Chapter 15

149 13 6
                                    

                 

"Lex, paanong gagawin natin? Oh my god. Sana hindi mo na pinatulan si Thomas." sabi ni Pauline habang nakatayo kami sa loob ng cubicle sa CR.

"Anong wag patulan? Nakita mo ba kung paano nya pinahiya si Aira kanina?" nakakagigil talaga. Tapos na ang first subject namin which is physics. Nakapagreport na kaming lahat pero grupo lang namin ang nakakuha ng sobrang mababa na score.

Sinira lang naman ng Thomas na yon ang report namin.

Aira pala ang totoong pangalan ni Goldilocks. Code name lang pala para sa kanya yon ng mga bully sa school na si Thomas. Since bestfriend ni Thomas si Jake so nakigaya na din si Jake sa paggamit ng code names sa mga students dito sa Rich Hills.

Nakakainis kasi naniwala akong yun talaga ang pangalan nya. Tinawag lang pala syang 'Goldilocks' dahil kulot kulot yung buhok nya.

Maayos kaming nagrereport nang bigla syang dumating. Ano pa nga bang ieexpect don sa lalakeng yon.

Wala talagang kwenta.

Sobrang late na dumating.

Akala mo sya ang may-ari ng school na 'to.

Pero hindi eh.

Kasi kahit siguro ikaw ang may-ari ng school, di mo gagamiting excuse yon para umasta ng ganon.

Yung pinto kasi namin nasa gilid ng white board. Nakapatay ang ilaw kanina dahil gumamit kami ng powerpoint sa report namin. So naka-projector kami.

Habang nagdidiscuss si Aira, hindi nya napansin na nasa likod nya si Thomas.

Nabunggo nya ng sobrang lakas. Natamaan nya yung pilay ng panget na yon.

Buti nga sa kanya.

Pero nagalit sya ng sobra kay Aira to the point na sigawan nya 'to sa harap ng klase.

Sa harap ni Sir Trinidad.

At bukod sa nasira yung report namin, late pa sya kaya binawian kami ni sir sa grade namin sa report. Bukod din sa exempted kami sa first periodical exam, kami lang ang magtetest kay sir dahil daw sa attitude namin. Nakakagigil.

Pagkaalis ni sir, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Sobrang pinahiya nya si Aira.

Sinira nya pa report namin.

Sinira nya ang grades namin.

Kaya binato ko sya ng remote control at naglanding sa mukha nya.

"I know Lex. I know. Pero baka mamaya isumbong ka nyan sa guidance! Jusko. New student lang tayo dito Lex. Baka mamaya paalisin ka. Nakita mo ba yung sugat nya sa mukha?" dahil sa pagkabato ko na tumama sa mukha nya, nasugat sya. Nagdugo pa nga yata.

Pero wala akong pakeelam.

"Oh my gosh! Did you his face? I can't believe that bitch did that." natahimik naman kami ni Pau nang marinig naman ang mga babaeng pumasok sa loob ng CR.

Hindi namin sila nakikita pero dahil malakas ang mga boses nila, narinig namin mga pinaguusapan nila.

"I know right? Wala syang right para saktan ang Thomas natin. The nerve of that girl! Hindi naman maganda!" lalabasin ko na sana sila para ipakitang narinig ko sila pero pinigilan ako ni Pau.

"Wag mo ng dagdagan ang offense mo Lex. Pabayaan mo ang mga yan." bulong sakin ni Pau habang nakahawak sya sa braso ko.

Tumango na lang ako.

Hindi talaga ako makapaniwala na papanigan pa nila yung lalakeng yon.

Napakabarubal ng ugali!

"And guess what, I heard na nilalandi daw ng bitch na yan si Jake. Lagi daw silang nakikitang magkasama." sabi naman nung isa nilang kasama.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon