"Lex!!!"
Nandito na ko sa entrance ng Rich Hills. Kokonti pa lang ang mga pumapasok na mga estudyante dahil 6:45 pa lang ng umaga. Maaga akong pumasok dahil usapan namin ni Pauline.
Nakita kong nakatayo na din siya sa entrance. Ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa pero hindi ko alam kung bakit pa siya sumisigaw.
Lumapit na ko sa kaniya at yumakap. Nakipagbeso beso na rin ako sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya 'yung uniform namin dito. Maganda din naman kasi itong bestfriend ko. Chinita siya. Magkasingtangkad lang kami. Parehas lang din siguro kami ng size ng pangangatawan. Medyo kulot ang buhok niyang hanggang dibdib ang haba.
"Ang sexy mo, Lex! I can't believe it! Magkaschoolmates nanaman tayo. Pero hindi ko pa alam kung anong section ko. Magkaklase kaya tayo?" usisa niya. Naglakad na kami papasok. Nakapagpacheck na din kami ng bag sa mga guards.
Masyado pang maaga.
Saan naman kami pupunta ng ganitong oras?
"Nako. 7 AM pa nagbubukas yung registrar. Mamaya na lang natin i-check. Gusto mo maglibot na muna tayo? Hindi pa rin ako masyadong nakakalibot dito sa campus." sabi ko.
"Sige. Sana magkaklase tayo. Kinakabahan tuloy ako." halata sa boses niya ang excitement at kaba.
Sikat talaga ang school na ito dahil sa standards nito. Bukod sa puro mayayaman ang mga nag-aaral dito at 'yung iba ay mga anak ng artista, marami rin ditong brainy. Pwede talagang ipanglaban sa mga academic competitions.
"Baliw ka kasi. Bigla ka na lang lilipat. Edi sana lumipat ka na rin nung nalaman mong nagtransfer na ko dito. Absent ka tuloy ng dalawang araw." particular kasi ako sa absences. Ayoko ng nag-aabsent sa klase. Pwera na lang nung first day ko dito.
Naglakad na kami sa campus. Sa sobrang laki nito, pwede ka nang maligaw. Pero syempre joke lang. Meron naman kasing mga signs sa daan. Malawak kasi sobra yung campus. Bukod sa sobrang laki, marami ring puno all around.
Tuloy tuloy lang kami sa kwentuhan ng makarating na kami sa likod nitong school. Grabe! Hanggang dito sa likod ng school ang ganda ganda pa rin. Merong garden dito sa likod. May mga bench. Ang peaceful dito at ang sarap ng simoy ng hangin.
Mukhang meron na kong matatambayan kapag break time. Pwedeng pwede akong tumambay dito. Kaso baka marami na ring nagpupunta dito. I'm sure hindi na 'to ganito ka-peaceful and quiet kapag marami ng students ang nakatambay.
Umupo kami ni Pau sa isang bench.
"Sigurado ka na ba talaga na pupunta ka sa birthday ni Yumi? Pwede ka pang magback out."
"Ano? Bakit naman ako magbaback out? Ininvite niya ako so pupunta ako. Wala namang masama kung magpunta ako, diba? Wala naman ng issue dahil sila na. Siya na ang nagwagi." pinilit kong tumawa kahit hindi naman nakakatawa.
Ayokong maging bitter sa kanila.
Hindi rin naman naging kami.
"Totoo? Hindi ka ba nahuhurt? Kasi kung ako ikaw, makakaramdam ako ng sakit at galit. 2 years, Lex! Consistent. Tapos nung nawala ka, sila agad? Lokohan?" ito minsan ang ayoko kapag nagsalita na si Pau. Tinatamaan ako sa mga sinasabi niya dahil totoo. Parang walang preno ang bibig. Pero ayoko ng i-entertain ang sakit o ang galit. Walang space ang mga emosyon na 'yon sa puso ko.
"Hay nako, Pau. Hindi ako ganon. Ayokong maging ganon. Hindi naman naging kami ni Adrian. Alam mo ring kahit konti eh hindi nagkaron ng progress sa aming dalawa. Ligawan stage lang." halos mag-360 degress ang ikot ng mata ko.
Napatingin ako sa relos ko.
Alas siete na.
"Tara na, Pau. Punta na tayo sa registrar. Tignan na natin kung saang section ka." nagyaya na akong umalis.

BINABASA MO ANG
Out Of My League (on-going)
RomantikAlexa Jane Hermosa. Sino nga ba siya? Ano nga bang meron siya at nabago niya ang isang katulad ko?