1. After 4 years

2.3K 59 3
                                    

Chapter 1

"Nay, titigil muna ako sa'king pag-aaral maghanap muna ako ng trabaho sa Manila para makatulong ako sa inyo ni Itay," sabi ko kay Inay habang s'ya ay nagluluto at ako naman ay nanuod lamang sa kanyang ginagawa.

"Ano ka bang bata ka! hindi mo kailangan gawain 'yan, kaya namin 'to ng Itay mo. Huwag mo ng problemahin ang mga gastosin natin. Huwag kang huminto sayang naman kung titigil kapa, isang taon nalang ga-graduate kana ng college," sunod-sunod na sabi ni Inay sa'kin.

"Nay, alam ko pong nahihirapan na kayong dalawa ni Itay maghanap-buhay, p'wede naman po munang tumigil ako at pag makaipon ako ay saka ko na lang ituloy ang aking pag-aaral para hindi na ako dagdag pabigat pa sainyo."

Hindi na sumagot si Inay sa aking sinabi, baka papayag na s'ya sa'king hiling na tumigil muna ako sa'king pag-aaral.
Nakita ko kasi ang aming sitwasyon ngayon na naghihirap, lalo na si Itay palagi nalang nasa sakahan walang tigil kakatamin ng gulay at kung ano-ano pa para lang marami s'yang maani.
Umaga s'ya umaalis ng bahay at alas 5:00 na ng hapon kung maka-umuwi, nakikita ko rin nahihirapan na si Itay sa pagtatrabaho sa sakahan namin, kaya sa ayaw at sa gusto ni Nanay titigil ako sa'king pag- aral.

Paulit-ulit na katok ang narinig ko sa aming pintuan kaya mabilis ko itong tinungo at binuksan.

Pagkabukas ko ng pinto, "Hi Alledel... my bestfriendbestfriend, long time no see!" masayang sabi ng taong nasa harapan ko at yumakap sa'kin ng mahigpit.

S'ya ang matalik kong kaibigan na si Hannah Mante, magkapareho lang ang edad naming dalawa 19 years old.

Sa Manila s'ya nanirahan ngayon dahil nando'n ang mama at kuya n'ya nakatira, ang ate raw n'ya nakapangasawa ng mayaman kaya binilhan sila ng malaking bahay roon sa Manila para roon na rin manirahan.

Niyakap ko s'ya ng mahigpit dahil namiss ko rin talaga s'ya ng sobra dahil halos tatlong buwan din kaming hindi nagkita.

"Kailan ka dumating best friend?" tanong ko rito.

"Kanina lang best friend," bilang sagot niya.

Hinila ko s'ya papunta sa sofa namin para maupo at makapag kwentohan nadin kami.

"Bestfriend... pupunta pala ako nang Manila para maghanap nang trabaho," panimula ko. "Naawa na kasi ako sa Itay at Inay ko sa pagtatrabaho, kaya napagpasyahan kong tumigil muna sa aking pag-aaral upang matulongan ko sila sa mga gastusin namin."

"Ay, bestfriend! sure kana ba riyan? Hindi ka ba magsisi? Isang taon na lang ga-graduate kana, p'wede naman kitang pahiramin muna ng pera para may pang gastos ka sa pag-aaral mo at para hindi mo na rin kailagan pang tumigil." saad ng kaibigan kong si Hannah.

"Huwag na bestfriend, nakakahiya naman sa'yo buo na ang pasya ko bestfriend, titigil muna ako sa'king pag-aaral gusto ko rin talagang matulungan ang magulang ko at para makapag-ipon na rin para pag pumasok ako ng kolehiyo ay hindi ko na kailangan pang manghingi pa ng pera kila Itay at Inay."

"Kung 'yan ang pasya mo bestfriend, ikaw ang bahala basta narito lang ako palagi para sa'yo pag kailagan mo ng tulong ko." sagot ng kaibigan kong si Hannah at ngumiti sa'kin.

Napakabait talaga ng best friend kong si Hannah.

"Sa sunod na araw pala ang luwas ko nang Manila, best friend. Baka gusto mong sumabay sa'kin para hindi kana gagastos ng pamasahe mo at puwede rin sa'min ka muna tumira, malaki naman ang bahay namin at mayro'ng apat na kwarto ang bahay na nabili ni ate."

Bigla nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa sinabi n'yang puwede akong tumuloy sa kanila kaya hindi ko na poproblemahin ang tutuluyan ko sa Manila at makakatipid din ako ng pamasahe pag sumabay ako sa kanya. Napangiti ako bigla dahil sa kanyang sinabi, tama naman hindi na ako gagastos ng pamasahe pag sumabay ako sa kanya papuntang Manila dahil may dala naman s'yang sasakyan. Nakita kong nakaparada sa labas ng bahay namin, hindi ko nga lang alam kung anong model kasi hindi naman ako marunong tumingin ng sasakyan, basta maganda 'to.

"Magpaalam muna ako kila Itay at Inay bestfriend, pag dating nila mamaya," bilang tugon ko.

Pagkatapos namin makapag-usap ni Hannah ay agad din s'yang nagpaalam sa'kin at may pupuntahan daw s'yang importante, hindi ko na tinanong kung ano 'yon. Nahihirapan man akong iwanan sila Itay at Inay rito sa probinsya pero kung 'to lang ang tanging paraan para makatulong ako sa kanila ay handa akong magsakripisyo, at isa pa minsan na rin naman akong napalayo sa kanila no'ng kinuha ako ni Auntie Melen na kapatid ni Itay na nasa Manila nanirahan para magbantay sa anak n'yang babaeng tatlong taon gulang habang pumapasok s'ya sa kanyang trabaho.

Nanghihinayang man akong tumigil sa aking pag-aaral dahil isang taon na lang sana ang kailangan makatapos na ako ng kolehiyo, pero nakikita ko ang sitwasyon namin. Nahihirapan akong makita ang magulang kong naghihirap magtrabaho, hindi ko man gustong tumigil ay wala akong magagawa mahirap lamang kami hindi kami mayamaman isang kahig isang tuka kumbaga hindi kagaya ng ibang kapitbahay namin dito sa Palo Leyte na may kaya sa buhay. Si Itay ay isang magsasaka lamang ang kanyang trabaho si Inay naman ay naglalabada lang sa kapitbahay namin pero hindi ko sila ikinahiya at proud pa akong sila ang naging magulang ko, dahil sa kabila ng aming kahirapan ay pinag-aral nila ako sa isang private school. Pero ngayon darating na pasukan ay ayoko munang mag-aral naisipan kong maghanap muna ng trabaho sa Manila kahit anong klaseng trabaho basta marangal ay papasukin ko.

Ang pinsan kong si Marie na pamangkin ni Itay ay nagtatrabaho sa isang High-End Bar dito sa lugar namin bilang isang waitress, at gusto n'ya akong ipasok sa kanyang trabaho
dahil nangangailangan daw sila ng waitress dahil ang iba sa kanila ay umalis na sa trabaho, ayoko naman ng gano'n trabaho dahil hindi naman ako sanay magsuot ng mga sexing damit sa publikong lugar, lalo pa sa nakikita ko sa kanya ay laging labas ang pusod na damit at maiksing shorts lagi ang kanyang suot na kaunting yuko lang may makitaan na. Maganda si Marie at pareho kaming dalawa maputi ang balat hindi halata sa hitsura namin na mahirap lamang kami.

Sa edad kong disinuwebe ay marami na akong napagdaanan sa buhay, hindi ko nga naranasan ang maglaro kasama ang mga bata sa labas ng aming bahay nang ako'y maliit pa, dahil lagi kong tinutulungan si Inay sa gawaing bahay at pag naglabada rin s'ya ay tinutulungan ko rin s'ya pag nataon na wala akong pasok sa school.

Maputi ako, 5'4 ang height ko, matangos ang ilong, at natural na sa'kin mapula ang labi at mahaba rin ang aking buhok hanggang bewang at tuwid. At ang sabi ng iba sa'kin ay papasa raw ako bilang modelo dahil maganda rin ang hubog ng aking katawan marami ang nagsasabi sa'kin. Sa totoo lang ay marami ang nangliligaw sa'kin dito sa lugar namin pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin dahil isa lang naman ang taong nandito sa puso ko hanggang ngayon 'yon ay si... Vincent Montero.

After 4 years makakabalik na rin ako ng Manila. Matagal-tagal na rin ang panahong iniwan ko ang lugar na 'yon. Naalala ko tuloy ang taong minsan ko ng iniwanan apat na taon ng nakalipas, na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya, basta nalang ako umalis na walang pasabi. At simula nang umuwi ako rito sa'min ay wala na akong kontak sa kanya, naalala n'ya pa kaya ako?
Kumusta na rin kaya s'ya ngayon?

Still Loving You [Completed]Where stories live. Discover now