Chapter 1

1.3K 17 3
                                    




Mabilis kong nilapag ang niluto kong ulam sa mesa. Tinignan ko kung may kulang pa ba sa hinanda kong pagkain para sa'min ni Zachary. Nang makitang wala ng kulang ay napangiti ako.



Maaga akong nagising para maghanda ng almusal namin, dahil alam kong maagang aalis si Zachary, dahil maaga ang klase nito. Nasa 3rd year college na ito sa kinuhang kurso. His dream to become a successful lawyer. I'm proud of him, because he's slowly reaching his dream.


Habang ako ay nasa 2nd year college na bilang isang ganap na architect interior. Malapit na rin akong grumadaute, ilang years na lang rin.




Mabilis akong napatingin sa taong kakapasok lang sa kusina. Agad na sumilay anh matamis na ngiti sa mga labi ko.




"Good morning Yno!" Masayang bati ko sakanya.



"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na 'wag na 'wag mokong tatawagin na Yno!" Madiin na sabi niya at binigyan ako ng matalim na tingin.




Mabilis na nabura ang ngiti ko at napalunok dahil sa tingin niyang nakakamatay. Umiwas ako ng tingin at umayos ang pagkakatayo at hinila ang sariling katinuan na kumawala saglit sa'kin kanina. Tumikhim muna ako bago ngumiti ulit at nilingon ito.



"Nagluto na ako ng almusal natin, kumain ka na at baka ma late ka pa." Sabi ko sa malambing na boses at ngumiti ng tudo.





"Sa labas na ako kakain" Walang gana na sabi niya at tumitig sakin ng mariin."Again, stop calling me with my second name." May diin na sabi niya at tumalikod sa'kin.





Unting unti nabura ang ngiti sa labi ko at naramdaman ang kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang likod niya. Napalunok ako dahil sa sakit na nararamdaman sa dibdib ko at ano mang oras ay tutulo ang mga luha ko.




Bago ito lumabas ay huminto at tumingin ulit sa'kin. Kaya mabilis na lumiwanag ang mukha ko at inayos ang sarili at ngumiti ulit. Pero agad rin na nabura dahil sa sinabi nito.




"Karina is the only one who allowed to call me Yno." sabi niya sa malamig na boses habang ang berdeng mga mata ay matatalim na nakatitig sakin.




Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ko. Bakit ko nga ba nakalimotan yun? hindi pala kami katulad ng ibang mag asawa na masayang nagsasama.




Tuloyan ng umalis si Zachary at iniwan ako dito sa kusina. Napatingin ako sa mga pagkain na hinanda ko at napangiti ng mapait. Nanghihinang napaupo ako sa upoan kasabay ng pag bagsak ng mga luha sa mata ko.






Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bigat at sakit nito. Oo nga pala, anong karapatan ko na tawagin siyang Yno, kung si Karina lang naman ang pwedeng tumawag sakanya sa pangalawang pangalan niya.






Karina is her long time girlfriend. Kahit ngayon ay sila parin, kahit kasal na kaming dalawa. Sabagay, kinasal lang naman kami dahil sa mga magulang namin na nangako sa isa't isa na ikakasal kami pag nasa tamang edad na kaming dalawa.





Kahit alam ng mga magulang niya na may girlfriend siya, pinilit parin itong ipakasal sakin at sinabing hiwalayan raw ang girlfriend nito kung ayaw niyang itakwil siya ng pamilya nito at alisin ng pamana.






Masaya ako nung binalita sakin ng magulang ko na ikakasal kami ni Zachary. Sino ba naman ang hindi? ang lalaking mahal ko ay ikakasal sakin. I already love him when I was 15 years old. Kaya labis ang saya ko ng malaman ko ikakasal ako sa lalaking mahal ko, pero may lungkot rin ako nadama, dahil sakin may relasyon na masisira.






Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon