"Lex! Oh my god. Nandyan ka lang pala. Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap." great. Pababa na sana ako ng hagdanan nang bigla kong makasalubong si Pau dito sa corridor.
"T-teka! Umiyak ka ba? Anong nangyari?" sabi nya. Hinatak nya ko sa gilid at hinawakan ako sa mukha. Nakikita kong sobrang nag-aalala sya sakin ngayon pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari kanina.
Kilala ko ang bestfriend ko. Kapag sinabi ko sa kanya ang nangyari, sobrang magagalit sya. Baka mamaya magkaron pa sya ng offense dahil don.
"O-okay lang ako Pau. Ano ka ba. Naalala ko lang si daddy." ayokong magsinungaling sa kanya pero mas ayokong malaman nya kung ano ang nangyari sakin. Itatago ko na lang muna yon. Wala naman ding ibang ginawa sakin si Abby at mga friends nya.
Pinagbantaan nya lang naman ako.
Pero sino ba talaga sya sa buhay ni Thomas at ni Jake? Bakit ganon na lang sya kung makapagsalita? Kung hindi ko lang kilala si Janna, iisipin ko na girlfriend sya ni Thomas. Bukod sa nalaman kong nagkiss sila at nakita ko silang magkasama sa mall kahapon.
"Hay. Wag ka nang mag-isip Lex. Everything will be okay. Promise." niyakap naman ako ni Pau. Kahit papano ay gumaan na din ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako naiiyak. Hindi na rin ako uuwi. Wala namang point para umuwi ako at umalis dito.
Hindi dapat ako nagpapaapekto sa kanila.
Pero kung dahil sa dalawang magbestfriend na yon kaya maraming nagagalit sakin, iiwasan ko na lang siguro sila. Hindi naman ako mahihirapan pagdating kay Thomas kasi hindi ko naman talaga gugustuhing maging close sa kanya.
Pero kay Jake..
Hay.
Bahala na.
Basta ang alam ko, ayoko nang mainvolve sa kahit na ano pang issue dito sa school.
Maya maya ay pumasok na rin kami sa loob ni Pau. Tapos na rin kasi ang break namin. Masaya talaga na meron kang bestfriend na laging nandyan para sayo. Buong araw, ramdam na ramdam ko ang presence ng bestfriend ko. Sobrang thankful ako.
Isang subject na lang bago mag-uwian.
"Guys, during our break, Ma'am Fortejo talked to me. Kailangan na daw nating mag-assign ng officers dito sa class. Para din sa retreat natin." sabi ni Nikki habang nakatayo sya sa harap ng klase.
Narinig ko namang naghiyawan ang mga kaklase ko.
What's so exciting about that?
"Lex, CR lang ako ha?" sabi ni Pau. Tumango naman ako.
Naalala ko tuloy noon. Kung hindi president, vice president ang lagi kong position sa class officers.
Si Pau naman ang palaging muse. Madami rin kasing nagkakagusto sa kanyang mga lalake sa dati naming school. Marami rin syang mga taga-hanga. Pero dahil sobrang taas ng standards nya pagdating sa mga lalake, wala syang natitipuhan sa mga 'to.
"Nikki, let's just appoint people. Wag na tayong mag-elect. Sayang time." sabi nung isa naming kaklase na close friend din ni Nikki.
May point sya.
Tutal magkakakilala naman sila, edi mag-appoint na lang sila.
Napatingin naman ako kay Jake.
Nakakalungkot kasi kailangan ko na syang iwasan. Naging mabuti syang kaibigan sakin. Pero ayoko nang gulo. Ayokong dahil sakin ay nagkakaron ng kung ano anong issue sa school.
Bigla naman syang tumayo at nagmadaling lumabas ng room.
Natapos na silang mag-appoint.
As expected, si Nikki ang naging president ng class.

BINABASA MO ANG
Out Of My League (on-going)
RomanceAlexa Jane Hermosa. Sino nga ba siya? Ano nga bang meron siya at nabago niya ang isang katulad ko?