Love, Catherine
CHAPTER 7
___________________SANDRA'S POV
Parang napakaliit lang ng mundo para makita ko si Jacob sa iisang restaurant na kinakainan namin ni Catherine. Halos mabuwal ako sa kinauupuan ng sabihin ni Catherine na si Jacob nga ang taong iyon. Si Jacob na matalik kong kaibigan noon. Si Jacob na naging dahilan ng pagtatago ko ngayon.
Minabuti na ni Catherine na umalis kaming dalawa bago pa man malaman ni Jacob na nandoon din kaming dalawa. Bumalik na kaagad kami sa tinutuluyan naming hotel.
"Sandy, you need to calm down," pangatlong beses na pinaalala ni Catherine sa akin ang mga salitang ito pero hindi pa rin magawang tumigil ng utak ko kakaisip. Tiyak na matatapos na ang maliligayang araw ko kapag nalaman niyang nandito ako.
Napasapo sa kanyang noo si Catherine na noo'y nakaupo sa kama. "Hindi niya malalaman na nandito ka and...she can't take you away from me. I will not let you be taken away from me. Do you hear that?," I suddenly looked at Catherine.
She was so serious when she said that. Nakaramdam ako ng comfort sa sinabi niya. I felt secured being with her in this moment. She then invites me to sit beside her. Para akong isang bata na sumunod at natimo sa pabalik-balik na paglalakad.
"Natatakot ako," mahina kong wika habang nakatingin sa kulay asul niyang mga mata.
"It's okay to be afraid sometimes. Nandito ako," hinawakan niya ang pisngi ko. The coldness I felt for being afraid was washed away by the warmth of her palm. Isang matamis na halik ang isinunod niya.
Nilisan na namin ang hotel ng sumunod na araw. Hindi ko pa rin maiwasang luminga-linga sa paligid habang nasa sasakyan.
"Hey," linya niyang pumutol sa aking pag-aalala.
Bago kami dumiretso pabalik sa villa ay nakiusap si Catherine na idaan ang divorce paper sa tinutuluyang unit ni William. I stayed in the car. Aniya wala naman si William ng mga oras na ito. May negosyo kasi itong pinapatakbo at every weekends and every night lang siya namamalagi dito.
Sinigurado kong wala ang asawa niya doon kay Catherine. Well, nag-aalala ako na baka mangyari ulit ang nangyari noong isang gabi. I don't want her to be hurt again. Hindi ko kaya.
Ilang minuto pa ay nakita ko na rin si Catherine na lumabas sa may front door ng building. Hindi na niya dala ang kulay white na folder na naglalaman ng divorce paper nila.
"As expected, William's not home. Nakausap ko lang si manang na binabayaran niya para maglinis ng apartment niya and sa kanya ko nalang ibinigay. I made it sure na makakarating kay William ang mga papel na iyon," ani Catherine pagkapasok niya sa loob ng kotse. She started the engine and carefully stepped on the gas.
Malapit ng lumubog ang araw nang makarating kami sa villa. Just like always, napakatahimik pa rin ng lugar. Isang araw lang ako nawala at na-miss ko na kaagad ang tanawin tuwing maggagabi na.
"Pagod ka na ba?" tanong ko kay Catherine na noo'y kasabay kong naglalakad pabalik sa aming tinutuluyang bahay. She glanced at me and gave me that side smile.
"Nope," she replied.
Me, too," ani ko.
"Then let's spend the time together," aniya at hinawakan niya ang aking mga kamay habang sabay na tinatahak ang daan papunta sa dalampasigan. Pagkarating ay niyaya niya akong umupo sa buhanginan katabi niya.
I was blinded by the beautiful view of the scenery. The ocean reflects the bright crimson color of the sky. I glanced at her beautiful face. Simula noong una ko palang siyang makita, nabighani na ako sa taglay niyang kagandahan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakasawang titigan ang kanyang mukha.

YOU ARE READING
Love, Catherine
Romance"It's a dangerous dance, this tug-of-war between what feels right and what is right." In the heart of a conservative society, where conformity is the rule, meet Sandra Vallejo-a runaway bride determined to break free from the chains of her father's...