CHAPTER 2

49 2 0
                                        

Love, Catherine

CHAPTER 2
___________________

Sandra's POV

Ilang minuto ko rin tinitigan ang kulay asul na panyo na nakapatong sa ibabaw ng kama ko. Iniisip ko kung dapat bang ibalik ko ito sa kanya ngayon o hindi muna. Nag-aalala din kasi ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi. Maayos na kaya ang mood niya ngayon? Baka kasi mas lalo lang akong makadagdag sa nararamdaman niya.

Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang mag-ring ang telepono. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinagot ang tawag.

"Hi Sandy! Remember me?," ani ng boses.

"Ca–Catherine?," utal kong tanong. Sa totoo lang ay nabigla ako dahil siya ang tumawag sa akin nang ganito kaaga at nalaman niya agad ang telephone number ng tinutuluyan ko. But yes may phone directory nga naman pala ang villa. I nearly forgot about that.

"Akala ko nakalimutan mo na ako e. By the way, would you like to come by my house? Sabayan mo akong mag-breakfast," aya niya.

I cleared my throat dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Pero kung busy ka, okay lang," she said.

"Oh no no. I'll be there in a minute," sagot ko habang pilit itinatago ang excitement.

Naeexcite ako dahil I'm having a breakfast with her. I mean with the first person I met here in Villa Celestina. Hindi naman siguro masama na magkaroon ako ng isang kaibigan dito. Atleast mas palagay ang loob ko.

Pagkababa ko ng telepono ay agad kong inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Kinuha ko ang panyo na kanina pang nandoon sa ibabaw ng kama ko. Tumingin muli ako sa salamin at dali-daling lumabas ng pinto.

Ilang hakbang lang naman ang tinutuluyan ni Catherine mula sa tinutuluyan ko. Kung hindi niyo naitatanong, isang series ng bungalow houses sa tabi ng dagat ang kinabibilangan ng tinutuluyan ko. Nagkataon din naman na ang bahay ko at bahay niya ay magkalapit.

Tatlong beses akong nagbuntong-hininga upang humugot ng lakas ng loob. Dapat na ba akong kumatok o hindi? Baka may ginagawa pa siya at makaistorbo ako. Okay na kaya siya? Nag-aalala ako na baka hindi rin ako makatulong sa nararamdaman niya.

Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Oh! Narito ka na pala. Kanina ka pa?," bungad niya sa akin.

She is wearing a purple nightgown na above the knee. Natatakpan ito ng robe na terno ng nightgown.

Napakaganda niya sa umaga. Walang make-up, walang lipstick o kahit ano. Bago pa man ako matunaw ng tuluyan sa kagandahan niya ay pinapasok na niya ako sa loob. Napakaaliwalas ng bahay niya. Everything is well-organized.

"Yeah I almost forgot. Ito nga pala yung panyo mo. Thanks for letting me use that," ani ko saka inilahad ang panyong maayos na nakatupi.

"You're welcome. Kahit sino man ang makapansin na may isang magandang binibini ang umiiyak, will lend their handkerchief," isang malagkit na ngiti ang pinakawalan niya.

May aircon ang loob ng bahay pero pakiramdam ko ay sobrang init. Nararamdaman ko rin ang unti-unting pagpapawis ng palad ko kaya kimi kong itinago iyon sa likod ko.

"You can sit here. I'll make our breakfast," aniya saka nito tinungo ang kitchen.

Malaya kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Nahuli ng isang larawan ang aking atensyon. Hinawakan ko iyon at tinitigang mabuti. She looks just like her around the eyes and nose.

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang—

"She's Cate... my daughter," nabigla ako nang magsalita siya mula sa aking likuran. Kapansin-pansin din ang lungkot sa kanyang mga mukha. Sa magandang mukha ni Catherine.

Love, Catherine Where stories live. Discover now