Chapter 7

247 16 5
                                    

"Lex, sobrang dami namang tao. Tapos may mga banner pa. Akala ko ba practice game lang 'to?" sunod sunod na sabi ni Pauline habang naglalakad kami sa loob ng gym. Naghahanap kami ng mauupuan pero dahil sa dagsa ang mga tao dito at puro girls, mukhang wala na kaming mapupwestuhan.

"Eh sa marami silang fans eh." sagot ko. Hawak hawak ko pa din yung sandwich na binili ko kanina na hindi ko na naubos dahil mag-uumpisa na ang practice game nila. Nakakahiya naman kay Jake kung hindi kami manunuod ni Pauline. Personal niya pa kaming inimbita kanina.

Nakahanap kami ng upuan sa bandang taas. Hindi pa ganon karami ang tao dito sa taas kumpara sa baba na parang naging sardinas na ang mga babaeng tutok na tutok sa paglalaro ng players.

"Oh my god, Lex! Ang dami palang poging players ng Rich Hills. How come hindi ko sila napansin nung naglaban sila nila.. Ehem.. Adrian." daldal ni Pauline sa gilid ko. Ako naman ay nakatuon ang tingin sa mga naglalaro.

Nakita ko kung paano kumilos si Jake. Talagang nakakamangha. Hindi ako mahilig sa basketball pero lagi akong nakakanuod dahil kay Adrian noon. Magaling din si Adrian. Kaya nga siya naging MVP ng basketball team sa dati naming school eh.

"Waaaa!!! Papasukin niyo na si Thomas!!!" tilian ng mga girls.

Napatingin naman ako sa bench at nakita kong nakaupo si Thomas doon. Pagkatingin ko sa kanya, halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nakatingin siya sakin. Matalim ang tingin niya. Teka, bakit nakatingin sa akin 'to?

Inirapan ko na lang siya at nagpanggap na parang hindi ko siya napansin.

"Sana naman this school year may maging jowa akong basketball player. Nakakainis kasi halos lahat ng mga ka-team ni Adrian noon puro taken na. Pinagkaitan ako ng grasya." maarteng sabi ni Pauline.

"Hoy! Tumigil ka nga. Nandito tayo para manuod dahil niyaya tayo ni Jake dito. Nakakahiya naman kung hindi tayo sisipot. Tigil-tigilan mo na 'yang kaka-daydream mo sa mga lalaki." pataray kong sabi kay Pauline.

Nakailang shoot din si Jake.

Naging intense din ang laban kahit practice game lang.

Nadala na rin ako ng emosyon kaya maski ako ay nakikitili na rin sa tuwing nakaka-shoot ang Rich Hills.

Ito ang masaya kapag nanunuod ng mga game eh. Talagang nakakadala. Nakakatangay ng emosyon kaya mapapasigaw at mapapatalon ka rin sa tuwa sa tuwing nakaka-score ang team na sinusuportahan mo.

Nung 4th quarter na, pinapasok na si Thomas.

Naalala ko tuloy yung narinig ko kanina doon sa dalawang estudyanteng babae na nasa harapan namin sa pila sa cafeteria. Na dapat si Thomas ang captain ng team nila ngayon pero nagloko siya. Ano kayang klase ng pagloloko ang ginawa niya?

Hindi ko namamalayang nakatuon na pala ang pansin ko kay Thomas.

Sa kanya lang nakatutok ang tingin ko habang naglalaro sya.

Magaling siya. Hindi ko masabi kung sinong mas magaling sa kanila ni Jake pero magkaiba sila ng istilo sa paglalaro. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang sila hangaan ng mga babae sa school na 'to. Bukod sa mga gwapo, mala-adonis ang mga katawan, magagaling pa sa basketball. Ngayon medyo naiintindihan ko na.

Pero hindi ko maintindihan kung paano nila natitiis ang ugali ni Thomas?

Kasi ako, maaaring sa itsura ako unang naaattract pero importante pa rin sa akin ang ugali. Dahil kahit sobrang gwapo ka pa pero bulok naman ang pag-uugali, nevermind na lang.

Natapos ang laro at in favor sa Rich Hills. 108 ang score namin habang 76 ang score ng kalaban kaya naman wala ka nang ibang maririnig kundi ang tilian ng mga babae dito sa gym. Jusko! Paano pa kaya kapag actual game na talaga? Baka mas malakas at mas grabe pa ang tilian nila.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon