15. Hurt

564 23 0
                                    

"Clyde, sigurado ka bang ok lang sa'yo na samahan mo ako rito? At huwag mo na akong titigan d'yan, baka matunaw ako," saway ko kay Clyde na kanina pa nakatitig sa mukha ko.

Narito na naman kami sa over looking ng Antipolo, nag text na lang ako sa best friend kong si Hannah na late akong makauwi at wag na mag-alala dahil kasama ko naman si Clyde. Pero ang loka sinabihan pa akong enjoy.

"Alledel, don't think about the person who doesn't care about you. I'm always here by your side. Why not just me again?" saad ni Clyde ng nakaharap sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Ano ang ibig mong sabihin Clyde?" tanong ko rito.

"I know you and Vincent had a relationship." bahagyang nagulat pa ako, dahil alam kong hindi ko nabanggit sa kanya ang tungkol sa'min ni Vincent dati, hindi kaya  sinabi ni Vincent o ni Kuya James sa kanya ang nakaraan namin dalawa? Dahil nang nagpunta sa bahay si Vincent ay naik'wento n'ya kay Kuya James ang nakaraan naming dalawa na matagal na kaming magkakilala. O baka naman masyadong obvious ang kilos ko do'n sa office kanina?

"Oo Clyde, nagkaroon nga kami ng relasyon ni Vincent pero mukhang hindi naman s'ya seryoso sa'kin," sagot ko rito.

"I can see in your eyes that you love my cousin. But I'm just here for you until you tell me to stay away from you. I'm just here even if I'm not the one in your heart," sabi sa'kin ni Clyde habang ang mga mata n'ya ay malungkot na nakatingin sa'kin at bahagya pang pumula.

"Sorry Clyde, siguro kung sa ibang pagkakataon tayong nagkakilala hindi malabong mahalin kita, dahil halos lahat na ng hinahanap ng babae ay nasa'yo na, sobra-sobra pa nga," sagot ko sa kanya habang pinipigilan kong tumulo ang luha sa'king mga mata.

"Pero kung nahihirapan kana Clyde dahil sa'kin, p'wede mo akong layuan, huwag kang mag-alala dahil hindi ako magtatampo sa'yo, wala naman akong karapatang maramdaman 'yon," dagdag ko pa.

"I'm having a hard time, but I can bear it as long as I see you Alledel. I like you that much. I've been waiting for you in a long time," sagot ni Clyde, makikita talaga sa mga mata n'yang nagsasabi s'ya ng katotohanan. Dahil para s'yang naiiyak na pinigilan lamang n'ya. Nagulohan man ako sa kanyang sinabi ay hindi ko na lamang pinapansin pa.

"Clyde, hindi ako maganda at hindi rin ako mayaman at lalong hindi tayo bagay na dalawa. Ayokong mangyari ulit ang nangyari sa'min ni Vincent noon dahil hindi magkapareho ang estado namin sa buhay ay kailangan ko pa s'yang iwanan nang walang paalam, dahil ayoko rin naman hindi n'ya matupad ang pinangarap ng magulang n'ya para sa kanya ng dahil lang sa'kin." mahabang paliwanag ko sa kanya. Patuloy parin nakatingin si Clyde sa'kin habang malungkot parin ang kanyang mga mata.
At nakita kong nabigla s'ya sa'king sinabi.

"But you are the most beautiful woman in my eyes. I'm ready to fight you with anyone, Alledel, as long as I can be with you, even the people around me, I'm ready to fight you with them if you choose me," sagot sa'kin ni Clyde na medyo ikinatuwa ko, sana ganyan din si Vincent na kaya akong ipaglaban huwag lang puro sakit ang iparamdam n'ya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

"Halika nga!" tawag ko sa kanya dahil tumayo s'ya habang nakatanaw sa malawak na tanawin rito sa harapan namin.

"Payakap nga ako... ikaw kasi pinapaiyak mo ako, alam mo naman mahalaga ka sa'kin pero ayaw rin kitang saktan Clyde, kaya nahihirapan ako," sagot ko sa kanya.

"That's why you don't want me to explain to you, Alledel. Is it because of him? When have you two fooled me?"

May bilang nagsalita sa likuran namin kaya agad kaming napalingon dalawa ni Clyde, si Vincent ang naro'n at masama ang tingin sa'min dalawa ni Clyde. Tatayo pa lang sana kami dalawa ni Clyde pero nasa harapan kaagad namin si Vincent na nanglilisik ang mga mata. Kaagad n'yang kwenelyohan si Clyde at sinuntok sa mukha, sinundan n'ya pa ng isa pang malakas na suntok dahilan para matumba si  Clyde.

"Vincent..." pag sigaw ko sa kanya at inalalayan tumayo si Clyde.

"Bakit mo sinuntok si Clyde? Nahihibang kana ba?!" pagtatanong ko sa kanya na galit na galit ang tuno ng boses.

"Ano bang ginawa mo rito? Walang ginagawa sa'yo 'yong tao. Bakit nanununtok ka na lang bigla? Ganyan ka na ba ngayon? Mukhang hindi na nga kita kilala pa," sunod-sunod kong sabi sa kanya.

"Clyde... ok ka lang ba?" pagtatanong ko kay Clyde na nag-aalala, putok ang labi n'ya dahil sa pagsuntok ni Vincent sa kanya.

"I'm ok, Alledel, don't worry about me. I can bear this pain better than you being far from me," sagot sa'kin ni Clyde na ikinabigla ko.

Bakit gano'n ang sinabi n'ya. Pero wala na akong balak magtanong dahil sa aming sitwasyon.

"I'm not wrong, you two have a relationship. Did you just come back Alledel just to hurt me again? I hope you never showed up," sambit ni Vincent na ikinatigil ko.

"I don't want to see you again, I regret that I told you that 'I love you.' There are many women out there who are more than you. I can replace you with any number of women I want," dagdag pa n'ya kaya halos mawalan ako ng lakas dahil sa kanyang sinabi at agad naman nakahawak ang isang braso ni Clyde sa bewang ko.

" F*ck you! Vincent, just go away, you're talking too much! I might forget you're my cousin," sigaw ni Clyde kay Vincent at akmang susugorin si Vincent pero pinigilan ko s'ya.

Nakita ko si Vincent ng may nakakalokong ngiti sa labi at biglang sumakay sa kanyang sasakyan at pinatakbo ng mabilis.

"I'm sorry Clyde." 

"So... sorry Clyde, lagi ka na lang nasusuntok ni Vincent ng dahil sa'kin. Siguro Clyde kailangan mo nang lumayo sa'kin para hindi ka nasasaktan pa," saad ko habang wala parin tigil sa pag-iyak.

"Ssshh... like I said, it hurts more when you stay away from me, so just stay by my side, Alledel," sabi ni Clyde sa'kin at hinila n'ya ang kamay ko para mapalapit ako sa kanya at niyakap n'ya ako ng mahigpit.

Pa'no kayang nalaman ni Vincent na narito ako ngayon sa overlooking?

Still Loving You [Completed]Where stories live. Discover now