Love, Catherine
CHAPTER 1
___________________SANDRA'S POV
"Gwen, kaya ko ang sarili ko kaya there is nothing for you to worry about, okay?," pailang beses ko ng sabi sa kaibigan ko pero hindi pa rin siya naniniwala. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ito ang unang beses na lumayas ako sa bahay na hindi siya ang kasama ko.
Gwen is my bestfriend since grade school. Magkasama kami niyan kahit saan pero ngayon, napagdesisyunan ko na ako muna.
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga sa kabilang linya. "Okay, okay but how about tito Robert? Paano kung malaman niya ang lahat ng ito? Anong sasabihin ko? Mababaliw na ako dito Sandy!," taranta nitong wika.
I rolled my eyes knowing Gwen as a praning bestfriend.
Kasalukuyan kong inaayos ang living room ng bungalow house na tinutuluyan ko dito sa Villa Celestina. Malayo sa bayan ang lugar na ito kaya asahan mo na sobrang tahimik ng villa.
Inilipat ko sa kabilang tenga ko ang cellphone na hawak ko.
"Just tell papa na hindi ako tumatawag sayo, tapos! Sige na mag-aayos pa ako ng tinutuluyan kong bahay and as I can see, there's a lot to do, bye!," inilapag ko ang cellphone ko sa couch na nasa tabi ko. Sana lang ay tama ang naging paglayas ko. Umaasa ako na sa lugar na ito ay mahahanap ko ang aking sarili at kasabay nito sana ay matagpuan na rin ni papa ang totoong worth ko bilang anak niya.
Palagi niya akong kinukumpara. Pakiramdam ko ay isa akong produkto na matapos pag-ekperimentuhan ay maaari nang ipagbili sa kahit kanino.
He always wants me to be just like my mom. A degree holder. A well-known neurologist. A perfect woman. But being a doctor is not my passion. At iyon ang hindi nito maintindihan.
Since grade school ay hilig ko na talaga ang pagguhit. Bago pa man pumanaw si mama ay sinabi niya sa akin na I must find my happiness. I'm happy with my passion. But papa would always disagree. For him being an artist is like being worthless. Ganito ko daw sayangin ang magandang buhay na mamanahin ko sa kanya.
Binuksan ko ang dala kong trolley bag. Inilabas ko mula roon ang isang portfolio ng mga likha ko. Wala akong tiyak na subject. Kung ano ang makita kong maganda at kakaiba sa aking mata, iginuguhit ko.
Ang aking malalim na pag-iisip ay naalis ng marinig ko ang mga hampas ng alon. Isinantabi ko muna ang aking mga ginagawa at tinungo ang balkonahe. Binuksan ko ang bahagyang nakaawang na sliding door at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Ang unti-unting paglubog ng araw sa guhit-tagpuan ay hinihila ako na animo'y nagpapaanyaya na panoorin siya. Napakaganda ng tanawin mula dito sa kinatatayuan ko. The sea is like an ocean of diamonds. It reflects the light of the sun as it dramatically sets on the horizon. I closed my eyes and took a deep breath.
Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay napansin ko ang isang babae na tulad ko ay ninanamnam din ang magandang tanawin. She is standing in the balcony of her house not that far from mine. Agad kong napansin ang kanyang angking kagandahan. She has those blonde hair na hanggang balikat lang ang haba na bumagay sa mala-porselana niyang balat. Kapansin-pansin din ang matangos niyang ilong at ang kulay asul niyang mga mata. Matangkad at maganda ang hubog ng kanyang katawan. She's...perfect.
Nagising ako nang mapansing nakatingin na rin siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ako aarte ng normal dahil sa totoo lang ay nakakahiya ang nangyari. I can feel my face burning right now.
"Is this also your favorite thing to do? Ang panoorin ang paglubog ng araw?," she asked. Muling bumalik ang atensyon nito sa horizon. Her approach was as wise as her eyes and her voice was like the ocean, rich and deep but somehow full of secrets. "This is a breathtaking scene everybody should witness. I can't imagine what the sun feels every time he sets knowing he will come back tomorrow."

YOU ARE READING
Love, Catherine
Romance"It's a dangerous dance, this tug-of-war between what feels right and what is right." In the heart of a conservative society, where conformity is the rule, meet Sandra Vallejo-a runaway bride determined to break free from the chains of her father's...