Chapter 29

748 13 0
                                    




Kinabukasan. Inayos ko ang suot ng magkambal ko. Napangiti ako ng makitang sobrang ganda talaga ng genes ko. Their eyes when they look at me, it's feel like Zachary is staring at me. Kaya hindi ko rin makalimotan ang lalaming yun dahil sa magkambal ko.





Magsisimba kami ngayon, dahil linggo naman at gagala kami ng mall dahil 2 weeks na ring nakakulong ang magkambal ko sa bahay. Ayoko naman silang gawong preso sa bahay na to. Nang sinabi ko sa magkambal ko na pupunta kami ng Simbahan at pagkatapos ay gagala kami ng mall. Sobrang saya nilang dalawa at nagtatalon pa sa tuwa.





"Mommy, I'm pretty na ba?" Her eyes sparkle in happiness.




"Yes baby," Sabi ko at pinang-gigilan ang matambok niyang pisnge.






"Yey! I'm pretty na" Natutuwang sabi ng anak kong si Zaedy.





"What about me mom?" Seryosong nakatitig sa akin ang anak kong lalaki at hinihintay ang sagot ko sakanya.





"You're always handsome Zacer," Nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya.





Tipid lang itong ngumiti dahil sa sagot ko. Napailing na lang ako dahil pati ang ugaling ganyan, nakuha niya pa sa ama niya.




"Let's twins" Hinawakan ko ang dalawa sa tig iisang kamay nila at sabay na bumaba.




Pagkababa namin ay nagpaalam kami kay Kavin na nakaupo sa sofa habang may ginagawa sa laptop niya Hindi siya sasama sa amin dahil may gagawin pa raw siya, sa susunod na raw siya sasama.





Agad kong pinagbuksan ng pinto ang magkambal ko at maingat silang pinapasok sa backseat. Nang maayos ko na silang napaupo ay sinira ko ang pinto at umikot sa harapan at tumungo sa driver seat.






Nang makapasok sa loob ng kotse ay agad kong pinaandar ang kotse at lumisan sa bahay namin at tinutungo na ang simbahan. Medj malapit lang naman ang simbahan kaya mabilis lang kaming nakarating.






Hawak ko ang magkambal ko sa magkabilang gilid ko habang pumapasok sa loob ng simbahan. Mahigpit ang hawak ko sa dalawa dahil baka mawala ko sila, madami pa namang tao ngayon.





Nang tuloyan ng makapasok sa simbahan ay napahinga ako ng malalim at tinignan ang dalawa na tahimik lang. Busy ang babae kong anak na tumingin tingin sa paligid. Habang ang lalaki ko namang anak ay tahimik lang at nakatingin sa harapan. Napangiti ako at tumingin na lang din sa harap.





Alam kong magiging behave ang dalawa. Lalong lalo na si Zaedy, dahil alam nito kung paano manahimik at 'wag maging malikot pag nasa simbahan na. Dahil maigi itong makikinig sa sasabihin ng Pari. After an hour, we already outside the church.





Nagtatalon na sa tuwa si Zaedy dahil tutungo na raw kami sa Mall. She's excited, kaya nagiging malikot na siya kahit nasa loob pa kami ng kotse at patungo pa lang sa Mall. Yung kambal niya nang di Zacer ay sinusuway siya sa kalikotan niya.





Hindi pa sana titigil si Zaedy sa kalikutan niya kung hindi nagalit si Zacer sakanya. Kunot na kunot na kasi ang noo ng kakambal niyang lalaki at pumapantay ang mga kilay nito sa inis. Kaya napatigil si Zaedy at umayos ng upo at tumahimik na parang tuta.





Napatawa na lang ako at napailing. Alam na talaga ni Zaedy na kailangan niya ng tumahimik bago siya singhalan ng kakambal niya. Ang bilis talaga nilang lumaki.





Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon