Tatlong araw akong nagpahinga muna sa bahay. Ngayon ay nandito na ako sa conference room. Nakikinig ako sa bawat sinasabi ni Mrs. Alejado.
"I want to introduce to all of you, our architect of this Ms. Kaedy Fortaleza." Mrs. Alejado said.
Mabilis ang pagtayo ko at ngumiti sa mga kasama sa loob ng conference room. Ngumiti naman ang ilan sa akin at yung iba naman ay tumanggo lang sa akin.
Umupo ulit ako pagkatapos kong ngumiti sa mga kasama ko dito sa loob. Habang nasakalagitnaan ng pagsasalita si Mrs. Alejado ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok.
Lahat ng attensyon namin ay lumipat sa taong kakapasok lang. Nanigas ako sa kinauupoan ko at gulat na nakatingin sa taong kakapasok lang. Wtf? Anong ginagawa niya rito?
He never change. Yung nag iba lang sakanya ay naging mature ang itsura at katawan niya. He's still handsome as ever. He's still serious too. Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo.
"Oh, Mr. Roquero. Dumating ka na rin, akala ko hindi ka na pupunta." Rinig kong sabi ni Mrs. Alejado.
"I'm sorry I'm late, hinatid ko pa kasi ang anak ko." Sagot ng lalaki.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa narinig. Anak niya...How about our twins? matatawag mo rin ba silang anak mo Zachary?
"It's fine Mr. Roquero, ganyan rin ako nung mga bata pa ang anak ko." Natatawang saad ni Mrs. Alejado.
"Thank you for your understanding ma'am." I heard his voice again.
That voice. I miss that. But when I remember how he hurt me. Tumigas ang mukha ko at inalis lahat ng emosyon sa mukha at naging blanko.
"Btw, Mr. Roquero, this is Kaedy Fortaleza, our architect." Pagpapakilala sa akin ni Mrs. Alejado.
Nakita ko pa kung paano ito napatigil at dumapo ang tingin niya sa akin. Tumama ang mga mata namin at nagtitigan kaming dalawa. Walang mababakas na kahit ano sa mukha ko habang nakatingin lang sakanya. Napaawang pa ang labi nito ng makitang ako talaga ang nakikita niya.
"Kaedy," Biglang sambit niya sa pangalan ko.
My heart immediately react when he called my name. Pero mabilis ko sinuway ang puso ko dahil sa pagtibok nito ng mabilis. You don't love him anymore, stop beating heart! suway ko sa puso kong malakas na tumatambol.
"You know each other?" Kunot noong tanong ni Mrs. Alejado.
Bumaling ako kay Mrs. Alejado. Bago pa makasagot siya makasagot ay inunahan ko na siyang magsalita.
"We don't Mrs. Alejado." I seriously said.
Gulat na napatingin sa akin si Zachary. Tinignan ko rin siya ng 'what' look. Inayos niya ang sarili niya at ang gulat na mukha ay napalitan ng seryosong mukha. Naging malamig na rin ang mga mata nito.
"We're not Mrs. Alejado." Malamig na sabi niya.
Nakipaglaban ako ng titig sakanya. Kahit na nasisindak ako sa lamig ng tingin niya. I'm not scared. He can't hurt me anymore.
"Okay, okay let's proceed." Biglang sabi ni Mrs. Alejado dahil napansin niya atang any hindi maganda sa aming dalawa.
I crossed my arms. Umupo na rin siya at talagang sa harapan ko pa talaga umupo. May isa namang bakante dun sa pinakahulihan. I rolled my eyes. Nakita niya pa ata ang pag irap ko dahil napailing ito.
I just listened to Mrs. Alejado. Matagal natapos ang meeting namin dahil umabot kami ng 1 pm. Hindi pa tuloy kami nakakain ng lunch at nagugutom na ako.
Akmang lalabas na ako ng conference room ng bigla akong tawagin ni Mrs. Alejado. Mabilis akong lumingon sa likuran ko at humarap ulit. Nakita ko pang nakaupo pa si Zachary at mariin akong tinitigan. Pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Yes ma'am?" I asked Mrs. Alejado.
Lunapit ito sa akin at niyakap ako, kaya niyakap ko na rin ito pabalik. Agad rin naman itong humiwalay sa akin at nakangiting tinignan ako.
