Zera
I knew it. I know that it's not good to leave the Detention Room around that time when Regne was busy handling the hardheaded senior students who belongs to a different program.Matagal ko nang naririnig na s*raulo ang mga 'to at kung umasta ay akala mo mga nasa elementary palang. Sa kabila ng pagiging t*rantado nila, hindi sila na-eexpell sa school dahil madalas makiusap ang kanilang mga magulang na bigyan ng pagkakataong magbago ang kanilang mga anak.
As if that would happen. Kapag nasanay ang isang tao sa kung ano ang ginagawa niya-- miski sa ugali-- mahirap na itong baguhin pa.
Noong dumating si Mela sa T.C.C., kinutuban agad ako na mayroong hindi magandang nangyari sa Detention Room. Hindi ko muna ito inasahan dahil baka nagkamali lang ako ng akala at pinapatawag lang ako ni Sir O sa Detention Room dahil may pagkakataon pa rin na nagiging pasaway ako.
Pero nang banggitin niya ang pangalan ni Regne at ang kasalukuyang nangyayari sa Detention Room, hindi na ako nagdalawang isip pang bumalik dito upang malaman ang naturang sitwasyon.
Ang naabutan namin sa Detention Room ay may kani-kaniyang kinukwelyuhan sila Regne at Brent sa mga pasaway na estudyante. Mabilis namang inilayo nila Fierce at Ghenea si Brent mula sa estudyanteng susuntukin na sana niya sa mukha.
Noong lalapit sana ako kay Regne, natigilan ako nang makitang ngumisi sa kanya yung estudyanteng hawak nito.
"Bakit ka pa nagsasayang ng oras sa pagsaway sa'min? Ito na ang huli niyong buwan sa SSC, 'di ba? Masyado kayong nagpapaka-bayani!"
Imbis na patulan ni Regne ang estudyante, binitawan na lang niya ito. Habang seryoso siyang nakatitig ng masama sa estudyante, nagsalita ang Vice President ng SSC kaya napalingon ako sa kanya.
"Mayroon pang klase si Sir O sa mga oras na 'to. Shall we bring these students in the Office of the Student Affairs instead?"
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Regne bago nito inayos ang suot na salamin at sinagot ang tanong ng kanyang VP.
"It's better for them to stay here. Let them suffer in silence."
Pagkatalikod ni Regne, nakita niya ako kaya saglit siyang natigilan. Mabilis naman itong nakabawi at seryoso akong tiningnan bago magsalita.
"What are you doing here, Ms. Wynne?"
Napalunok ako hindi dahil sa nakatingin ang lahat sa'ming dalawa. Medyo kinabahan ako dahil alam kong wala na sa mood si Regne sa mga oras na 'to.
"J-Jeez. I'm already h-here last time, Fake Almighty! Hindi mo l-lang siguro ako napansin dahil pinapagalitan mo ang m-mga isip batang 'yan!" palusot ko at tinuro ko pa ang pinaka-lider sa mga pasaway na estudyante.
Magsasalita pa sana si Regne nang marinig naming bumukas ang pinto ng Detention Room. Sabay-sabay kaming napalingon dito at nakita namin si Sir O na nanggagalaiti sa galit. Mukhang alam na nitong may mga estudyante na naman siyang pagagalitan pero parang mas matindi ata ang pagiging iritable niya matapos makitang maraming mga tao sa loob ng Detention Room.
"Mr. Vignaux and the rest of the SSC, ganito ba kadami ang involve sa panggugulo ng mga estudyanteng 'to?" tanong ni Sir O kay Regne bago madiin na tinuro ang mga pasaway na estudyante.
Noong hindi nagsalita si Regne, ang VP nila ang nagpaliwanag sa mga nangyari. Para hindi na kami madamay na magkakaibigan, sinabihan kami ng Treasurer ng SSC na umalis na ng Detention Room. In behalf of us, Fierce apologized to the rest of the SSC members and the latter accepted it.
Noong niyaya na ako ni Ghenea na sumama sa kanya, sumunod na lamang ako kahit gusto ko pang tawagin si Regne at kausapin ito.
Pagkaalis ng Detention Room, tahimik lang akong naglalakad habang nasa likuran nila Fierce. The couple were asking Brent of what really happened last time and the latter explained them the truth.
BINABASA MO ANG
Never Been Bound
Ficção AdolescenteOur music may change who we are, but we were never been bound since from the very start. Note: This is the book 2 of The Company. Please do read the first book to avoid confusion in this story. Thanks! :) Story Plot: 2017 Posted in Wattpad: January...