Chapter 21

15 1 1
                                    

--------Alexa's POV-------
"Uulitin ko lang Alexa, so ikaw ang nagkalat ng picture ni Nash at Sharlene habang hinahalikan ni Nash si Sharlene sa noo?", tanong nung isang reporter na nag i-interview sa akin.

"Opo"

"Anong dahilan bakit mo ginawa yun Alexa?"

"May namamagitan ba sa kanila?"

"Saan mo nakuha ang picuture na yun,"

Iilan lang yun sa mga tanong na ibinabato nila sa akin.
"Isa-isa lang po tayo sa pag-tatanong. Para na rin po masagot ng maayos ni Alexa yung mga tanong nyo." sabi nung isang manager nya. Maliban kasi sa mama nya ay may road manager din sya.

"Bakit ko po yun nagawa? sa totoo lang po eh pinagsisihan ko po kung bakit ko yun nagawa. Isang malaking pagakakamali lang po yun."

"Saan mo nakuha ang picture?"

"Sa cellphone po mismo ni Nash. Pero katuwaan lang po yun nila dalawa ni Sharlene para po sana sa mga Nashlene fans nila. Wala naman po talaga akong karapatang makita yun na picture on the very first place. Kaya humihingi rin po ako ng patawad sa NashLenes dahil lumabas po sa publiko ang picture na sana ay dedicated lang para sa kanila".

"Alexa, sila na ba ni Nash at Sharlene?"

"Alam ko pong matalik na magkaibigan si Sharlene at Nash. At kung may na mamagitan man po sa kanila'ng dalawa ay wala na po ako doon at wala po ako sa posisyon upang magsalita ng tungkol sa kanilang dalawa."

"Alexa, sa tingin mo ba ay NLex ang nasa likod ng pang ba-bash kay Sharlene?"

"Malakas po ang tiwala ko sa NLex. Pero kung totoo man po na sila ang nasa likod nun, ako na po ang humihingi ng tawad sa lahat ng ginawa nila. Lalo na at matalik na kaibigan ko si Sharlene, kung akala nila na si Sharlene lang ang nasasaktan sa ginagawa nila. Mali kayo. Nasasaktan din akong makita ang kaibigan kung ginaganoon lalo na ng mga taong pinagkatiwalaan ko."

"Okay! Last question na po," sigaw ng manager niya.

"Alexa, anong message mo kay Nash at Sharlene?"

"Uuuhh...parang wala na ata akong kailangan sabihin sa kanila. Actually nag-kausap na kami at nalinaw na namin ang tungkol sa issue na ito. Pero guys, I love you both. And God bless always! Yun lang po and thank you".

6 years later.......

--------------------------Sharlene's POV-------------------------------

"OKAY! CUUUUUT!", narinig ni Shar na sigaw ng kanilang director.

Lumapit sa kanila ang assistant director, "30 minutes break then start tayo sa next scene".

"Thank you po!", nag paalam na sya at bumalik sa tent nya. Ito na ang huli'ng araw ng taping nila para sa gingawang teleserye. Bagama't malungkot sya dahil naging super close na sila ng mga naka-trabaho nya dito ay masaya pa rin sya dahil sa mgandang feedback na natanggap nya mula sa mga televiewers.

Pumasok ang mama nya. "Oh. Kumain ka muna".

"Sabay na po tayo ma." Wika nya dito at hinila ang isa pang upoan palapit sa kanya.

Tahimik lang silang kumakain. "Nak, tatanggapin mo ba?" Natigil sya sa kinakain. Inangat nya ang mukha upang makita ito.

"Po? Pinag-iisipan ko pa ma. Gusto ko po sanang mag pahinga muna." Saka sya ngumiti dito.

It's been six years. Akalain mo yun? Graduate na sya ng college sa kursong entrepreneurial management. Pangatlong teleserye nya na rin ito mula nung Nathaniel. Naging maganda rin ang takbo ng career niya, it's safe to say na stable na ang pangalan nya sa industriya. Maliban kasi sa teleserye ay di sya nauubosan ng mga endorsements at may dalawa na syang pelikula. May sapat na syang ipon at marami-rami na rin ang naipundar nya.

ClicheWhere stories live. Discover now