Chapter 17

79 10 6
                                    




"Sweetheart, nandito na si Pau at ang daddy nya. Bilisan mo na kumilos." nasa loob ako ngayon ng banyo at kasalukuyang naliligo. Bago kami maghiwalay kahapon ni Pau sa school, naging usapan na namin na magsasabay kami sa pagpasok dahil hindi daw busy si tito.

Mga 10 minutes na siguro akong nakatulala dahil naiiisip ko pa rin yung nangyari kahapon. Yung pag-acting ni Pau na sumasakit yung tiyan nya, yung kunwaring pupunta kami ng clinic pero yun pala sa garden nya ko dadalhin, yung biglang lumitaw si Jake at may dalang flowers, yung sinabi nyang gusto nya daw ako.

No. Scratch that.

Naiinlove na daw sya sakin.

Okay Alexa.

Kumalma ka lang.

"Lex, alam kong hindi ka pa rin nakakamove on sa ganap kahapon pero pwede bilisan mo na dyan?"nabalik lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Pau.

Tinapos ko na kaagad ang pagligo. Ni hindi ko na nga nagawang buksan ang heater. Kahit sobrang lamig ng tubig mula sa shower, dedma na ang beauty ko.

"Pau!!! Wag mo ngang amuyin yan. Baka maubos na yung natitirang amoy nyan eh." nakita kong inaamoy amoy nya yung flowers na bigay sakin ni Jake.

"Ang OA ah? Lanta na nga eh. Feeling mo fresh pa rin?" binaba na ni Pau yung flowers sa upuan ng study table ko.

Sanay na rin naman akong magbihis kahit nasa harap pa ni Pau. Hello, ang tagal na naming magbestfriends. Nakita na namin ang lahat sa isa't isa.

Mga deepest, darkest secrets.

Charing.

"Nakwento mo na ba kay tita yung about kay Jake?" tanong ni Pau.

Oo nga pala. Hindi ko pa nababanggit kay mommy yung about sa pagbigay ni Jake sakin ng flowers kahapon at yung pagtatapat nya ng feelings nya. Pero hindi ko rin kasi alam kung paano ko ikukwento kay mommy.

Hindi ko alam paano ko uumpisahan.

"Hindi pa nga eh. Hindi rin naman kasi kami nag-abot ni mommy kagabi.." nahinto ako sa pagsasalita.

Nagkatinginan kami ni Pau at parehas na nanlaki ang mata naming dalawa.

"PUMASOK SYA DITO KANINA!!!" halos sabay naming nasabi.

Shemay! Oo nga pala.

Pumasok dito sa kwarto ko si mommy kanina para sabihing nandito na si Pau at si tito.

"Nakita nya kaya yan?" tanong ni Pau.

Nagulat naman ako nang bigla syang lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ko.

Saan naman sya pupunta?

Sasabihin nya ba kay mommy?

Maya maya pa ay bigla rin syang pumasok ulit.

"Saan ka.." naputol ang pagsasalita ko nang magets ko kung anong ginagawa nya.

"Kunwari ako si tita. Tignan natin kung makikita ba agad yung flowers pagkapasok dito sa kwarto mo." hay nako. Wala namang problema kung makita man ni mommy yon.

Super open naman kami sa isa't isa.

Tinapos ko na ang pagbibihis ko at nagpapatuyo na lang ako ng buhok ngayon.

Unlike kay Pau, hindi talaga ako naglalagay ng kung ano ano sa mukha ko.

Powder lang sapat na.

Powder lang naman din si Pau pero simula nang mag-aral sya sa Rich Hills, natuto na syang maglagay ng lip and cheek tint na dati naman ay hindi nya ginagawa.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon