Chapter 16
Nakapagbihis na ako para pumasok sa office, wala akong masyadong tulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Hinatid rin ako ni Clyde pauwi pagkatapos nang nanyari do'n sa overlooking ng Antipolo. Kailangan kong pumasok ngayon dahil kailangan kong magpadala ng pera sa probinsya kila Tatay at Nanay magsasahod na ako sa susunod na araw kaya dapat madagdagan ang maipadala ko. Bumaba na ako ng hagdan at naglakad palabas ng gate, tumawag pa sa'kin si Clyde at ang sabi ihahatid n'ya ako sa Montero Corp. pero agad ko s'yang tinanggihan dahil baka makita na naman kami ni Vincent at masaktan na naman si Clyde ng dahil sa'kin.
Agad akong naglakad papunta sa gate ng subdivision para makapagpara ng taxi, pagkadating ko sa gate ng subdivision ay mayro'n taxi nakapila kaya agad akong sumakay at sinabi sa driver sa Montero Corp. ako, agad pinatakbo ng mamang driver ang taxi at halos 30 minutes ay nakarating na ako at narito na ako sa labas ng Montero Corp. nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o uuwi na lang. Pero sa huli ay napagpasyahan kong pumasok na sa loob.
Mga nakasalubong kong empleyado rito sa loob ng Montero Corp. ay parang mga nataranta, hindi ko alam bakit gano'n sila kung kumilos, kaya lumapit ako sa recieptionist na si Ms. Janine.
"Ms. Janine, anong mayro'n bakit gano'n kumilos ang mga nagtatrabaho rito sa Montero Corp.?" pagtatanong ko rito.
"Ms. Marquez... ang boss natin kakagaling lang rito sa baba kani-kanina lang at lahat ng narito ay pinagalitan n'ya, ayaw n'ya raw ang tatamad-tamad at dapat pag oras ng trabaho ay mag trabaho ng maayos ang ayaw raw sumunod ay p'wede ng mag-resign sa trabaho." mahabang paliwanag ni Ms. Janine sa'kin.
"Ms. Marquez, mabuti at natatagalan mo ang boss natin? Mag 4 months kana rito, parang ikaw lang ang nakatagal na maging secretary n'ya," tanong ni Ms. Janine sa'kin.
"Mabait naman Ms. Janine, si Mr. Montero," sagot ko at ngumiti sa kanya. Napataas pa ang kanyang kilay dahil sa'king sinabi at nagpaalam na akong umakyat sa itaas baka hinahanap na ako, hindi naman ako late exact 7:00am ay narito na ako pero dapat gano'n oras ay nasa table na ako, patay! mas nauna pa si Vincent kesa sa'kin baka pagalitan na naman ako. Agad kong tinungo ang elevator sumakay at pinindot ang 4 at 0 halos 10-15 minutes ay nakarating na ako rito sa 40th floor. Agad akong naglakad patungo sa office ko at nilapag ko ang aking handbag sa itaas ng table at umupo ako sa upuan.
Kakatokin ko ba si Vincent? Nag dalawang isip pa ako pero kinalaunan ay napagdesisyonan kong katokin ito kaya agad akong tumayo at nagtungo s pintoan n'ya.
Dalawang katok ang aking ginawa, pero walang nagsalita sa loob.
Tatlong katok na ang aking ginawa bago may nagsalita.
"Come in!" sagot sa bareto nitong tinig na nasa loob.
Agad kong inayos ang aking sarili at ang aking mahabang buhok nilagay ko lahat sa likuran ko dahil nakalugay lang 'to. Pinihit ko ang door knob at saka pumasok sa loob, nakatutok lang ang mga mata n'ya sa kanyang laptop na nasa itaas ng kanyang table at hindi ako tinaponan ng tingin.
"Good morning sir!" pagbati ko sa kanya. Agad naman s'yang nag-angat ng mukha para tumingin sa'kin. Pero wala akong nakita na kahit anong emosyon sa mukha n'ya. 'Yong mga tingin n'ya sa'kin hindi ko mabasa.
"I mentioned that I don't want to see you anymore, but forget that. You are here at my company to work and I am not that cruel to deny you and just do your job properly so that we don't have any problems. All right! You can go out," sabi sa'kin ni Vincent kaya agad rin akong lumabas sa office n'ya.
Pagkalabas ko ng office ni Vincent ay umupo na ako sa'king upuan at agad inayos ko ang schedules ng mga meetings n'ya. Pero naisip ko rin ang sinabi n'ya sa'kin kanina, bakit pakiramdam ko parang wala na s'yang natitirang pagmamahal para sa'kin. Nasasaktan akong iisipin 'yon.
Tumunog ang telephone narito sa table ko kaya agad ko 'tong sinagot.
"Hello good morning, this is Alledel Marquez of Montero Corporation. How may I help you?"
"Are you Vincent's new secretary? Is he in his office?" tanong sa'kin kaya agad ko 'tong sinagot.
"Yes ma'am, Mr. Montero is here, may i know who is this?" pagtatanong ko sa kanya pero binabaan na ako.
Sino kaya 'yon? Bakit Vincent lang ang tawag n'ya kay Vincent?
