Chapter 1: My Love

31 1 0
                                    

Kiera    
  
   
   
Ngayong araw ng Valentines Day, maaga akong nagising hindi dahil may pasok ako. Tuwing araw ng huwebes, wala akong subject na dapat attend-an. Ang totoo 'nan, papunta akong Z.U. dahil kinakailangan.

Pagkabangon mula sa higaan, napansin ko ang isang papel na nalaglag matapos higitin ang sumabit na kumot.

Ito ang sulat na inabot sa akin ni Siera noong huli kaming nagkita sa Z.U.

Paulit-ulit kong binasa ang sulat kagabi dahil kailangan kong malaman ang pinahihiwatig na mensahe ni M.A.

Sinulat ko pa sa notebook ang ilang mahahalagang bagay na binanggit sa sulat. Sa paraang ito, mapapadali ako sa paghahanap ng posibleng kasagutan sa pagkawala ng nagbigay ng sulat.

Mabilis lang akong nag-ayos ng sarili dahil kailangan ko pang magluto ng umagahan sa kusina.

Pagkarating sa kitchen, maraming nakataklob na plato sa ibabaw ng mesa at naaamoy kong kababagong luto lamang ang mga ulam na 'to.

Lumapit ako sa refrigerator matapos mapansin ang isang papel na nakadikit sa magnet.   
     
   
   
Ako na ang naghanda ng breakfast dahil maaga akong aalis ng apartment.    
   
   
  
Halos araw-araw ay si Constant ang kumikilos sa apartment lalo na't madalas akong ginagabi sa campus kasama ang buong club o kaya naman ay tinatanghali ng gising dahil sa rason na 'to.

Kahit pa pinipilit kong ako ang kumilos sa gawaing bahay, siya pa rin ang gumagawa nito para sa akin. Nakakahiya man pero wala na akong magawa dahil nagmamagandang loob naman ang tao.

Pagkatapos ng umagahan, umalis na ako ng apartment para makapunta sa Z.U.  
    
    
  
◆ ◇ ✿ ◇ ◆     
    
    
   
Matapos makarating sa Z.U., nakasalubong ko si Zera sa quadrangle habang suot ang isang matamis na ngiti. She seems so happy today. Ano kaya ang magandang bagay na dumating sa kanya ngayong araw?

"Morning Zera!" agad kong bati sa kanya matapos akong mapansin. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa mukha. Hindi rin nagtagal ay napapangiti rin ako dahil sa kanya.

"Hi Kiera! Good morning rin sa'yo. Ang ganda talaga ng umaga."

"Hindi halatang masaya ka ngayon ah." biro ko.

Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti dahil sa sinabi ko. Niyaya niya muna ako papuntang T.C.C. room dahil may sasabihin daw siya sa akin. Tamang-tama lang ang imbitasyon niya lalo't may ilang minuto pa bago magsimula ang una kong klase ngayong araw.

Dinatnan namin ang simpleng clubroom matapos buksan ni Zera ang pinto nito. Gaya ng dati, sobrang payapa nito kapag walang tao. Pero sa palagay ko, mukhang hindi lang kami ang tao sa loob.

Agad nagtungo si Zera sa isang chamber dahil may kukuhanin daw muna siyang importanteng bagay sa loob. Habang hinihintay siya, may naririnig akong mahinang yabag ng mga paa sa likuran. Kahit gusto kong tingnan kung sino ang papalapit, hinayaan ko lang siyang lumapit sa akin para hindi masira ang plano niyang isurpresa ako.

"Chocolates ko?"

Huh?

Nilingon ko si Sine ng may pagtataka. Bakit siya nanghihingi ng chocolates? Ako dapat ang bibigyan niya ah?

Napatitig ako sa kanya ng sobrang tagal dahil iniisip ko kung bakit hindi siya bumabati sa akin ng Happy Valentine's Day o kaya naman ay may ibibigay siyang regalo sa akin na nababagay sa okasyon ngayon.

Mukhang nainis siya sa ginagawa ko dahil nag-eexpect nga talaga siya ng chocolate mula sa akin.

Kaya ang naging sagot ko sa kanya, isang kibit-balikat na mas lalong nagpakunot ng kanyang noo.

Never Been BoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon