Chapter 17: Rest

48 0 0
                                    

Kiera  
  
  
   
Since the hotel is only near at the venue, it only took us few minutes when we got there. Bungad palang sa place ng event, kitang-kita ko na ang mga cosplayers habang busy magpicture taking. Madalas na nakikita kong nagpapapicture sa kanila ay ilang mga kabataan na for sure mga anime otaku din.

Dahil naka-cosplay kami at kilala din naman ang mga characters na pinoportray namin, hindi kami nakaligtas dito. Ilang beses may lumapit sa'min upang magpapicture at pinagbigyan naman namin ito.

When the photoshoots are over, nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakasama. Since Sine is holding my hand, nagpapadala lang ako sa kanya kung saang booth niya gustong pumunta. Kahit kasi nakapunta na ako sa cosplay event noon, wala naman akong maisip na gustong tingnan or puntahan kaya sumusunod lang ako kay Sine.

On the first booth we stopped, I saw action figures that are sold almost in thousands. Nagtanong ako kay Sine kung may balak siyang bumili kahit isa. Although afford niya naman ang presyo, wala siyang plano bumili dahil may parating pa daw siyang action figure na inorder kailan lang.

When we headed to the next booth, may mga nakita kaming comic books at official Manga ng ilang popular anime nowdays. Sine is pointing out his current favorite animes at madalas ay pamilyar din ako sa mga 'to. Everytime na malalaman niyang pamilyar ako sa anime, todo ito kung magkwento. Good thing that when he's talking about it, there's no spoiler included. Mas lalo akong naeengganyo na makinig sa kwento niya.

Marami pa kaming dinaanan na booths at iisa lang ang binili ni Sine, which is a journal notebook. Sa pagkain kasi ito gumastos ng todo dahil hindi naman daw siya mabubusog ng mga gamit.

After sa dealer's room at food booths, sa artist alley naman kami pumunta. Majority ng artworks dito ay related pa rin sa anime na isa-isa talagang tiningnan ni Sine. Nang may makita akong painting na nagustuhan ko, hindi ko namalayang napalayo ako kay Sine para tingnan ito ng mabuti.

It was about two people looking at each other in a hill, which made me smiled. Bago ko ito mahawakan, may biglang humawak sa kamay ko at napatingin ako sa kanya.

"I thought you were lost. Nandito ka lang pala."

Binalik ko ang aking tingin sa painting.

"Almost all the girls love Ghibli Movies. Hindi na ako nagtaka kung bakit namangha ka dito."

When our fingers intertwined, his other hand pointed at the painting.

"This is one of my favorite scenes in the movie. The other one is the ending, when the two kissed with each other."

Tumango ako.

"Same. Ang astig rin kapag pwede kang pumunta sa iba't-ibang place kapag bubuksan mo yung pinto."

"I forgot about the secret garden. That's also one of my favorites."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sine.

"Doon pa naman galing yung scene nitong painting. How could you."

Parehas kaming natawa dahil dito.

"Yeah, right."

Noong niyaya ko na siyang umalis, pinigilan niya ako at mayroon daw siyang ibibigay sa'kin. Bago pa man ako makaharap sa kanya, may pinakita siya sa'king keychain na agad ipinagtaka ko.

"Bakit ang dami mong ganito? Ikaw ba gumagawa ng ragged dolls?"

Umiling si Sine bago ngumiti ulit.

"Yup. Hindi ko pa ba nasasabi sa'yo?"

Parang wala naman akong natatandaan.

"Kaya pala. Bakit hindi mo pa ibinigay sa'kin kanina?"

Never Been BoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon