Love, Catherine
CHAPTER 8
___________________Third Person's POV
"And that, gentlemen is the end of my presentation," ani Jacob.
Umani ng palakpakan ang binata mula sa mga members of the board matapos niyang i-presenta ang kanyang proposal.
"You did a great job," nakangiting wika ng isa sa mga ito habang nakikipagkamay kay Jacob.
Tatlo sa mga ito ang lumapit sa kanya upang i-congratulate siya.
"Talaga bang hindi ka na makakasama sa conference?," usisa ng isa.
Isang malalim na hinga ang kanyang pinakawalan saka nagsalita.
"I want to but alam niyo naman na may problema kaming kinakaharap ngayon and I want to find her myself," he answered.
"Speaking of Sandra, how is Robert? Balita ko hindi raw maganda ang kalusugan niya," usisa ng isa sa members of the board.
Hindi lingid sa kaalaman ni Jacob ang kalagayan ng future in-law niya. Nakausap nito ang private doctor ng pamilyang Vallejo at sabi nito, nasa hindi magandang kalagayan ang puso ng matandang Vallejo. Marahil ay dulot ito ng matinding pag-aalala sa anak na halos isang buwan nang hindi nagpapakita.
"Mr. Vallejo is currently resting. Wala kayong dapat ipag-alala dahil hindi naman malubha ang kalagayan niya. Any day now, makakabalik na rin siya sa kompanya," paliwanag ng binata. Ayaw nitong lalong kumalat ang balita dahil paniguradong pagpipyestahan ito ng marami lalo na ng midya.
Naglalakad na si Jacob sa parking area ng kumpanya nang makatanggap siya ng tawag.
"Are you sure about that? Sigurado ka bang si Sandra talaga ang nakita nila?," paninigurado ng binata.
Muling nabuhayan ng loob si Jacob sa sinabi ng kanyang private investigator. Simula kasi ng lumayas si Sandra ay wala na siyang narinig na kahit ano tungkol dito. Kahit pigain niya si Gwen ay wala rin siyang mapapala dito dahil kilala din nito ang kaibigan. Hindi ito magbibigay ng kahit anong impormasyon dahil sobra ang pagmamahal nito kay Sandra.
Agad na sumakay ng kanyang kulay itim na oto si Jacob at humarurot paalis. Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na siya sa pinagusapang resto. Pagkakita niya sa lalaking nakaupo sa sulok ng kainan ay agad niya itong pinuntahan. Iniabot nito ang isang kopya ng papel na naglalaman ng impormasyon na kalakip ng pangalan na isinulat ni Sandra sa hotel front desk.
Seryosong binasa ng binata ang papel. Malakas ang kutob nito na baka nga ito na ang magdadala sa kanya palapit sa dalaga.
"Iyan lang ang nakuha kong impormasyon sa hotel. According to the hotel attendant, sa naalala niya, hindi mag-isang nag-check in si Sandra sa hotel," mahinahon na wika ng private investigator.
Agad na napaling sa private investigator ang atensyon ni Jacob.
"What do you mean? Is she with someone else?," bakas sa tinig ni Jacob ang pagkadismaya sa nalaman.
"Kalma ka lang Jacob. Babae daw ang kasama niya. Maybe a friend," paliwanag ng PI.
Nakahinga ng maluwag si Jacob sa nalaman. At least, nalaman na niya na hindi mag-isa si Sandra pero hindi pa rin palagay ang binata sa kalagayan nito.
"Salamat Suarez. I'll call you again if I need your help. Just send me the bill," ani Jacob habang sinusuyod ulit ng paningin ang kanina pa niyang hawak na papel.
Pakiramdam ng binata ay malapit na silang magtagpong muli ni Sandra. Maibabalik na niya ito sa kanyang ama. Matutupad rin niya ang pangako sa matandang Vallejo... bago pa mahuli ang lahat.
YOU ARE READING
Love, Catherine
Romance"It's a dangerous dance, this tug-of-war between what feels right and what is right." In the heart of a conservative society, where conformity is the rule, meet Sandra Vallejo-a runaway bride determined to break free from the chains of her father's...