Love, Catherine
CHAPTER 6
___________________THIRD PERSON'S POV
Malamig na halik ng hangin at mainit sa sikat ng araw na nagmumula sa bahagyang nakabukas na sliding door papuntang balcony ang gumising sa natutulog pang si Sandra. Iniangat niya ang kanyang katawan habang nakahawak ang kanyang kamay sa kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan. Naalala niyang nasa kwarto nga pala siya ni Catherine at nakahiga sa kama nito. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang nangyari kagabi dahilan upang bahagya siyang mapangiti. Ang panandaliang kabaliwang naranasan niya sa kamay ng isang Catherine Fabia ay paniguradong hinding-hindi niya makakalimutan. Ang bawat halik na iyon na ibinigay ni Catherine ay animo'y nakataktak na sa kanyang katawan.
Ilang sandali pa ay napansin niya ang ingay sa labas ng silid. Agad niyang kinuha ang kanyang mga damit sa ibabaw ng kama at isinuot iyon. Pagkuwa'y binuksan niya ang pinto at nakita si Catherine sa may kusina.
"Gising ka na pala," nakangiti nitong bati sa kalalabas palang ng kwartong si Sandra. "Tara! Ipinagluto kita ng masarap na breakfast."
Ganadong ganado si Catherine sa paghahanda ng umagahan nilang dalawa. Bakas sa mukha at mga galaw niya ang kasiyahan. Habang naglalakad si Sandra papuntang mesa ay isa-isang inihayin ni Catherine dito ang mga niluto. Giliw na giliw si Sandra dito habang pinapanood si Catherine sa ginagawa.
"Do you always do this?," Sandra asked.
"Ang alin? ang pagluluto?...yes pero kung tinatanong mo kung ganito ba ako kasaya kapag nagluluto?...ngayon na lang ulit," she replied without any doubt.
Catherine used to cook for his family way back then. Nag-aral din kasi siya sa culinary school noong dalaga pa siya no question kung bakit ganoon nalang din siya kagaling at kasarap magluto. Naging espesyal ang pagluluto para sa kanya noon dahil ito ang gusto nilang gawin palagi ni Cate pero since the accident, hindi na muling naging ganito kasaya si Catherine. But when Sandra came into her life, the bloom on her smiles just came back.
MEANWHILE...
"Gwen, alam kong alam mo kung nasaan si Sandra kaya please sabihin mo na sa akin," pagmamakaawa ni Jacob sa isa pa nilang kaibigan ni Sandra.
Nakaupo si Gwen sa sofa habang hindi magkaintindihan kung paano kakagatin ang mga kuko sa daliri. Nananahimik ang buhay ni Gwen sa condominium unit niya nang dalawin siya ni Jacob.
"I told you Jac, hindi ko pa siya nakakausap since nung mabalitaan kong naglayas siya," pagsisinungaling ni Gwen. May pagka-matarantahin na kaibigan si Gwen. Kaya niyang magsinungaling ngunit hindi niya kayang itago.
Lumapit si Jacob dito at hinawakan ang dalawang balikat. "I know you, Gwen. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo and it's impossible kung hindi man nabanggit si Sandy sayo ang plano niya."
Biglang tumayo si Gwen at naglakad papunta sa ibang direksyon. Umiiwas siya na tingnan ang mga mata ni Jacob. Nangako siya sa kaibigan na walang ibang makakaalam kung nasaan siya kaya she is doing her best not to tell anyone especially Jacob and her tito Robert.
"Alam mo Jac, kung totoong mahal mo si Sandy, hindi mo siya pipilitin. We both know kung gaano kahigpit ang papa niya. But Jac, Sandy has her own life. She needs to find her own purpose," Gwen said with her arms crossed her chest. That leaves Jacob speechless for a while. "Pero even if sabihin sa akin ni Sandy kung nasaan siya, hindi ko pa rin sasabihin sa inyo."
"I love her...you know that," Jacob finally decided to leave Gwen's unit. Inihatid siya nito hanggang sa may front door at nang tuluyan na ngang makaalis ang binata ay parang pusang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Gwen. Huminga siya ng malalim at animo'y parang hihimatayin. Konting pamimilit nalang ni Jacob sa kanya ay baka hindi na niya kayanin at bumigay na siya.

YOU ARE READING
Love, Catherine
Romance"It's a dangerous dance, this tug-of-war between what feels right and what is right." In the heart of a conservative society, where conformity is the rule, meet Sandra Vallejo-a runaway bride determined to break free from the chains of her father's...