Chapter 23

160 4 11
                                    

Friday na ngayon. Wala kaming klase dahil game day ngayon ng Rich Hills. May klase yung mga lower batch. Kaming seniors lang ang wala. Magandang timing din dahil kakatapos lang ng retreat kahapon.

Yung dalawa pang sections ng fourth year, next week naman ang kanila. Nauna lang kami dahil pilot section daw. Ganon daw talaga dito sa Rich Hills. Merong retreat na per section kapag kakastart lang ng classes then bago daw ang graduation, may pang-lahatan ng retreat.

Matagal tagal pa.

"Lex, ano kayang magandang isuot?" oo nga pala. Kausap ko nga pala sa phone si Pau ngayon. Nandon pa sya sa bahay nila at kanina nya pa rin ako cinoconvince na sumama sa school ngayon para manuod.

"Magswimsuit ka." sa totoo lang, ayokong manuod. Ayokong magpunta ng school. Gusto ko lang magkulong sa kwarto at matulog. Magbasa ng wattpad, manuod ng series, kahit ano. Basta wag lang magpunta ng school.

"Kainis naman 'to eh! Ano nga? Ay! Ito na lang susuotin ko. Hoy ikaw, magprepare ka na. Pagkabihis ko diretso na kami ni daddy dyan. Di tayo pwedeng malate." hindi na sya nagpaalam. Binaba nya na lang kaagad ang tawag.

Napatingin ako sa orasan. 8:30 na ng umaga. 10 daw ang start ng laro. Hindi ba pwedeng lagnatin ngayong araw? Para may excuse ako para di magpunta.

Mag-isa lang ako sa bahay ngayon. Nakaalis na din si mommy papunta sa trabaho kanina. Nakakain naman na din ako ng almusal pero hindi ako nakakain ng maayos. Madaming tumatakbo sa isip ko.

Hindi maalis sa isip ko lahat ng mga sinabi ni Thomas sakin. Madali lang intindihin yung mga sinabi nya kung iba ang makakarinig. Pero ako? Wala akong maintindihan. Pati nga sarili ko hindi ko na din maintindihan eh.

Nung makita ko kung paano dumikit si Casey sa kanya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nung makita ko na nagkiss sila, kahit aksidente, naapektuhan ako.

Para sakin, sobrang importante ng halik. Hindi ako hopeless romantic na tao. Or siguro nga ganon ako. Sadyang naniniwala lang ako na hindi sya dapat binibigay sa kung kani kanino.

Sadyang parang walang halaga sa kanya yon. Ang dali lang sa kanyang humalik ng ibang babae. Walang value para sa kanya ang mga yon.

Kaya naniniwala ako na lahat ng mga lumabas sa bibig nya, wala ring halaga.

Walang katotohanan.

Tumayo na ko at nagsimula nang magayos. Sasama na lang ako. Wala naman akong choice. Magtatampo naman si Pau kung hindi ako sasama sa kanya. Chaka hindi naman si Thomas ang pinunta ko don. Nandon kami para manuod ng laro at suportahan si Vlad.

At kung nandon si Jake, susuportahan ko din sya. Kaso wala sya eh. Kamusta na kaya sya? Simula nang magkausap kami sa chat bago ang retreat namin, hindi na sya nagparamdam ulit. Hindi nya pa rin nababasa yung huling message ko sa kanya.

Baka sobrang busy lang sya don.

Kamusta na kaya ang lola nya?

Sana naman ay okay na.

Nakapagayos na ko. Nagsuot na lang ako ng pants at simpleng shirt. Nagbitbit din ako ng maliit na bag para sa mga dala ko.

9:30 na nang dumating si Pau at si Tito Richmond. Sinecure ko naman ang buong bahay bago ako lumabas. Hindi na sila bumaba nang sasakyan dahil sinundo lang talaga nila ako dito.

"Good morning po tito, pau." bati ko sa kanilang dalawa pagkasakay ko sa likod. Bumati din naman pabalik sakin si tito. Si Pau naman ay busy sa kakatext. Alam kong si Vlad ang katext nya ngayon.

"If you don't have classes, ano pang gagawin nyo sa school ngayon?" tanong ni tito. Medyo malapit na kami sa school.

Nagulat naman ako nang pagtingin ko sa rear view mirror ay sakin pala nakatingin si tito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Buti na lang at naunahan akong magsalita ni Pau.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon