis, hinabol niya ito para komprontahen.

"Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas!!!!!," ubod lakas na tawag niya dito na ikinaubo niya...lumingon ito.

"Oh, na 'pano ka?", concerned na tanong nito kasi patuloy pa rin siya sa pag-ubo, namumula na nga rin ang mata.

"t--tu---big, tubig," sabi niya dito habang hinihimas himas ang sariling lalamunan. "Kunan moko ng tubig," mabilis na utos niya dito dahil masakit pa rin ang lalamunan niya.

Sheet na man oh! bad trip kang ubo ka, ganda na ng entrance ko kanina eh...ahek ahek..

"tubig?", saka ito patakbong nagpunta sa cottage at mabilis ring nakabalik na may dala ng bottled-water, "Ito oh," pag aabot nito sa kanya, at mabilis nito'ng mi-nassage ang likod niya para makahinga siya ng maayos.

"Ano ba kasing kina-ubo mo, nilunok mo bang mga buhangin dito," tanong nito sa kanya ng humupa na ang pag-ubo niya.

"Hoy!," sabay tapik niya sa ulo nito," kung hindi dahil sayo at sa buwis-buhay ko na pag-sigaw sa pangalan mo, eh di sana di ako inubo," mataray na sagot niya dito.

"hahahaha...eh sino naman kasing nag-utos sayo na isigaw mo'ng buong pangalan ko?" natatawa pa ring tanong nito.

"eeh sus! kung maka-deadma ka kasi akala mo ako may kasalan, ang drama mo," pagdadabog niya dito. Ito na man ang natahimik, at parang nailang. Naintindihan kasi nito ang ibig niyang sabihin.

"Hala oi, wala yun bro!," inakbayan pa niya ito," namumula ka na oh!," turo pa niya sa mga pisngi nito. "Hahahahahahahahahahaha...your so weak Nash!" tawang-tawa pa rin sabi niya dito.

"Aaah ganun? ako pa'ng weak," habang inaalis nito ang braso niyang nakapatong sa shoulders nito. "talaga lang ha.." halos pabulong lang na sabi nito, na ikina-atras niya at unti unti'ng napalis ang mga tawa niya. "Sige nga sabihin mo'ng mas weak ako," saka siya nito kiniliti sa tagilira.

"Oo na, I'm weak...hahahaha..Oo, na!!," habang panay pa rin ang pag depensa nya sa mga pangingiliti ni Nash ,"Titaaaa!...hahaha..Tita!," tawag niya sa mommy ni Nash ,"wuahahahaha..pinapatay po ako ni Nash...," nang maka takbo siya ng ilang metro mula kay Nash," Bro, maawa ka!, mahina lang ako," tinuro pa niya ang sarili.

"Oh sige, tutal pagod na rin ako," hingal na sabi nito. 

"Maraming salamat po.."maingat na sabi niya rito. Nang patalikod na siya para sana umalis niya ay may bigla na lang pumulupot na mga braso sa bewang niya. Paglingon nya eh si Nash pa rin. Saka siya wala'ng humpay na kiniliti ulit, pero ngayon ay di na sya makatakas dahil sa matatag na pagkayakap nito sa bewang niya. Hindi niya tuloy mawari kong iiyak siya o tatawa.

ClicheWhere stories live. Discover now