"Thank you for accepting my offer hija." Nakangiting sabi nito. "I choose you because my friend recommended you, she said that you're one of the best architect in Canada." Dagdag pa nito.
I bit lower lip because of Mrs. Alejado said my whereabouts. Nakita sa right vision ko ang pag ayos ng upo ni Zachary at mataman na nakikinig sa amin.
"You're welcome ma'am." I said and give her a smile. "Thank you rin po sa pagpili sa akin sa malaking project na ito, gagawin ko po ang best ko para maging maganda ang kinalalabasan sa paggawa ko ng project nato."
Pagkatapos naming mag usap ni Mrs. Alejado ay tuloyan na talaga akong pumabas nb conference room. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na siya makikita. Dali-dali akong pumasok sa elevator at pinindot ang 1st floor kung nasaan ang lobby.
Unti unting sumara ang elevator. Nakita ko pa ang paglabas ni Zachary at ang pagtakbo nito patungo sa gawi ko. Nakatitig lang ako sakanya na mabilis na tumakbo patungo sa gawi ko at akmang pipigilan ang pagsara ng elevator ng tuloyan na itong magsara.
Mabilis akong napasandal at napapikit habang hawak hawak ang dibdib ko. Sobrang bilis ang kabog nito, na parang lalabas sa loob ko at gustong pumunta sa taong dahilan kung bakit tumitibok ito ng malakas.
Pagkabukas ng elevator ay mabilis akong lumabas at dali-dali naglakad palabas ng kompanya. Naghintay ako ng taxi na dadaan. Napakagat pa ako sa kuko at nagdadasal na sana ay may dumaan ng taxi. Napahinga ako ng maluwag at napaayos ng tayo dahil sa taxing nakita. Itinaas ko agad ang kamay ko at pinara ito.
Akmang sasakay ako ng biglang may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa pagpasok. Sisinghalan ko na sana ang taong humawak sa braso ko ng napatigik ako at napaawang ang labi dahil sa taong nasa harapan ko.
"And where do you think you're going." Matigas na sabi nito.
Agad akong natauhan at binawi ang braso kong hawak niya.
"Uuwi saan paba!" Inis na sabi ko at papasok na sana sa loob ng taxi ng bigla niya akong hinili at sinara ang pinto ng taxi.
"Ano ba!" Inis na sigaw ko at binawi ulit ang braso ko sakanya.
"You're not going anywhere!" Galit na singhal niya sa akin.
Wow ah! talagang siya pa ang may karapatan na magalit ngayon. Sino bang walangya na pumipigil sa akin na pumasok sa taxi. Siya lang naman. Umunit bigla ang ulo ko at matalim na tinignan siya.
"Pwede ba, 'wag mo'kong pigilan na umuwi sa amin, sino ka ba?" Galit na sabi ko.
"Ako lang naman ang asawa mo" Mariin na sabi niya.
Napatigil ako at hindi nakapaniwalang tumitig sakanya. Napasinghal ako at pagak na tumawa dahil sa narinig ko sakanya.
"Excuse me, ex-wife Mr. Roquero," Pagtatama ko sa sinabi niya. "Matagal na tayong tapos 5 years ago." Galit na sabi ko at tinulak siya saka mabilis na pumasok sa loob ng taxi.
"Tara na po manong." Mahinahon kong sabi sa taxi driver.
Napahinga ako ng malalim ng umandar na ang taxing sinasakyan ko. Napasandal ako at pinikit ang mga mata. Hinilot ko pa ang noo ko dahil bigla sumakit ang ulo ko.
How dare him to say I'm still his wife. Wala ba siyang hiya sa sarili niya at nagawa niya pang sabihin sa akin na asawa niya pa ako. We're over 5 years ago. Siya pa nga tumulak sa akin palayo sakanya, tapos ngayon sasabihin niyang asawa niya ako. He's crazy. What an asshole!
Legend_Arys
BINABASA MO ANG
Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )
RomanceChasing for love is like feeling desperate to have love in life. Many people chase their lover to win their hearts. You chase someone, but that someone is running away from you. How can you have that someone if that someone dosen't want you? How Ka...