Chapter 2

519 21 8
                                    

"WAAAAAHHHH!!!! ANG HOT HOT NI THOMAS!!!!! PUMASOK SYA NG NAKAMOTOR LANG!!!! HOT!!!!!" tilian nanaman ng mga babae dito sa campus.

Sa totoo lang? Pakiramdam ko mababasag na yung eardrums ko sa tili ng mga babaeng 'to. Ngayon lang ba nila ako nakita kung makatili sila?

While walking at the entrance, madaming naghehello na mga babae pero hindi ko sila tinitignan. Ang cheap nilang tignan. Annoying!

"Bro, nasaan auto mo? Ba't ka nagmotor?" sakto naman nakasalubong ko 'tong mokong na 'to at ano pa nga ba? Malamang meron nanaman siyang kasamang babae. Pero nagpaalam din agad siya rito para kami ang magkasabay maglakad.

"Hindi ko mahanap yung susi. Ayoko magpahatid ngayon." bwisit pa din kasi ako dahil sa mga nagtitiliang mga babae kanina.

Hindi pa naman maganda ang gising ko dahil nagaway nanaman ang ermats at erpats ko kaninang umaga. Masarap na sana ang tulog ko dahil weekend kahapon. Pagkagising ko naman meron nang nagsisigawan.

Sigawan na nga sa bahay pati ba naman dito sa school na 'to? Edi sana pala umattend na lang ako ng concert kung ganon lang din pala.

Naglalakad na kami sa hallway pero dahil 30 minutes earlier kami, sa tambayan na kami dumiretso. Nagsindi na ko ng yosi ko at patuloy lang kami sa kwentuhan.

"Nga pala bro, birthday na ni Ate Janna sa sabado. Hindi ka ba aattend?"

Tss.

Hindi na lang ako sumagot at nagpanggap na walang narinig.

"Hahaha. Bro, di ko alam bitter ka pa din pala kay ate."

Konti na lang masusuntok ko na 'to sa mukha. Ayaw pang tumigil. May bitter bitter pang nalalaman. Asa namang bitter ako.

"Ano, pasok na ba tayo? Nagbell na. O baka gusto mo pang ubusin yang isang kaha mo dyan?"

Nakakailang yosi na din ako.

Ganito kasi talaga ako kapag badtrip ako. Pakiramdam ko kasi dito ako narerelax. Pero bakit ba ko nagpapaliwanag?

Ano naman kung manigarilyo ako?

Walang dapat mangeelam sakin. Tss.

Tinapon ko na yung huling yosi ko at dumiretso na sa classroom. Siguro nagtataka kayo kung paano ako nakakapagyosi eh nasa loob ako ng school.

Hahahaha.

Sikretong malupit.

Pagpasok namin bigla nanamang tumahimik yung buong room. Si Jake naman nauna nang umupo. Palakad na sana ako sa usual spot ko nang makita kong merong nakaupong babae sa upuan ko!

Biglang uminit ang ulo ko at nag-umpisa nanamang bumalik ang pagkainis ko.

Nakatayo na ko sa harap nung babae pero mukhang hindi niya ko napapansin dahil nakayuko lang siya at may suot suot na earphones.

Bigla kong tinadyakan yung paa nung silya kaya biglang nagulat yung babae at napatingin sa akin. Halatang gulat na gulat siya at unti-unting napalitan ng pagkunot ng noo at pagkasalubong ng kilay ang mukha niya.

"Hoy! Sinong nagsabi sayong pwede kang umupo dyan?" sigaw ko.

At alam kong nakatingin na silang lahat sa direksyon ko. Wala pa kaming teacher kaya pwedeng pwede akong gumanito pero wala din naman akong pakeelam kahit merong teacher. Wala naman silang magagawa.

Nakatingin pa din siya ng masama sakin. Hindi pamilyar ang itsura nya sakin kaya malamang sa malamang eh bagong salta 'to dito.

"Lumayas ka sa upuan na yan. Ako lang ang pwedeng umupo diyan." sigaw ko pero hindi pa din siya natitinag.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon