Love, Catherine
CHAPTER 3
___________________SANDRA's POV
"Ano ba ang mas maganda? The blue or the green one?," hindi ako makapagdesisyon sa isusuot kong two piece na bathing suit. Parehas nakalapag sa kama ang dalawa kong pinagpipilian.
Nagyaya kasi bigla si Catherine na mag-swimming sa pool ng villa. So I said yes. Besides wala naman akong ibang gagawin ngayong gabi. Naisip ko rin na mas mainam nga siguro na magpalipas ng oras sa tubig.
Halos mag-iisang linggo na rin since magkakilala kami in a very awkward situation. Hindi naman mahirap pakisamahan ang isang Catherine Fabian. Bukod sa napakaganda niya ay napakabait pa, friendly at masarap magluto. We became friends in a sudden.
Finally, after two and a half years, I have made a decision.
Isinuot ko ang color blue na bathing suit at pinaibabawan ito ng white sando at shorts.
Napaisip din ako bigla kung ano ang magandang dalahin sa swimming. Panigurado na si Catherine ang magdadala ng wine. Naisip ko ang specialty ni grandma na pizza roll. Sakto naman na mayroon ako ng lahat ng kakailanganin. Wala akong sinayang na oras. Sigurado akong magugustuhan ni Catherine ang specialty ni grandma.
After how many minutes, natapos na rin ang niluluto ko. Binalot ko iyon ng aluminum foil upang hindi kaagad lumamig saka ko inilagay sa tupperware. Dinala ko na rin ang aking towel at inilagay iyon sa aking balikat.
Paniguradong nandoon na si Catherine at naghihintay.
Pagkarating ko sa pool ay wala akong nakitang ibang tao maliban kay Catherine na nakaupo sa resin pool lounge chair sa may kabilang bahagi ng pool.
"There you are," nakangiting bati nito sa akin.
Nakangiti akong naglakad palapit sa gawi kung saan siya naroon. Inilapag ko ang dala kong tupperware sa mesa katabi ng red wine. Inilagay ko rin ang tuwalya sa resin lounge chair sa tabi nito.
Napakaganda ng tanawin. Ngayong gabi ay litaw na litaw ang mga bituin. Dumagdag pa na isang infinity pool ang pagmamay-ari ng villa. Aakalain mo talaga na ang swimming pool at ang dagat ay iisa.
"So, tayo lang pala ang gagamit ng pool ngayon?," pabiro kong tanong. Umupo ako sa pool lounge chair na nakalaan sa akin.
Nakasuot siya ng robe na kulay puti. Nakalugay ang kanyang blonde na buhok. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Ayaw mo ba? This pool is reserved only for the two of us," she said with a naughty smile on her face. She also gave me a wink.
Napangiti ako sa sinabi niya. She is a combination of hotness, sexiness and class with a little bit of naughtiness I guess. Inutusan niya akong buksan ang red wine na nasa mesa at isinalin ko iyon sa wine glass naming dalawa.
"Oo nga pala. I brought something to eat. I made some pizza rolls," nakatuon sa isinasalin kong wine ang aking atensyon. Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay natigilan ako nang mapatingin kay Catherine ang mga mata ko.
In this moment, she is not wearing her white robe anymore. She is only wearing a two piece bathing suit na kulay black. I lost track of the time. Parang bumagal ang lahat. Unti-unti siyang bumababa sa pool. Inilubog niya ang buong katawan niya sa malinaw at kulay asul na tubig ng swimming pool. Sinisid niya hanggang sa pinakadulong bahagi ng pool at lumangoy muli pabalik sa pinagmulan niya. I can't take my eyes off of her. She's...she's gorgeous. She's like a goddess swimming gracefully with the water. She stopped the time of mine.
"Sandy," tawag niya at tuluyan na nga akong nagising mula sa... ano yun?!
"Is there something bothering you? Kaya nga tayo nandito... to enjoy... to forget things atleast for a while," aniya. Umahon siya sa may pool at umupo sa gilid nito. Nanatili ang kanyang mga paa na makalubog sa tubig.
YOU ARE READING
Love, Catherine
Romance"It's a dangerous dance, this tug-of-war between what feels right and what is right." In the heart of a conservative society, where conformity is the rule, meet Sandra Vallejo-a runaway bride determined to break free from the chains of her father's...