Ban
Habang papalapit ang soccer tournament, mas nagiging abala na ako sa training at halos si Coline lang sa T.C.C. ang nakakasama ko. Expected nang magkasama palagi kaming dalawa dahil bukod sa supportive ito bilang girlfriend ko, majority ng mga course subjects namin this term ay magkaparehas kami ng schedule.Bukod sa laro, may inaasikaso din akong thesis pero hindi naman ito gaanong nakakaabala sa oras ko. Mayroon kasi kaming maayos na leader at maaasahan lahat ng members kung kaya't kahit may pagkakataong maraming pinaparevise sa papers namin ay nagagawan namin agad ito ng paraan.
Pagkarinig ko ng sipol, napatingin ako sa gilid ng soccer field kung saan nakatayo si Coach katabi ang Referee. Pagkakita ko sa hand signal ng huli, imbis sa Goal Area ay lumiko ako papunta sa kanilang direksyon.
"That's enough for this morning, Team. Mamayang hapon, dating gawi. Sige na, pwede na kayong umalis. Lalo na sa mga mayroong 8 am classes, baka malate kayo."
Halos lahat ng teammates ko ay magkakasunod na umalis ng soccer field dahil majority sa kanila ay may mga morning classes. Hapon pa ang una kong klase kaya hindi ako gaanong nagmamadali. Bago ako lumapit sa bleachers, kinausap pa ako ni Coach tungkol sa performance ko kanina. Wala namang problema at madalas pa'y puro puri ang natatanggap ko sa kanya at para na din sa buong team. Kahit nakakapagod na halos araw-araw ang training ay hindi ako nagsasawang umattend dito dahil mahal ko ang larong 'to.
Nang makaalis na si Coach, nakatigil lang ako sa bleachers matapos makatanggap ng text kay Coline. Kakagising lang daw nito at sinabing mag-aayos na siya para pumasok sa Zeph University. Ang totoo 'nan ay hindi ko na muna siya pinapanood ng training ko ngayon dahil gabing-gabi na ang uwi nito kahapon. 8:30 pm kasi ang tapos ng last subject niya at araw-araw naman siyang nanonood ng training ko kung kaya't pinilit ko siyang magpahinga muna ngayong araw.
Yun nga lang, maaga pa rin daw siyang papasok ngayon dahil gusto niya na agad tumambay sa school.
"Miss na agad ako." biro ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone.
Dahil alas nuebe ang pagdating ni Coline sa school, kinuha ko na ang bag ko at sinakbit sa balikat bago naglakad palayo. Noong palapit na ako sa Exit, bumagal ang paglalakad ko nang makita si Constant sa bleachers.
Kahit maaga ay may ilang mga estudyanteng tumatambay sa bleachers na madalas ay nanonood sa training namin. Hindi ako tumitingin sa gawi nito kapag wala si Coline pero napansin ko agad si Constant dahil parang kararating niya lang ngayong oras.
Imbis na tumuloy sa Exit, bumalik ako sa bleachers at umakyat para puntahan ito.
Habang papalapit kay Constant, mukhang hindi niya ako napapansin dahil abala lamang ito sa kanyang phone. Para bang may hinihintay siyang tao sa bleachers kung kaya't bigla kong naalala ang sinabi ni Coline noon.
Ganito din si Constant matapos ang huli nilang pagkikita. Hindi ko tuloy mapigilan kung sino ang hinihintay nito.
Yung bago niya kayang girlfriend?
Pagkatapat ko sa halera ng mga upuan kung saan siya umupo, nakita ko siyang bumuntong hininga. Nakafocus pa rin ang tingin nito sa phone at nakikita kong unti-unti nang nawawalan ng pasensya kung hindi ko lang kinausap.
"Madalas ka atang tumambay dito."
Mabilis siyang tumingin sa direksyon ko at maya-maya'y ngumiti.
"Ikaw pala, Ban."
"May hinihintay ka?"
"Oo eh."
"Ang aga ata ng napagkasunduan niyo."
Natawa siya ng mahina.
"It's rarely for me to see her in school. Bukod sa magkaiba kami ng department, may personal reasons kung bakit minsan hindi siya available."
BINABASA MO ANG
Never Been Bound
Teen FictionOur music may change who we are, but we were never been bound since from the very start. Note: This is the book 2 of The Company. Please do read the first book to avoid confusion in this story. Thanks! :) Story Plot: 2017 Posted in Wattpad: January...