Habang inayos ko ang files sa laptop na narito sa taas ng lamesa ko ay agad akong napatingin sa babaeng naglakad palapit sa'kin, ang iksi ng kanyang suot at halos lumuwa pa ang dibdib dahil sa baba ng neckline pero ang sexy nito at maputi pa kaya halatang mayaman. Pero siguro mas maganda pa ako nito pag nag-ayos lang ako.
"I was the one who called earlier and asked if Vincent was here," sabi nito sa maarting boses.
"Do you have an appointment ma'am with Mr. Montero?" pagtatanong ko sa kanya.
"I don't need appointments, I'm your boss's girlfriend so learn to be respectful," sambit n'ya na ikinatigil ko at naglakad na s'ya patungo sa pintuan ni Vincent at agad pumasok ng hindi man lang kumatok.
Tama ba 'yong narinig ko? Girlfriend s'ya ni Vincent? Ang puso ko biglang kumirot, at napaluha na ako dahil sa sa'kit nito. Parang hindi ako handa sa'king narinig na may girlfriend pala s'ya. Pa'no n'ya nasabi na mahal n'ya ako kung mayro'n pala s'yang girlfriend? Ibig bang sabihin niloloko n'ya lang ako simula pa lang?
Totoo nga siguro ang sinabi sa'kin ni Hannah na narinig n'ya mismo sa bibig ni Kuya James nanggaling na maraming babaeng nali-link kay Vincent. Kasi ang babaeng kakapasok lang sa loob ng office n'ya ngayon ay hindi 'yon ang babaeng nakita kong lumabas sa office n'ya nakaraang araw.
May nag-email isa sa mga investors ang sabi hindi matuloy ang gagawing pagkikita para mamayang tanghali at i-move na lang ang schedule sa isang araw, kailangan kong sabihin ng maaga kay Vincent para hindi s'ya mag-expect kasi ang alam n'ya ay matutuloy 'mamaya.
Ang Montero Corporation ay isa sa pinakamalaking companya rito sa Pilipinas na nagsusuply ng mga dekalidad na appliances sa'n man sulok ng mundo at may ibang branch rin 'to sa iba't-ibang bansa, kaya maraming milyonaryo ang gustong mag-invest dito dahil nakikita nilang dekalidad ang mga produkto rito at hindi basta-basta lang. At dahil kilala rin si Vincent bilang isang business tycoon at isa sa pinakabatang bilyonaryo kaya mas dumarami ang gustong mag-invest.
Agad akong tumayo sa inupuan ko at naglakad patungong pintoan ni Vincent, pero 'yong paa ko parang hindi ko maihakbang.
Dalawang katok sa pintoan ng office niya ang ginawa ko.
"Come in!" sagot ni Vincent. Kaya agad kong pinihit ang door knob n'ya at dahan-dahan pumasok sa loob, medyo nakatungo ako dahil ayokong makita kung ano man ang kanilang ginagawa.
"What do you need?" tanong ni Vincent kaya inangat ko ang aking mukha para makita ko s'ya, pero hindi ako nakasagot sa kanya dahil sa'king nakita. Ang babaeng kakapasok lang rito sa loob ng office n'ya ay nakaupo sa kandungan n'ya at hinalik-halikan s'ya sa leeg, hindi ako makakilos dahil nanigas ang katawan ko dahil sa'king nakita.
"Ms. Marquez! I'm asking you!" salita muli ni VincentVincent na nagpabalik sa'king katinoan.
"Ahm... sir... one of the investors emailed that the meeting could not go ahead later... they said it would be moved to the next day..." sagot ko sa kanya ng nanginginig ang mga tuhod ko.
"Ok." Tipid n'yang sagot.
"Can you go out now, what are you waiting for?" salitang muli ni Vincent na walang bakas na kahit anong emosyon ang mukha, kaya agad akong kumilos at naglakad patungong pintuan at lumabas. Pagkalabas ko napasandal ako sa pintuan n'ya at dahan-dahang napaupo sa sahig, bigla akong nawalan ng lakas.
Akala ko ba mahal n'ya ako? Sana hindi na lang n'ya sinabi sa'kin para hindi na sana ako umasa pa! Humagulhol na ako ng iyak pero tinakpan ko ang aking bibig ng dalawang kong kamay para hindi lumabas ang ingay nito. Agad akong nagtungo sa ladies room rito sa 40th floor para ayosin ang aking sarili, ayokong makita n'ya akong ganito.
Kung ayaw mo sa'kin Vincent! Hindi ko ipipilit sa'yo ang sarili ko sa'yo! Nakayanan ko ngang lumayo sa'yo noon sa edad kong 15. Ngayon pa ba na 19 na ako?! Kakalimutan na kita, mag focus ako sa trabaho 'yon lang ang dapat kong i-priority sa ngayon.
Pagkatapos kong ayosin ang sarili ko rito sa loob ng ladies room at naglakad palabas para bumalik sa office ko naro'n sa labas ng office ni Vincent.
YOU ARE READING
Still Loving You [Completed]
RomanceThis is my first story, so bear with me guys! [Warning: Grammatical errors and typo's ahead. Plagiarism is a crime.] *TAGLISH STORY* ____________________________________________________________________________ There is a girl named Alledel Marquez...