Coline
After sa varsity training ni Ban, kumain muna kami saglit bago dumiretso sa Accounting Building. May 30 minutes pang natitira bago ang aming first subject kaya hindi kami nagmamadali habang naglalakad sa hallway."I can't help but become excited on your game this month. Since it'll fall this weekend, I'll make sure to come even mag-isa lang ako."
"Naiintindihan ko naman kung hindi makakapanood ng laban namin ang iba nating mga kaibigan. Halos lahat sila ay kung hindi abala sa internship, thesis naman ang inaasikaso."
"Right. Especially to Sine since he's quite full packed this semester. Magkasabay ang part time at internship niya. Ang alam ko sila Zera-girl ay manonood ng laro mo."
Ngumiti si Ban bago ipinasok sa bulsa ang kamay.
"Kahit mapang-asar ay supportive. Hahaha. Let's see."
Noong malapit na kami sa classroom namin, napansin kong may dumaan na pamilyar ang mukha. Medyo naghesitate pa ako batiin ito dahil dire-diretso lang siya na naglalakad habang palagpas sa aming direksyon. Late ko din narealize na mayroong kakaiba sa kanya kaya hindi ko na ito natawag pa.
"Si Regne ba 'yon?"
Pagkatingin ko kay Ban, miski siya ay gulat na gulat habang habol ang tingin sa lalaking dinaanan lang kami kanina. Miski ako ay hindi makapagsalita dahil ang suot ni Regne ay kaparehas ng porma ni Boss A. Ang pinagkaibahan lang, wala itong suot na mask na siyang imposible niyang gawin sa public places.
Nang tingnan ko ang paligid, napansin kong miski ang mga estudyante sa hallway ay hindi makapaniwala sa nakita nila. Halo-halo ang kanilang mga reaksyon dahil sino bang hindi magugulat na ang presidente ng Supreme Student Council ay si Boss A na siyang dating vocalist ng Lucky A band? Magkaibang-magkaiba ang personalidad nilang dalawa kaya hindi ko sila masisisi kung bakit hindi makapaniwala sa nakita nila.
Sa kalagitnaan ng pagkalito sa mga nangyayari, unang bumalik sa dating kompostura si Ban at iginaya ako na lumakad.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya na medyo pabulong dahil may ilang mga estudyante ang nakapansin sa'min.
Hindi sinagot ni Ban ang tanong ko at hawak-hawak niya lang ang aking kamay habang patuloy ang paglalakad namin sa hallway. Tumigil kami sa isang bakanteng classroom at bago pa ako magtanong, natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses at parang humihikbi ito.
"H-Hindi ko alam, Evi. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagsisisi ako sa huli naming pag-uusap. Narealize ko na tama siya. Hindi ko agad nakitang kailangang may sumuporta sa desisyon niya. I w-was too blinded of my belief, on what we've been protecting over the years. T-That his true identity should remain a secret in public."
Patuloy ang pag-iyak ni Zera habang nakayakap siya kay Evi, na isa sa mga dating miyembro ng Lucky A band. Habang pinapatahan niya ito, napahawak ako sa dibdib ko dahil nasasaktan ako para kay Zera. I have known Zera as a strong woman who's rare to show her vulnerability like that. May pagkakataon na nagpapakita siya ng kahinaan noon dahil isang beses ay naikwento niya sa'min ang cold treatment sa kanya ng Papa niya. But now? As if that sad memory comes back to make me feel lonely as well.
Yun nga lang, nasasaktan siya ngayon matapos nilang hindi magkaintindihan ni Regne.
Kahit kaibigan kami ni Zera, hinayaan muna namin siya kay Evi dahil siya ang mas higit na nakakaintindi sa kanya ngayon. Magkaibigan din sila kahit papaano at kapag tungkol sa Lucky A band, silang mga dating miyembro ang mas nagkakaintindihan dito.
Hindi mawala ang kalungkutan na nararamdaman ko noong tumalikod ako at lumabas ng classroom. Tahimik akong lumapit sa ballustre ng hallway at walang imik din na nakasunod sa'kin si Ban.
BINABASA MO ANG
Never Been Bound
Teen FictionOur music may change who we are, but we were never been bound since from the very start. Note: This is the book 2 of The Company. Please do read the first book to avoid confusion in this story. Thanks! :) Story Plot: 2017 Posted in Wattpad: January...