Papalubog na ang araw ng makarating sina Samantha sa isang lugar na hindi pa nya kelan man napupuntahan.Nilibot nya ang paningin nya, mataas ang lugar na iyon dahil kita nya kung gaano kaganda ang mga ulap na halos ay kapantay na ng mga paa nya banda doon
Napapalibutan ng maraming puno ang maliit na bahay na nakatayo sa may likuran nya at walang kabahayan na nasa paligid.
Nag umpisa syang mag lakad close enough para marating nya ang bingit ng bangin at matitigan ang napakagandang tanawin.
Kita nya mula sa taas ang alon ng dagat at kung paano ito humampas sa batuhan.
"Careful Sam, baka malaglag ka buti sana kung nasa baba ako para masalo kita" - malakas na sambit sakanya ni Alyssa habang binababa mula sa sasakyan ang mga gamit na dala nya.
Nilingon nya ito at pailing na nag lakad.
"Nasaang lupalop tayo ng Pilipinas Alyssa? grabe sobrang ganda dito! paabot nga ng phone ko dyan sa gilid ng bag kelangan ko mai post to, para naman makasunod si Anji she love nature " utos nya kay Alyssa
Nginitian sya nito bago i abot ang phone nya.
"You can take a picture but you can't post it" Alyssa said then nag patuloy na sa pag bababa ng mga bagahe nila.
"Damot mo naman, siguro di alam ng may ari na nandito tayo no? kaya bawal" Samantha pouted.
Napakamot ng noo si Alyssa bago nag salita
"No, just to inform you, lahat ng nakikita ng mata mo ay pag aari ko, except you. hindi mo pwede i post kasi wala naman signal dito, wala din use ang phone(hinawakan ni Alyssa ang kamay nya) Lets go? baka madapa ka papasok ng pinto" Alyssa smiles.
"Okay eto nanaman ang hindi ko mawari na tibok ng puso ko, unfamiliar i never felt something like this before argh!" - pagkausap nya sa sarili nya bago bawiin ang kamay na hawak ni alyssa at nauna ng pumasok sa di kalumaang pinto.
Isang magandang mga kagamitan ang tumambad sakanya, lahat halos ng mga kagamitan ay halatang vintage.
Sa may kanan ay may balkonahe na matatanaw roon ang napakagandang tanawin kasama na ang dagat.
"Akala ko ba tungkol sa business ang pinunta natin dito? pero mukang tinanan mo lang ako Alyssa" wika ni samantha habang tinitingnan ang mga larawan na nasa ibabaw ng lumang piano.
Nilapitan sya ni Alyssa.
" You are not my type, wag kang assuming business naman talaga ang pinunta natin dito, kaya mag pahinga kana at mayamaya ay ililibot kita sa hacienda namin ituturo ko sayo lahat ng tungkol dito" rinig nyang sambit nito.
Hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng kirot sa dibdib nya matapos sabihin sakanya ni Alyssa na hindi sya nito type.
YOU ARE READING
ANG PINILI KO'Y IKAW
FanfictionWARNING: 18 ABOVE !! Handa kana bang masaktan, kiligin at madurog? halika at tunghayan ang kakaibang kwento na mag tuturo sayo kung gaano kasakit, at kasarap mag mahal. THIS IS JUST A FAN-FICTION STORY: