Chapter 22

69 5 3
                                    

Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko. Pwede pala mangyari yun? Na dahil sa mga simpleng salita ay apektado na ang buong sistema mo?

"Damn you guys! Ayoko na." nagulat naman ako dahil sa pagkakasigaw ni Bryan. "Lumabas na kayo. Let's just play something else."

Narinig ko naman ang tawanan ng mga kasama namin. Wala ba syang nahuli maski isa? So kailangan ko na ding lumabas?

Walang nagsasalita samin ni Thomas. Hindi ko rin makita ang mukha nya dahil nakadikit ang mukha ko sa dibdib nya. Oo. Ganon sya katangkad.

"You're just scared Bry. So gay." narinig kong sabi ni Nikki. Malapit lang ang mga boses nila. Posible kayang nakita nila kami ni Thomas?

Dahan dahan kong inalis ang mga braso kong nakapulupot sa kanya. Baka mamaya may makakita sa amin sa ganitong pwesto. Bumuntong hininga naman sya nang tuluyan nang maalis ang mga braso ko.

Gusto kong makita ang mukha nya pero sobrang liit ng espasyo nitong pinagtataguan namin. Masyado ring madilim. Masyado rin syang matangkad.

"L-labas na tayo." mahina kong sabi. Sobrang nangangatog ako. Basang basa din ako ng pawis ngayon pero hindi dahil sa init. Dahil sa matinding kaba. Sobra akong kinakabahan.

Hindi nagsalita si Thomas. Lumabas na sya kaya naramdaman ko ang hanging humampas sa balat ko. Kahit papaano ay nakatulong ito para pakalmahin ang nagwawala kong damdamin. Tinignan ko sya. Nakatayo lang sya. Hindi ko masyadong maaninag ang ekspresyon ng mukha nya.

"Alexa! Thomas! Nandyan lang pala kayo. Sa sala na tayo." napatalon naman ako dahil sa kamay na biglang tumapik sa balikat ko. Si Bryan.

Hindi na inalis ni Bryan ang pagkakahawak nya sa magkabilang balikat ko habang naglalakad. Gusto kong lumingon kung sumunod ba si Thomas sa paglalakad pero hindi ko magawa dahil nasa likod ko si Bryan. Kaya naman tinuloy ko lang ang paglakad hanggang sa marating namin ang malaking sala.

May malaking sofa na mahaba na nakapabilog. Malaki 'to. Kasya siguro ang 20 na tao kapag umupo. O baka nga mas madami pa. Meron namang coffee table sa gitna nito.

Nakaupo na ang mga kasama namin sa lapag. Hindi ko gaanong makita ang mga mukha nila pero dahil nakabukas ang flashlight, medyo naaaninag ko sila. Nakapaikot sila ng pwesto. Bumitaw na si Bryan sa pagkakahawak sa balikat ko at nagmadali na kong umupo sa tabi ni Pau.

"Guys, truth or dare tayo." humahagikgik at pumapalakpak na sabi ni Nikki. Natuwa din naman ang ibang mga babae na kasama namin including si Pau. Truth or dare?

Hinahanap ng mata ko si Thomas at sa wakas ay nakita ko na sya. Palapit na sya samin at meron syang hawak na bote. Ano yan? Alak ba yan?

"Upo na bro. Truth or dare tayo." ani Drew na katabi si Calix.

Umupo na si Thomas. Nakagitna sya kay Drew at Casey. Kahit hindi ko masyadong makita, alam ko na napangiti si Casey nang tumabi sa kanya si Thomas.

Kasunod ni Pau ay si Nikki, Karen, Pamela, Louise, Casey, Thomas, Drew, Calix at Bryan na katabi ko naman sa kaliwa ko. Nakagitna ako sa kanila ni Pau.

"No more taguan ah? Someone grabbed my ass. What the hell." bulalas ni Bryan. Nagsimula namang manakot sila Drew na baka hindi daw tao ang may gawa non.

May nakalagay nang bote sa gitna. Glass bottle sya. Sa alak siguro 'to. Si Nikki ang nagpaikot ng bote at tumapat 'to kay Pau.

"Okay Pauline. Truth or dare?" si Nikki ang nagtatanong. Dare naman ang sinagot ni Pau kaya mabilis na nagisip si Nikki at ang mga girls ng ipapagawa sa kanya.

"Magsayaw ka sa taas ng sofa." sabi  ni Karen. Agad namang tumayo si Pau at naglakad na palapit sa sofa. Tinapatan naman sya ng flashlight kaya kitang kita namin sya ngayon. Sumayaw na sya habang chinicheer namin sya.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon