4. Met Again

777 41 2
                                    

Chapter 4

Nagsimula na akong maghanap ng trabaho.
Marami na akong napuntahang lugar para mag-apply ng trabaho pero halos lahat sila ay walang bakante.
Pumasok ako sa 7/11 para bumili ng makakain at nagpahinga muna dahil napagod ako sa kalalakad.
Narinig ko ang katabi kong nakaupo sa upuan na hiring daw ang 'Montero Corporation' yata 'yong narinig ko. Isang malaking gusali raw ito at hindi gaano kalayo sa kinaroroonan namin ngayon.

Kaya agad akong umalis at pumunta roon, hindi ko na sila tinanong pa dahil parang ang suplada nila dahil hindi man lang nila ako pinapansin nang sinubukan ko silang kausapin.

Nasa harap na ako ng mataas at napakalaking building na ibig sabihin nang mga katabi ko sa upuan do'n sa 7/11 kanina na nagkwentohan.
Agad akong nagtungo sa pintuan at nagtanong sa guwardya, pagkatapos kong magtanong ay pinapasok na ako ng guwardya sa loob.
Sa una hindi pa ako kumportableng pumasok dahil sa sobrang ganda ng loob na ngayon lang ako nakapasok sa napakaganda at malaking gusali. Kahit sa sahig ay hindi pa rin ako kumportableng apakan dahil sa kintab nito.
Pumunta agad ako sa recieptionist para itanong kung anong bakante posisyon para makapag-apply ako. Sinamahan n'ya ako kung sa'n puwede mag-submit ng resume at sinabihan akong titingnan muna ng boss nila ang resumes ng mga nag-apply bago ang interview.

Pagkatapos no'n ay tumingin muna ako sa paligid, hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kulay ng sahig na parang ginto at malalaking chandelier na nasa taas nakasabit at magaganda ang mga disenyo nito.
Malalaki ang mga sofa sa waiting area at maganda rin ito at sobrang lambot tingnan mukhang masarap matulog dito.

Hindi ko namalayan na may nabunggo na pala akong isang tao dahil sa aking katangahan. Halata talagang ako ay isang probinsyana dahil naaliw ako sa aking mga nakikita sa paligid at hindi ko na natingnan ang aking dinaraanan.

Agad kong tiningnan ang taong nabunggo ko, kung tutuosin ako nga ang nasaktan dahil nauntog lang naman ang noo ko sa matigas n'yang dibdib, pero bakit s'ya pa ito ang naririnig kong nagsalita at mukha pang galit?

Pag-angat ko ng aking ulo dahil sa tangkad nito hindi ko makita ang kanyang mukha dahil halos hanggang dibdib n'ya lang naman ako dahil sa sobrang tangkad nito.
Nagulat ako sa aking nakita at hindi makapaniwala.

Ang hindi ko inaasahan ay ang lalaking iniwan ko 4 years ago ang nasa aking harapan ngayon at salubong ang kilay na nakatingin sa'kin at nakakunot ang noo.

Tinitigan ko lang siya, hindi ako makagalaw bigla dahil sa pangyayari ang g'wapo niya ngayon, at halos hindi ko s'ya makilala, ibang-iba na ang hitsura niya ngayon kumpara dati mas lalo yata s'yang gumwapo sa paningin ko.
Nakatingin lang siya sa akin na parang walang nangyari at hindi man lang nagbago expression ng kanyang mukha.

Hindi man lang siya ngumiti sa'kin habang ako naman ay hindi maalis ang ngiti sa aking labi dahil nakita ko s'yang muli. Miss na miss ko na si'ya at gusto ko sana s'yang yakapin pero nahiya ako. Hanggang ngayon narito pa rin s'ya sa puso ko kung hindi lang dahil sa babaeng kumausap sa'kin ay hindi sana kami magkakalayong dalawa.

"Can you next look where you're going, and don't be fooled!" he proved said rudely to me. "Dont bring your stupidity here in Manila!" he added.

Hindi ako makapagsalita sa narinig ko mula sa bibig nya.
Napayuko na lang ako at nahiya dahil sa nangyari, "Ang tanga mo kasi Alledel!" bulong ko.

Hindi n'ya ba ako kilala o kinalimutan na n'ya ako? Sabagay sino ba naman ako? Isa lang akong hamak na probinsyanang babae na walang maipagmamalaki.

Mabilis akong umalis sa harapan n'ya dahil nasaktan ako sa sinabi n'yang 'yon sa akin.
Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nangyari at pag-iinsulto n'ya sa'kin. Bakit ba nya ako pinagsalitaan ng gano'n?

Kung tutuosin ako nga ang nasaktan at hindi s'ya! Noo ko nga ang masakit. Sabay haplos sa aking noo dahil nabunggo sa matigas n'yang dibdib at kung makapagsalita s'ya sa'kin ng tatanga-tanga! Naintindihan ko 'yon
ah kahit english pa 'yon.
Hindi na s'ya si Vincent na kilala at minahal ko no'n.

Nagbago na s'ya, ang alam ko sa kanya ay napakabait n'ya. Bakit ngayon mukhang nagbago yata o pakitang tao lang yong ugaling pinakita nya no'n sa'kin? Napailing na lang ako sa aking mga naiisip.

Nasaktan pa naman ako no'ng walang paalam na iwanan s'ya pero mukhang tama lang ang ginawa ko kasi baka kung tumagal kami ay gano'n na ugali ang makikita ko sa kanya at baka kung hindi rin ako umalis baka ako rin ang masaktan ng husto dahil nga nagbago na s'ya.

Kaya kailangan ko s'yang kalimutan at pagtuunan na lang ng pansin ngayon ang paghahanap ng trabaho para makatulong ako sa'king magulang.

Nagtitipid ako ng pera para magkaro'n pa ako ng sapat na pangastos hanggang sa makahanap ako ng trabaho.

Hindi na ako nagpunta sa Cavite pa kung sa'n ang auntie ko nakatira at tinirahan ko apat taon na nakalipas, ang balita kasi namin ito ay may boyfriend na at sa bahay n'ya pa ito tumuloy.

***
Nagising ako kinaumagahan dahil sa tunog ng selpon ko parang may tumatawag.

Kaya kinuha ko kaagad ang ang aking selpon na nakalagay sa maliit na lamesa katabi ng lampshade, sinagot ko agad.

"Hello. Sino po sila?" pagtatanong ko rito.

"I'm James Britanico from Montero's Corporation," sagot sa kabilang linya.

"Hi. Is this Alledel Marquez?" tanong sa kabilang linya.

"Yes, sir..." bilang tugon.

"Hi, Ms. Marquez, boss says that you can start tomorrow at work."

"Pero sir, wala pa po akong interview?!" sagot ko.

"Boss has already looked at your resume and it looks like you passed, he said it's ok, so I'm calling you to let you know, 7:00 am come tomorrow and don't be late." Sir Britanico said goodbye before dropping the call.

Sigurado ba talaga silang hindi ko na kailangan pang magpa-interview? O hindi nila ako iinterviewhin? Gano'n ba talaga pag mag-apply ng trabaho ngayon? Hindi na kailangan ng interview at titingnan lang ang resume ng maging boss mo? Malalaman ko 'to bukas.

Pero masaya ako dahil sa wakas magkakatrabaho na ako at hindi ako nahirapan maghanap dito sa Manila, at makapagpadala rin agad ako ng pera sa magulang ko sa Leyte. Pagnakaipon ako ay uuwi rin agad ako sa'min para makasama ko ang aking Inay at Itay. Kaya sana lang maganda magpasahod ang kumpanyang Montero Corporation.

Still Loving You [Completed]Where stories live. Discover now