Kiera
Sine enjoys singing in karaoke while I'm only watching him having fun. Nakailang kanta na siya mula pa noong pumunta kami dito at iwanan ng iba naming mga kaibigan na sabik magswimming.Gusto ko sanang sumama sa kanila pero hindi ako makaalis sa tabi ni Sine. Wanna know why? There are two reasons behind: First, Sine doesn't want me leave him. Second, nasa kanya ang mga gamit ko.
"Kiera-chan, ikaw naman!" masayang sabi ni Sine habang iniaabot sa'kin ang microphone.
Ngumiti ako sa kanya at tumanggi sa alok na kumanta sa karaoke. After two songs, napansin kong may dalawang tao papalapit sa aming direksyon.
"Hi Kiera-girl. Hi Sine. Oh my, mukhang nag-eenjoy kayo dito ah."
Ngumiti ako kay Coline at itinuro sa kanya ang bakanteng upuan na katabi ko. Sumunod naman sa kanya si Ban na kumuha ng tetra-pack juice sa ice bucket na nasa harap namin.
"Hindi pa ba tumitigil sa pagkanta 'to?" tanong ni Ban na tinutukoy si Sine.
"Nag-eenjoy eh. Hahahaha. Hayaan mo na."
Natawa si Ban sa sinabi ko. After 'non, uminom siya ng juice at tumingin sa flatscreen ng karaoke.
I don't know why but I feel that there's something with these two. Parang may iniisip silang problema pero pilit nilang tinatago para hindi mahalata ng iba.
Dahil ayokong makialam sa kanila, nakinig na ulit ako sa pagkanta ni Sine.
"Sine, ako naman." sabi ni Coline habang hinihiram ang microphone.
Kumakanta pa rin si Sine pero napansin niya ang sinabi ni Coline. Itinuro nito ang songlist at sumenyas na tatapusin muna ang kinakanta bago ipaubaya ang mic.
While Coline is browsing on the songlist, napansin ko sila Zera at Regne na nag-uusap sa ilalim ng coconut tree. May bitbit na pang-surf si Regne kaya napangiti ako.
"Sabi ko sa inyo eh! Maganda ang boses ko. Tingnan mo si Kiera-chan, napapangiti."
Napalingon ako kay Sine na nakatingin sa akin. Medyo gulat pa yung mukha ko noong humarap sa kanya. Matapos ang ilang segundo na pakikipagtitigan, kumindat siya sa'kin.
"Speechless pa nga oh."
Teka, anong sinasabi niya kanina?
Nang tingnan ko si Ban, pailing-iling ito habang nakangiti. Si Coline naman, natutuwa pa rin sa paghahanap ng gustong kanta.
"Sige. Ikaw na ang magandang kumanta, Mate. Wala ng kokontra sa sinabi mo."
"I never lied, Ban-kun."
Pagkaabot ni Sine ng mic kay Coline, nagpaalam ito na mag-c-cr saglit. Nang maiwan kaming tatlo, nagsalita ulit si Ban. Nakatingin ito sa direksyon nila Regne at Zera.
"Ibang klase talaga si President. Noong di pa natin nakikilala kung sino ang nasa likod ng maskara ni Boss A, ang astig na niya. Lalo pa noong maging parte siya ng tropahan natin? Sinong mag-aakala na halos perpekto ang isang president ng Student Council na si Regne Vignaux?"
He's right. Miski ako, humahanga rin sa pagiging almost perfect ni Regne. Talented, smart and even has the looks. Napaka-swerte ni Zera dahil halos na kay Regne ang lahat.
Despite of his almost perfect features, he's still hiding behind his mask in order to pursue his passion, singing and being part of a band.
I hope that someday, he can be himself in two different worlds.
BINABASA MO ANG
Never Been Bound
Teen FictionOur music may change who we are, but we were never been bound since from the very start. Note: This is the book 2 of The Company. Please do read the first book to avoid confusion in this story. Thanks! :) Story Plot: 2017 Posted in Wattpad: January...