CHAPTER 5

40 2 0
                                        

MATURE CONTENT AHEAD

Love, Catherine

CHAPTER 5
___________________

SANDRA'S POV

Malayang umaagos sa hubad kong katawan ang tubig na nagmumula sa shower. Nakatayo lang ako sa loob ng banyo at hinahayaan ang pagbagsak ng tubig. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Ang pakiramdam na dinulot ng simpleng halik ni Catherine sa pisngi ko at ang mahigpit niyang yakap sa akin ay hindi pa rin nililisan ang kamalayan ko. Parang binibigyan ako ng hint kung saan papunta ito. At the same time, I also don't want to assume something. Gumuhit ang munting ngiti sa labi ko kasabay ng paglalakbay ng isip ko. In my mind, every part of Catherine's face flashes. Her eyes, her lips, her smiles. Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya na para bang isang magandang musika.

Pinatay ko ang tubig sa shower at kinuha ang puting towel upang tuyuin ang basang basa kong katawan. Pagkuwa'y ibinalot ko iyon sa hubad kong katawan. Iniyapak ko sa malamig na tiles ang aking mga paa at dumiretso sa harap ng salamin. Dahan-dahan kong ipinahid sa braso, hita at binti ko ang moisturizing lotion. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa closet upang kunin ang isusuot kong damit.

Ilang minuto lang ay tumunog ang cellphone ko. Unknown number ang nagtext. Binuksan ko ito at binasa. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang nangingiti sa tuwa. Agad akong lumabas sa balcony at tumingin sa gawi niya. I saw Catherine waving her hand at me while holding her phone. She's wearing her wide smiles dahilan upang mahawa rin ako. I waved back at her. Nakangiting ibinaling ni Catherine and atensyon niya sa phone. After a second, I received a text from the same number.

"I thought, maybe this is the perfect time to watch the stars above," aniya sa text. It's passed 9 in the evening at litaw na litaw ang mga bituin. Nang ibaling ko ang paningin ko ulit sa kanya ay itinuro niya ang langit. Mas sumidhi and tuwa ko nang mapansin ang kagandahang mayroon ang kalangitan ngayong gabi. Maya-maya pa ay nakatanggap muli ako ng message.

"Meet me at the seafront near the lighthouse. Let's do this together," sabi niya sa text message. Ipinaling kong muli sa balcony niya ang paningin ko pero wala na siya doon. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko. I felt a sudden thrill! Agad kong nilisan ang bahay at tinungo ang daan papunta doon sa sinasabi niyang lugar.

Sobrang tahimik ng buong villa. Ang naririnig ko lang ay ang mga hampas ng alon. Pagkarating ko doon ay tanging ang bonfire at lighthouse ang nagbibigay liwanag sa paligid. Sa palagay ko ay kaming dalawa nalang ang nasa labas. Inanyayahan ako ni Catherine na maupo sa tabi niya. Dinig na dinig ang pagsingaw ng beer nang buksan niya ang bote at pagkuwa'y iniabot ang isa sa akin.

"Masyado mo naman yatang pinaghandaan ito," pabiro kong wika sa kanya na kakainom lang sa bote. Tiningnan niya ako na para bang handa siyang patulan ang kahit anong biro ko.

"Actually, there is a schedule of meteor shower tonight and ang sabi sa balita, around 10 pm daw lalabas," tumingin siya sa suot niyang wristwatch saka huminga ng malalim."And we are 10 minutes earlier than the said time," dugtong pa niya.

Wala akong alam na may naka-schedule pala ngayong gabi. Na-excite tuloy akong bigla dahil ito ang magiging unang beses na makakasaksi ako ng meteor shower.

"Really?!," I said excitedly. Hindi na ako makapaghintay na makita ang meteor shower.

"Wait, is this your first time?," usisa niya. Agad kong itinango ang ulo ko. Itiningala niya rin ang kanyang ulo sa langit na para bang tinitingnan niya isa-isa ang mga bituin.

"I used to put glow-in-the-dark stars at my daughter's room way back then. She was so excited to witness a meteor shower," napatingin ako sa kanya habang nagsasalita siya. "I promised her na sabay naming papanoorin ang darating na meteor shower."

Love, Catherine Where stories live. Discover now