Chapter 25: First Love

51 0 0
                                    

Kiera    
  
  
  
Bumuntong hininga ako nang makita ang Zeph Mansion pagkatapos huminto ng sasakyan ni Sine sa harap nito. Sobrang tahimik ng buong paligid at tila aakalain mong walang tao dito kung hindi mo mapapansin ang liwanag sa naglalakihan niyang mga bintana.

When the car was approached by the guards, they greeted us and Sine talked to them a little bit. Matapos 'non ay bumalik na sa pagbabantay ng gate ang mga guwardiya kaya muling sumara ang bintana na katabi ni Sine. While he's parking the car at the garage, tahimik lang akong naghihintay nang mapadako ang tingin ko sa rearview mirror.

"Kiera-chan, let's go?"

Muli kong itinuon ang atensyon kay Sine nang marinig siyang magsalita. Hindi ko napansing in-off na niya ang makina ng sasakyan at handa ng lumabas.

"H-Ha? Ah, oo. Sige."

Imbis na tumuloy siya sa paglabas, tumingin siya sa akin ng may pagtataka.

"May gusto ka bang sabihin o tanungin?"

Agad akong umiling at ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Kahit gusto kong lingunin ulit ang mga gamit na nakita ko sa backseat ng sasakyan, dire-diretso akong lumabas at hindi na ito pinansin pa.

Magkasabay kami ni Sine na naglalakad sa pathway ng frontyard nang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

The more I approach the Zeph Mansion, it feels like it suffocates me like a closed room. As if it's already a sign that something not right might happen tonight, I tried my best not to pay attention to things that may steal Sine's excitement to see his cousin.

Mayroong mga katulong na nagbukas ng main door matapos gamitin ni Sine ang door buzzer. Pagkapasok sa loob, humawak ako sa kamay ni Sine at hindi naman siya nagtaka sa ginawa ko. Kahit hindi siya lumingon sa'kin ay alam kong natuwa pa ito dahil mas hinigpitan pa niya ang pagkapit sa kamay ko.

When we reached the living room, Sine took a halt from walking after he saw Constant seated in one of the couches. Miski ako ay napatigil din sa paglalakad dahil hindi ko akalain na makikita namin agad siya sa mansyon. Saglit lang siyang tiningnan ni Sine kaya ako na ang ngumiti kay Constant upang bumati. Nang lingunin ako ni Sine, nakita ko itong nakangiti bago may sabihin.

"I'll try to ask first the maids if Nee-san's already home. Hintayin mo na lang ako dito."

Bago pa man ako makasagot sa kanya, pumunta na si Sine sa kusina at naiwan ako sa salas kasama si Constant. Noong una ay tahimik lang ako at hindi alam ang gagawin dahil bigla na lang nawala ang kasama ko. Nang mapatingin ako kay Constant, tumikhim ito at tumayo.

"Take a seat while waiting for him."

Umiling ako.

"It's okay. Baka bumalik na din agad si Sine."

Nakita ko ang paglingon ni Constant sa pintuan ng kusina.

"He will. Besides, Shen isn't around the mansion since last time. Hindi ko din alam kung uuwi siya ngayon o bukas pa."

Bago ako makapagkomento sa kanyang sinabi, parehas kaming lumingon sa grand staircase nang may marinig kaming nagsalita.

"Constant, is she your visitor?"

Hindi agad nakasagot si Constant sa kanya dahil nagulat ito nang makita ang huli. Habang tinitingnan ko ang bagong dating, sa direksyon ko naman siya tumingin. As if the moment we see each other, there's a hint of familiarity on her eyes.

Kilala niya ba ako?

"No, Mama. Kasama siya ni Sine. She's his girlfriend."

Muling naging seryoso ang tingin ng mama ni Constant sa'kin.

Never Been BoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon