Chapter 13

134 12 1
                                    

                 

"Ate, si Alexa nga pala. Alexa, si Ate Janna. Sister ko."

Ha?

Ano?

Magkapatid sila?

Paano nangyari yon?

Nakatingin lang silang tatlo sakin kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Ah. Hello po. Happy birthday." lumapit ako kay Janna at inabot ang regalo na bitbit ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong irereact ko pero hindi ko naman pwedeng ipahalata na kilala ko si Janna.

Pero.. Paano naging sila ni Thomas?

Paano sila naging magkapatid ni Jake?

Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Hey, drop the po. Thank you by the way for coming here. So, ikaw na ba ang girlfriend nitong baby brother ko?" maganda sya. Sobrang ganda nya. Ngayong nakikita ko sya ng malapitan mas lalo kong nakita kung gaano sya kaganda.

Ngayon ko lang din napansin na magkahawig sila ni Jake.

"Hoy. Stop it. Don't spoil the moment. Baka majinx." sagot naman ni Jake sa kanya.

Nagkatinginan naman kami ni Thomas. Hindi ko alam pero bigla ko na lang syang inirapan. Pero wala din naman kasing rason para ngitian ko sya. Hindi kami close. Hindi nga kami magkaibigan eh.

"Hmm. Well, nice meeting you Alexa. Tara, let's go the pool area. Let's drink and enjoy the night. Thank you nga pala dito sa gift mo." nakatitig lang ako sa mga mukha nya habang nagsasalita sya. Nakakamangha. Ang ganda at gwapo siguro ng parents nila.

Palabas na kami papuntang pool area ng bigla namang nagring ang phone ni Alexa.

"Shit. Sila dad. Jake, samahan mo muna ako. Talk to dad." tumango naman si Jake at sumunod sa paglalakad ng ate nya. Naiwan naman kami ni Thomas dito na nakatayo.

"Anong ginagawa mo dito?" aba! Bakit kung makatanong sya akala mo wala mo wala akong karapatang magpunta dito. Hay nako. Kalma lang Alexa. Hindi ka pumunta dito para mabadtrip kaya wag mo na lang pansinin yang balasubas na yan.

"So girlfriend ka na ba nya? Tss. I didn't know na may expiration date pala ang taste ni Jake sa girls." sobrang pinipigilan ko ang sarili kong lingunin sya. Ayoko syang patulan. Baka makita din kasi ni Ate Janna na inaaway ko 'tong boyfriend nyang saksakan ng kasamaan.

Pero teka, kung sila pa ni Thomas, bakit may kasamang lalake si Ate Janna nung nagpunta kami sa mall kasama si Pauline? Natatandaan ko na nakita naming sila nung mukhang foreigner na lalake sa restaurant na kinainan namin.

"Thomas pare! Nandito ka pala. Bat wala ka sa labas?" napatingin naman ako sa nagsalitang lalake sa likod ko. Nakita kong may lalakeng nakaboard shorts at slippers at may hawak na bote ng beer. Kausap nya si Thomas ng bigla syang mapatingin sakin.

"Woah! Sino naman tong hot chick na kasama mo dito?" nanlaki naman ang mata ko. Ako ba ang tinutukoy nya?

Titingin pa ulit ako sa kanila ng bigla kong marinig na humagalpak ng tawa si Thomas.

"Tss. Lasing ka na yata pre. Labo na ng mata mo. Hindi mo na alam kung anong maganda sa panget." nagtiim bigla ang panga ko. Sinusubukan yata talaga ako ng Thomas na 'to! Ayoko lang talaga syang patulan dahil nandito kami sa bahay nila Jake at girlfriend sya ni Ate Janna. Respeto na lang para sa kanila.

Kaya magtitiis ako hangga't kaya ko.

Hindi ko sya papatulan.

"Ikaw talaga bro. Oh sya, balik na ko don. Labas na kayo ah." lumabas na yung lalakeng kausap ni Thomas kanina. Salamat naman at wala na sya. Dahil baka kapag nagsalita pa sya at sumagot nanaman si Thomas ng hindi maganda ay baka hindi na ko makapagpigil.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon