5 years had passed. 4 years old na ang kambal ko. Ang bilis ng panahon at malalaki na ang kambal. Hindi ako makapaniwala na nakayanan ko ang lahat sa mga nagdaang taon.
"Kaedy, sigurado ka bang uuwi ka ng pilipinas?" Seryosong tanong sa akin ni Maue. "Paano pag nagkita kayo at malaman na may kambal kayo?" dagdag niya pa.
Napabuntong ako at tumingin sakanya at hininto ang pag aayos sa gamit ko.
"Hinding hindi niya malalaman Maue, kung walang magsasabi. Saka malaki ang pilipinas, kaya alam kong hindi kami magkikita dun." Sagot ko.
"Pano nga Kaedy," Kulit niya sa akin.
I rolled my eyes at her. "Hindi niya nga malalaman period!" Pagtatapos ko sa usapan namin.
Napabuntong na lang ito at tinigilan na lang ako sa pagtatanong. Masyado siyang praning. Hinding hindi naman talaga malalaman ng lalaking yun na may anak siya sa akin, dahil hinding hindi ko hahayaan na malaman niya. I know it's sound selfish, but I don't care. Kapakanan ng kambal ko ang lahat ng ito, lalo na ang kaligtasan nila.
3 years ago na nung pumunta si Maue dito sa Canada. Dito sila tumira sa bahay na kinuha ni Kavin para sa akin at sa kambal. Gusto niya raw muna lumayo sa pilipinas lalo na dahil sa nangyari sakanila ni Zaccheus. Hanggang ngayon ay nag aalala parin ako kay Daisy. Sinabi sa akin ni Maue kung anong nangyari kay Daisy at kay Zacharias. Sobrang sakit sa akin na malaman na wala na ang dalawa.
I can't believe of what happened to both of them. Sobrang inggit na inggit nga ako kay Daisy dahil sa sobrang pagmamahal at pag aalalaga ni Zacharias sakanya. Sobrang tagal na rin nila. 10 years, nasayang lang dahil sa walamg kwentang tao.
Hindi nagpaparamdam sa amin si Daisy. Hindi namin ito makuntak ni Maue. Sobrang nag aalala na nga kami sakanya dahil alam namin na sobrang sakit ang nangyari sa kaibigan namin. Hinanap namin siya sa kung saan saan, hanggang sa may nagpadala ng letter sa amin at galing yun kay Daisy at nagsasabing.
Dear, Kaedy, Maue.
Don't find me, you can't find me anyway. Just focus to your children. Please take care of yourself Kaedy and your twins. Tell to Maue to take care of herself too. I have somewhere to go, we will meet soon.
Love
Daisy the prettiestKaya hininto na namin ang paghahanap sakanya dahil hindi rin naman namin siya mahahanap. Ewan ba kung saang lupalop ng mundo pumunta yun.
"Mommy!"
Mabilis ang paglingon ko sa pinto ng k'warto ko dahil sa kambal kong tumatakbo na palapit sa akin. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko at agad na binigyan ng halik ang kambal ko sa pisnge nila.
"Hmm?" Hinaplos ko ang mga buhok nila at hinihintay kung anong sasabihin ng dalawa.
"Mommy! tito Vin said that we're going to the Philippines the next! is it true mommy?" Inosenteng tanong ng anak kong si Zaedy.
"Yes baby" Mabilis kong sagot.
"Andun ba ai daddy, my?" Zaedy suddenly asked. Her eyes twinkle because of happiness.
Napatigil ako at hindi agad nakasagot sa anak ko. Napatulala ako dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya tungkol sa ama nila.
"Andun si Dad, My?" Zacer asked. Nakisali na rin ito at kuryuso ang mga matang tumingin sa akin. While Zaedy is looking at me hopefully.
Napalunok ako at hindi makasagot sa tanong ng mga anak ko. Lumingon ako kay Maue humihingi ng tulong. Agad naman niyang naintindihan ang pinapahiwatig ko at tumayo sa kama ko at lumapit sa kambal ko.
