14. Other Girl

600 24 0
                                    

Maaga akong papasok sa office ngayon, dahil day-off ko kahapon ay narito lang ako sa bahay maghapon nanuod ng movies kasama si Hannah. Nagpunta rin si Clyde niyaya akong maging date sa gagawing event sa company nila, dahil nagkataon naman day-off ko at kinabukasan after ng party ay magpaalam na lang ako kay Vincent na hindi ako makapasok. Pumayag na ako dahil kinukulit rin ako ni Clyde at hindi ako tinigilan hanggang sa pumayag ako at hindi ko rin s'ya matanggihan dahil napakabuti n'ya sa'kin.

Dali-dali akong naligo at nagbihis narin, medyo excited akong pumasok dahil no'ng pumasok ako nakaraan ay narinig ko na naman ang salitang, I love you, galing mismo sa labi ni Vincent, pinipigilan ko ang aking sariling wag kiligin pero 'tong puso ko hindi talaga mapigilan.

Ihahatid na naman ako ni Clyde, pero ang sabi n'ya sa'kin, malapit lang daw ang office n'ya ro'n sa Montero Corp. kaya idaan n'ya lang daw ako para hindi na ako mag commute. Pabor rin naman sa'kin 'yon pero nahihiya na ako ng sobra kay Clyde dahil halos 2 months na ako sa Montero Corp. ay hatid at sundo n'ya ako, minsan nakikita pa kami ni Vincent pero wala naman kaming ginagawang masama ni Clyde kaya balewala sa'kin 'yon.

Tiningnan ko na ang aking aking sarili sa salamin at satisfied na ako sa'king hitsura, maputi ang aking balat at  ang pisngi ko ay pag ako'y naarawan ay namumula akala pa nga ng iba'y nilalagyan ko ng blush-on pero bihira lang ako maglagay ng gano'n pag kailangan lang talaga.

Kaya lumabas na ako sa'king kwarto at naglakad pababa ng hagdan, maaga pa 6:00 am pa lang kaya malamang tulog pa si tita at Hannah, si Kuya James kasi ay may sariling itong condo kaya minsan hindi s'ya umuuwi rito. Isang Engineer si Kuya James ang balita ko isa raw s'ya sa magagaling na Engineer rito sa Pilipinas at kilala rin s'ya sa ibang bansa, nagulat ako sa'king nalaman na gano'n pala s'ya kakilala kaya hindi rin ako nagulat kung kaibigan n'ya ay mga kilalang tao rin.
Si Hannah kasi sobrang simple lang kaya hindi halatang ang kuya pala n'ya ay isang sikat na Engineer at pati sa ibang bansa ay kilala rin.

"Good morning ma'am, Alledel..." pagbati sa'kin isa sa kasama namin dito sa bahay na narito sa sala naglilinis.

"Good morning Ate Rain..." pagbati ko ring sagot.

"Ate Rain, huwag n'yo na po akong tawaging ma'am... sinabi ko naman po sainyo dati na Alledel na lang po, hindi po ako sanay eh," wika ko.

"Ay! sorry Alledel, medyo sanay lang akong tawagin ma'am at sir ang mga bisitang naririto," sambit ni Ate Rain at ngumiti. Maganda si Ate Rain maputi rin ang kanyang balat at sexy, at napakatangos pa ng Kenyan ilong hindi mo akalaing kasambahay s'ya, minsan pang nahuhuli kong nakatitig si Kuya James sa kanya, at siguro nasa 25 taong gulang na s'ya.

"Alis na ako, Ate Rain," paalam ko rito.

Naglakad na ako palabas ng gate. At narito na si Clyde nakasandal sa tagiliran ng kanyang kotse at nakaharap sa'kin. Agad naman s'yang ngumiti pagkakita sa'kin, sobrang g'wapo n'ya talaga siguro kung hindi ko unang  nakilala at minahal si Vincent ay tiyak mahuhulog ang loob ko sa kanya.

"Good morning, Alledel..." pagbati sa'kin ni Clyde ng nakangiti.

"Good morning Clyde..." sagot ko rito at ngumiti rin sa kanya.

Narito na kami ni Clyde sa loob ng kanyang kotse at patungo na sa Montero Corp. ang bango-bango ng kotse n'ya at ang ganda pa mukhang automatic kasi may pinipindot lang s'ya kusa ng bumubukas ang bubong
nitong kotse n'ya. At medyo pamilyar ko ang pabangong ginamit n'ya pero hindi ko lang masyadong matandaan kung sa'n ko naamoy 'yon.

Kahit nagtapat si Clyde sa'kin na gusto n'ya ako ay hindi nagbago ang pakitungo n'ya sa'kin at hindi rin nagbago ang pakitungo ko sa kanya, lalo pa kaming naging malapit sa isat-isa. Malapit na kami sa Montero Corp. nakatigil lang kami kasi naka-red ang traffic light, at nang mag kulay green na ay pinaandar din agad ni Clyde kaya narito na kami sa labas ng Montero Corp.

Still Loving You [Completed]Where stories live. Discover now