"ALYSSA STOP!"
Sigaw ni Samantha habang nag pipigil ng luha
" Sam, please wag mo akong iwasan, i just wanna talk to you" Alyssa almost beg
This time kinalma na ni samantha ang boses nya dahil nakakahiya sa mga tao na nakatingin sakanila
"Talk?! Alyssa kanina mo pa ako sinusundan! mula pag labas ko sa condo ko, hanggang dito ba naman sa cafe!" Samantha said
Napakamot ng ulo si Alyssa as she move closer to Samantha
Hinawakan nya ang kamay nito, huli na para mabawi ni Sam
" Go with me, please Sam, kahit ito na yung huli" pag mamakaawa ni Alyssa.
Bumuntong hininga si Sam and then she nod
" I hope this will be the last time Ly, maawa ka kay Dennise" Tugon ni Samantha bago tuluyang sumama kay Alyssa.
Pasado alas tres ng hapon ng makarating sila sa hindi pamilyar na lugar para kay Samantha
Bukod sa mala gubat ang nadaanan ni kahit isang kabahayan ay wala syang nakita.
Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay na tila mo ay nasa dulo ng daanan.
“Nasaan tayo Ly?, saan moko dinala? anong klasing lugar to?” - sunod sunod na tanong nya habang marahan na bumababa sa sasakyan.
Saglit syang binalingan ng tingin nito bago bumuntong hininga.
“This place is my escape from all those shits na nangyayare sa buhay ko, ikaw palang ang dinala ko dito Sam, sana nagustuhan mo” nakangiting sambit ni Alyssa habang nakatitig lang sa malaking bahay sa likod ng mataas na gate na tila mo ay ilang taon na ang nakalipas bng huling mabuksan ito.
Matataas na ang mga damo, ngunit kita padin ang pinaka daanan.
“ Niliteral mo ang escape ha, jusko kahit ata mag nanakaw hindi makakarating dito Alyssa, bukod sa napaka layo nito mula sa manila, eh kahit isang bahay wala akong nakita, paano mo nalaman ang lugar na to? and yang bahay nayan?” Naguguluhan parin na sambit ni Sam.
Alyssa smile at her tapos ay hinawakan ang kamay nya.
“Wala ng maraming tanong Samantha, you just have to trust me okay? ( hawak ang kamay ni Samantha nag simula silang mag lakad papunta sa gate ng bahay)
Saglit na binutawan ni Alyssa ang kamay nito para buksan ang kandado ng gate.
Ilang segundo lang ang ginawa nilang paglalakad ay nakarating na sila sa main door nito, na agad namang binuksan ni Alyssa.
Namangha si Samantha sa ayos ng bahay, tila ba ay bumalik sya sa nakaraan dahil bawat makita nyang kasangkapan ay batid nyang sinauna na ito.
Nakita nyang sunod sunod ang painting sa pader, napangiti sya ng makita nya ang kanyang larawan dito.
YOU ARE READING
ANG PINILI KO'Y IKAW
FanfictionWARNING: 18 ABOVE !! Handa kana bang masaktan, kiligin at madurog? halika at tunghayan ang kakaibang kwento na mag tuturo sayo kung gaano kasakit, at kasarap mag mahal. THIS IS JUST A FAN-FICTION STORY: