Chapter 8: Ruins

45 1 0
                                    

Ghenea   
  
   
   
Good thing that we have time to relax from those stressful days last school term. Sa ngayon ay hindi na muna namin iintindihin ang lahat. Ito ang araw na kung saan mag-eenjoy kami kasama ang isa't-isa. Malay natin at magbago ulit ang takbo ng mundo. Baka may mangyari na namang pagbabago.

Kung sakaling may dumating na namang pagsubok sa aming barkada, kakayanin na namin ito kumpara noon.

Siguro.

Sana.

It's already our outing today. Nasa terrace ako ng bahay namin habang hinihintay ang van nila Zera. Ito kasi ang madalas na sumusundo sa amin everytime na meron kaming gala.

Nagulat ako nang makita ang isang sports car na pumarada sa tapat ng gate. Bumaba dito ang isang lalaki na kasing tanda ko lang. Nang pagbuksan siya ng gate ng mga guard, napatayo ako nang makita itong naglalakad sa pathway.

"Good morning." bati niya nang makalapit sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at niyaya itong pumunta sa balcony ng bahay namin. He occupied the wooden bench beside a porcelain vase which has yellow flowers.

"Natraffic ka ba papunta dito?" tanong ko kay Fierce na nakatingin sa mga bulaklak.

He only nodded as a response.

"Fierce, can we talk?"

Hindi niya pa rin ako tinitingnan dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay.

"If it's about what we argue in our mansion, let's set it aside for a while. Today, we should only think about the outing. Let's not spoil the fun that will happen later." he said.

I didn't say anything since I don't want to start arguing with him. He's right. We should only focus our mind in this outing because this might be the last moment we'll spend with Shen and kuya Rick.

Magiging okay kaya kami kapag natapos na ang bakasyong 'to?

In the middle of my silence, I heard Fierce's cellphone ringing. Sinagot niya ito habang nakatingin sa akin.

"Hi... Yes... Nandito na ako kila Neyang... Ganun ba? Sige, mag-ingat kayo sa biyahe."

When he hanged up, itinago niya ang phone bago sabihin sa akin kung sino ang tumawag kanina.

"Zera's van is already on the way. Maybe after five minutes, they're already here."

Tumayo si Fierce at pinagmasdan ang bakuran namin. Nang makarinig kami ng busina ng sasakyan, napatingin ako sa gate. Bumukas ito para papasukin ang van nila Zera.

I was going to get my backpack when Fierce carried it for me. Hinayaan ko itong kuhanin ang iba kong mga gamit dahil ayokong mapansin nila Zera na naiilang ako kay Fierce.

"Hello guys! Tara na! Neyang, stop sulking there. Bawal ang nakasimangot ngayon, okay?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zera.

"I'm not sulking. Tch."

"Sabagay, wala namang bago sa'yo sa pang‐araw-araw. You shouldn't forget that frowning can make you look older."

Hindi ko pinansin ang mga sumunod pang sinabi ni Zera. Habang nilalagay ni Fierce ang mga gamit sa compartment, pumasok na ako sa loob ng van at umupo sa hulihan.

"Okay na?" tanong ni Zera kay Fierce nang makita itong pumasok ng van.

To avoid everyone in suspecting that both of us are not yet okay, wala itong choice na umupo sa tabi ko.

Never Been BoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon