"Tita Doris, nandito po pala kayo." kakadilat lang ng mga mata ko. Dito na pala ako sa sofa nakatulog kagabi. Pagdilat ng mata ko, nakita ko si Tita Doris na nag-aahin ng pagkain sa lamesa namin.
"Gising ka na pala, hija. Oo. Kanina pa kong madaling araw nandito. Kamusta ka na, hija?" tuloy lang siya sa pag-aayos sa hapagkainan.
"Nasaan po si mommy?"
"Maagang umalis, Lexie. Nakakagulat yung nangyari sa ate. Bigla na lang siyang natanggal sa trabaho. Pero ganon talaga eh. Kaya nga ako kuntento na ako na magbusiness na lang at hindi na magtrabaho." nakinig lang ako kay Tita Doris habang bumangon na ako sa pagkakahiga.
"Tara na, Lexie. Kumain ka na muna. Alas siete na. May pasok ka pa." nagmadali na ako sa pagkilos nang makita ko ang oras sa wall clock.
Masarap ding magluto si Tita Doris. Si Tita Doris ang nakakabatang kapatid ni mommy. Dalawa lang silang magkapatid kaya super close talaga sila. May asawa na si tita. Unfortunately, hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak pero parang anak na rin ang turing niya sa akin.
Nakaligo na ako at nakapagbihis in a span of 15 minutes. Malelate na talaga ako nito pero kesa naman umabsent ako. Nagpaalam na ako kay Tita Doris. Siya na muna daw ang maiiwan sa bahay.
7:50 ako nakarating sa school. Late na ko ng 20 minutes.
Ang daming missed calls ni Pauline sa phone ko. Hinahanap niya siguro ako. Nakita ko ring may mga missed calls si Jake.
Tumakbo na ako papasok ng room. Nakaupo lang si Sir Trinidad sa desk niya. Baka nagpapaseatwork lang siya.
Pagbukas ko ng pinto, nakuha ko naman ang atensyon ng lahat ng mga kaklase ko.
"Oh, Ms. Hermosa, masyado ka pa yatang maaga para sa susunod mong klase." patay. Mukhang hindi maganda ang timpla ni sir. Paano ko ba ieexplain 'to.
"I'm sorry, sir."
Tumango lang siya at umupo na ako sa upuan sa tabi ni Pauline.
Nagtuloy na yung iba naming mga kaklase sa ginagawa nila. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Jake. Mukhang nag-aalala siya. Teka, ano bang itsura ko ngayon? Baka mukha akong basang sisiw dahil hindi ako nakapagpatuyo ng buhok tapos medyo napawisan pa ko dahil sa pagtakbo.
"Lex! Anong nangyari? Sobrang worried ako. Akala ko kung napano ka na. Pati si Jake nagworry sayo. Kaloka ka." hindi ko magawang magkwento ngayon dahil hingal na hingal pa ako sa pagmamadali.
"Mamaya ko na lang sasabihin, Pau. Long story." tumango lang siya. Nagsimula na rin ako sa pinapagawa ni Sir Trinidad.
"By the way class, how's your report? Naumpisahan nyo na ba? Sa Monday na yon ha. Just reminding you." oo nga pala. May report nga pala kami.
Napatingin naman ako kay Thomas.
Seryoso lang ang mukha niya habang nagsasagot sa libro.
Marunong din pala siyang mag-aral.
Pero hindi ko pa rin alam kung sino si Goldilocks.
"So each group will be given 10-15 minutes para sa report. Okay? So please wag niyo na masyadong pahabain pa. Kung ano lang ang hiningi ko, yun lang." paano namin gagawin yun ng kami ang magkagrupo ni Thomas.
Kailangan magawa na namin kaagad yun.
Natapos na namin ang pagsagot sa libro at naipasa na namin kay sir. Nagpaalam na rin siya. Meron pa kaming 30 minutes bago matapos ang klase. Mukhang kating kati na si Pauline na malaman kung anong nangyari kaya ito siya ngayon, nakatanghod sa akin na parang tuta.
BINABASA MO ANG
Out Of My League (on-going)
RomanceAlexa Jane Hermosa. Sino nga ba siya? Ano nga bang meron siya at nabago niya ang isang katulad ko?