Chapter 8

536 33 26
                                    

Unang hakbang ng kabayo, pangalawa, at pangatlo.

Sa wakas ay natutunan na ni Samantha kung paano paamuhin at sakyan ito.



Nakangiti sya ng mag palakpakan ang mga kasamahan ni Manang espi ng makababa sya mula dito.

“Napaka bilis mong matuto hija, tiyak ay matutuwa si Alyssa pag nalaman nya na marunong kana” sambit ni Mang isko na hila hila padin ang kabayo na ginamit nya sa pag sasanay.








Hindi nya alam kung anong oras nya ngunit madilim na ang kalangitan.


lumingon lingon sya sa paligid para sana tingnan kung nakabalik na si Alyssa mula sa manila pero walang bakas ito.






“Halika muna Ineng, at tikman itong ginataang puso ng saging, tiyak na magugustuhan mo ito” anyaya sakanya ni Manang espi.





Nakangiti naman syang lumapit dito at naupo sa papag.





Gabi na pero hindi nya ramdam ang lamok dahil nadin sa usok na nag mumula sa kung saan.




“Sobrang sarap po nito Manang” nguminguyang sambit nya.





Napangiti ang matanda bago ilapag ang baso ng tubig sa tabi nya.








“Kakaiba talaga mag luto yan si Manang Espi, kaya nga mahal na mahal namin yan eh” singit ni Myco na kasalukuyang nag huhubad ng damit pang itaas dahil basa ito ng pawis.







Hindi naman nya ito pinansin bagkos ay nag patuloy sya sa pagkain.






“Alam mo ineng, paborito din ito ni Dennise, isang beses ng madala sya dito ni Alyssa ay sarap na sarap din sya dito” pag kwekwento ng matanda.













Nawala ang ngiti sa mga labi nya kaya agad syang napainom ng tubig .




At kelan kapa naging apektado sa pangalang Dennise? ( udyok ng konsensya nya)




Hindi lang nya maiwasang isipin na hanggang sa mga oras na yon, ay kasama ni Alyssa si Dennise at maaring may ginagawa ito na normal na ginagawa naman talaga ng mag kasintahan.




Mariin nyang pinikit ang mga mata nya at winaksi ang kung ano mang sumingit sa isipan nya.


“Eh sino naman ho hindi masasarapan sa luto nyo manang, pakiramdam ko ay nag balik ako sa pag kabata” pilit nyang ngiti tapos ay nag simula ulit kumain.









“Sam, gusto mo ba ipasyal kita palibot dito sa hacienda? para naman makita mo ang lawak nito?” pag sasalita ulit ni Myco na nanatiling walang damit.







Tiningnan nya ito.








Sabagay, gwapo naman ito at wala namang ibang problema bukod sa mayabang.












“Kakatapos ko lang mag aral mag kabayo, may iba ka bang alam na sasakyan?” tugon nya.







Bumakas ang ngiti sa mga labi ni Myco na para bang naka tama sa lotto.











ANG PINILI KO'Y IKAWWhere stories live. Discover now