Malamig ang gabi dala ng malakas na ulan at ang malakas na kaba sa dibdib ko ang nagpapalamig pang lalo sa katawan ko. Naramdaman ni Catherine ang takot ko kung kaya mariin niyang hinawakan ang kamay kong halos manginig na sa takot at kaba."Are you really sure about this? Ito ba talaga ang gusto mo o napipilitan ka lang?," anito habang ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatingin sa harapan habang nagmamaneho.
Isang lunok ang aking ginawa at hinawakan rin ang kamay ni Catherine na noo'y nakahawak na sa kaliwa kong kamay.
"Take me, Catherine," sagot ko rito. Alam kong kinakabahan din siya. Bakas iyon sa kanyang mga mata.
She then gave me a smile that brings hope to my heart. Ang mga ngiting iyon ang nagpapakalma palagi sa akin. Ilang beses na naming napagusapan ito. Hindi maaaring mauwi nalang sa wala ang plano. Alam ko kung saan ako magiging masaya. And I'll risk everything just to follow what my heart tells me to do.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang telepono ni Catherine. Kapwa namin alam kung sino ang taong ito kung kaya't minabuti na lamang niyang sagutin ang tawag.
"This can't be right!," Catherine exclaimed.
Nanumbalik ang takot at kaba na naramdaman ko kanina. Sa tonong iyon ni Catherine ay parang may hindi magandang sinabi ang kausap niya.
"What do you want me to do, William?," she asked with anger slowly rising. "No, you will not! Hindi mo pwedeng gawin ito!," ang galit na unti-unting kumakawala kay Catherine ay naging luha. Nang maibaba ni Catherine ang tawag ay agad ko siyang tinanong kung ano ang nangyayari but she didn't answer me. There's a chaos happening in her mind right now.
"Cath, please answer me. Ano ba ang sinabi sayo nung William na yon?," I paused to wait for her answer but there's nothing. "Catherine, can you plea—,"
Naputol ang aking sinasabi nang sigawan niya ko. Itinabi ni Catherine ang sasakyan. Pinatay niya nag makina at ang tanging maririnig nalang ay ang tikatik ng ulan sa bubungan ng kotse.
"I don't know Sandra! Okay? I—," before she even continue her words, her tears burst out. Napasubsob siya sa steering wheel.
Alam kong ang pagtakas naming ito ang dahilan at ngayon, hinahabol na kami ng mga taong tutol sa kung ano ang mayroon kami.
"Do you still love me?," I calmly asked.
She turn her head on me and speak. Animo'y isa siyang bata na natauhan matapos mapakalma mula sa pagaalburoto.
"You know how much I love you, Sandy. No matter what happens, always remember that I love you, okay?," she gently come close and hug me.
I closed my eyes and a flash of strong light came in. And all fades to black.
A loud high pitch sound is all I can hear. Ilang sandali pa ay naulinigan ko rin ang boses ni Catherine and someone is with her...ngunit hindi ko mawari kung nananaginip ba ako o hindi.
Am I dreaming?
Am I hallucinating?
I...
I don't know...
Catherine...
-Cayzli
All are FICTITIOUS. This story contains MATURE CONTENT so reader's discretion is highly adviced.
Goodluck on your journey, my friend!
YOU ARE READING
Love, Catherine
Romansa"It's a dangerous dance, this tug-of-war between what feels right and what is right." In the heart of a conservative society, where conformity is the rule, meet Sandra Vallejo-a runaway bride determined to break free from the chains of her father's...