Coline
"Congrats sa inyo!!!""Hahaha! Thanks guys! Picture muna tayo!"
It's already Shen-girl and Kuya Rick's Graduation Day. Grabe, ang bilis talaga ang taon. Meron na silang bachelor's degree.
Matapos ang graduation ceremony, panay ang picture taking naming magbabarkada kila Shen-girl. Nagkakatuwaan rin kami lalo na't sobrang kulit ni Sine ngayon. Syempre, proud sa pinsan niya eh. Yun nga lang, nasobrahan ata sa saya kaya nagmumukhang siya ang grumaduate sa aming lahat.
"Nee-san! Sama ako!"
"Hoy Sine! Kanina ka pa nakikisali sa groupie. Aba, kami namang mga babae!"
"Mas maganda kung marami tayong picture! Parang 'di kadugo eh!"
"Ano ba? Huwag ka nga makulit!"
Pagkatingin ko sa veranda ng hall, sobrang dilim sa labas. Halos gabi na noong natapos ang event. Medyo marami kasi sila grumaduate this year. Mabuti na lang at hindi pa ganung kalate.
"Hanggang ngayon makulit pa rin ang kaibigan natin."
Inakbayan ako ni Ban kaya ngumiti ako.
"Hayaan na lang natin siya. Mas okay kapag masaya si Sine kaysa hindi."
Sandaling natahimik si Ban dahil sa sinabi ko.
"Right. At least, wala na tayong problema."
"Hahaha. Yup."
Sa kalagitnaan ng usapan namin, napansin kong lumapit si Ghenea habang nakakrus ang mga kamay.
"Balita ko kayo na rin?"
Nagkatinginan tuloy kami ni Ban sa isa't-isa.
"Ngayon mo lang nalaman?" tanong ni Ban.
"Hindi lang ako. Kaming lahat. Masyado kayong naglilihim dalawa. Kung hindi ka pa nakaakbay kay Lineng, hindi ko pa malalaman na matagal ng merong kayo. Kailan niyo sasabihin sa iba?"
"Jusko, Ghenea. Yun lang eh. Bakit ka nagtatampo sa dalawang bunso na 'to? Kahit hindi nila sabihin, obvious na rin naman eh."
Pati si Zera ay nakisali na rin sa usapan.
"Hindi ako nagtatampo 'no. Aba, sa ngayon ko lang nalaman kung anong meron sa dalawa."
"Be observant kasi."
"Tch."
"Ladies, baka mag-away kayo. Hindi pwedeng magkagulo dito. Let's be happy for today. Hindi masamang magpakasaya since our two friends finally made it to graduate." this time, si Fierce naman ang nagsalita.
"Eto kasing girlfriend mo, gabing-gabi na pero ang sungit pa rin."
"Are you saying something?"
"Wala! Sabi ko ang ganda mo!"
Noong maawat na ni Fierce sila Ghenea at Zera, pinasunod niya kami sa kanya palabas ng hall dahil kanina pa daw umalis sila Sine sa loob.
Habang naglalakad, napansin ko ang pananahimik ni Brent sa likuran namin.
"By the way, ready na ba kayo bukas?"
After kasi ng graduation day, sa susunod na araw ay mayroong party. Kailangan ulit ng aming mga banda na magperform dito kaya tinanong ko si Ban kung ready na sila for tomorrow.
"Hmmp, 'di kami nagpractice kahapon. Baka okay na yung tutugtugin namin bukas."
"Oh.""Kayo ba?"
BINABASA MO ANG
Never Been Bound
Teen FictionOur music may change who we are, but we were never been bound since from the very start. Note: This is the book 2 of The Company. Please do read the first book to avoid confusion in this story. Thanks! :) Story Plot: 2017 Posted in Wattpad: January...