"Twins, your Daddy, is not there, he's far far away." Maue said and cares my twins cheeks.
Agad na bumagsak ang balikat ng dalawa at biglang nalungkot. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pangungulila sa ama nila. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa lungkot na naramdaman ng kambal ko.
"My twins, it's okay, Mommy is here. Mahal na mahal ko kayong dalawa." Lumuhod ako at pumuntay sakanilang dalawa.
Hinawakan ko ang magkabilang pisnge ng nila at ngumiti ng matamis. "H'wag na kayong malungkot, baka sa susunod andito na Daddy niyo at ma meet niyo na siya." Nakangiting sabi ko.
"Talaga Mommy?" Magkasabay na taning ng kambal.
"Oo naman." I'm sorry babies. It's just a lie.
Alam kong magiging unfair ako sa mga anak ko. Pero ayokong ipaalam sa ama nila na may anak siya sa akin. Ayokong matulad sila sa akin na pinagtabuyan ng ama nila. Ayoko silang masaktan, lalo na't may sariling pamilya na ang ama nila.
Mas lalong kumirot ang dibdib ko. Naaawa ako sa mga anak ko, hindi man lang nila naranasan ang lumaki na may ama. Pero anong magagawa ko, kung may sarili na itong pamilya at alam kong itataboy lang ng lalaking yun ang kambal ko kung sasabihin ko na may anak siya sa akin. I don't want to see my twins in pain. Tama na yung sakit na binigay ng ama nila sa akin.
Niyakap ko ang kambal ko. Nawala ang ngiti sa labi ko. I bit my lips. Nagtama ang tingin namin ni Maue at nakatitig ito sa akin na may lungkot sa mga mata. I know she's sad because I'm just lying to my twins.
Kumikirot ang dibdib ko dahil sa awa para sa mga anak ko. Gusto ko man na buo yung pamilya namin, pero hindi mangyayari yun dahil masaya na ito sa iba nitong pamilya. Kaya dapat lang na hindi niya malaman na may anak kaming dalawa, dahil wala na siyang karapatan sa kambal ko nung pinagtabuyan niya ako 5 years ago.
He's already happy now, and I am happy now with my twins. May kanya kanya na kaming mga buhay na dapat pagtuunan.
"Pumunta na muna kayo sa tito Vin niyo, tataposin ko lang tong mga gamit na dadalhin natin sa pilipinas, saka ako susunod sainyo sa baba." Sabi ko sa kambal ko.
Masunurin namang tumanggo ang kambal ko at tumatakbo na palabas sa k'warto ko. Napabuntong ako at tumayo para ipagpatuloy ang pag aayos ng mga damit sa maleta.
"It's really hard to lie huh!" Maue said.
I nodded at her. Mahirap nga naman ang magsinungaling sa mga anak ko, pero yun lang ang magagawa ko para tigilan nila ako sa kakatanong tungkol sa ama nila. Makulit pa naman si Zaedy, at pipilitin ka talaga nun na sabihin kung nasaan ang ama niya. Kahapon lang sila nagsimula mag tanong tungkol sa ama nila. Puro kasinungalingan lang ang isasagot ko sakanila, para tigilan lang ang kakatanong.
It's hard to lie at them. It hurts me everytime they asked about their father, and I always answered them a lied. That's all I can do for now. Hindi ko aakalain na magtatanong sila tungkol sa ama nila, dahil minahal ko naman sila ng buo at naging ama at ina sakanila. Pero hindi parin pala sapat, hahanapin at hahanapin parin talaga nila yung kalinga at pagmamahal ng isang ama.
Legend_Arys
BINABASA MO ANG
Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )
RomanceChasing for love is like feeling desperate to have love in life. Many people chase their lover to win their hearts. You chase someone, but that someone is running away from you. How can you have that someone if that someone dosen't want you? How Ka...