Chapter 24
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Vincent sa rest house n'ya inihatid n'ya rin ako agad kung sa'n n'ya ako unang nakita, gusto n'ya sanang ihatid ako mismo sa room namin ni Clyde dahil medyo madilim na ang paligid pero agad kong tinanggihan dahil baka makita kami ni Clyde at ano pa ang isipin n'ya.
Naglakad na ako patungo sa room namin ni Clyde, kung sa'n ko s'ya iniwan kanina, gusto kong magsorry dahil sa pag-iwan ko sa kanya nabigla lang ako dahil unang pagkakaton ko pa lang s'yang nakita na gano'n.
Pagpasok ko sa loob ay wala s'ya rito sa sala kaya nagtungo ako sa kusina wala rin s'ya, kaya tinungo ko ang banyo lalong namang wala s'ya rito.
Sa'n kaya s'ya nagpunta?Nagpalit na ako ng two piece swimsuit na binili sa'kin ni Clyde, ang napili ko ay ang kulay puti dahil bukod sa moose green ay isa rin 'to sa favorite kong kulay.
Pinatongan ko lang ito ng isang see through na dress na kulay itim hanggang hita ko ang haba at medyo mahaba ang neckline, at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, lalo yatang nagkaroon ng shape ang katawan ko at ngayon ko lang napansin malaki pala ang pang-upo ko, pinusod ko ang mahaba kong buhok ng medyo magulo at napagpasyhan ko ng lumabas para hanapin si Clyde.
Pagkalabas ko sa rest house ni Clyde ay agad akong pinagtinginan ng mga tao, nahihiya naman ako sa klase ng tingin nila sa'kin pero taas-noo parin akong naglakad, naririnig ko pa ang ibang sumisipol pero hindi ko lamang 'yon pinansin pa. Nagtungo ako sa cottage na pinuntahan namin ni Clyde kanina magbakasakaling nado'n s'ya, pero malayo pa lang natanaw ko na si Clyde at si Abby, magkasama silang dalawa at mukhang tuwang-tuwa pa si Abby nakakapit sa braso ni Clyde, at si Clyde naman hindi man lang inalis ang kamay ni Abby nakahawak sa kanya, mukhang gusto rin naman n'ya.
Nang umalis ako, hindi man lang n'ya ako naisipang hanapin, nakipaglandian pa s'ya dito sa gilid ng dagat kasama ang Abby na 'yon.
Bigla s'yang napalingon sa gawi ko at inalis ang kamay ni Abby nakahawak sa braso n'ya at naglakad ng mabilis patungo sa'kin.
"Sweetheart... where have you been?" pagtatanong n'ya sa'kin pero hindi ko man lang nakitaan ng pag-alala ang mukha.
"Sa tabi-tabi lang," sagot ko sa kanya na walang ka gana-gana.
"My cousin is here, my resort is next to his and I invited him to join us for dinner. Don't worry his girlfriend is also with him," sabi ni Clyde. Sino bang cousin ang ibig n'yang sabihin? Si Vincent kaya? At bakit n'ya inimbita?
"They are already there," sambit ni Clyde at tinuro ang dalawang taong naglakad papunta sa'min dalawa.
Gosh! si Vincent nga ang tinutukoy ni Clyde na pinsan n'ya at may kasama s'yang babaeng na naka two piece swimsuit lang 'to na kulay brown. Ito 'yong babaeng kumandong at humalik-halik sa leeg n'ya roon sa office at ang babaeng kasama rin n'ya sa event nang company ni Clyde at Noel, masasabi kong sexy 'to at maputi pero mas maganda naman ako sa kanya.
Parang ahas kong makalingkis ang babae kay Vincent, parang takot na takot itong iwanan ni Vincent. Nang makalapit na silang dalawa sa'min, mukhang nabigla ang reaksyon ng babae nang makita ako, at si Vincent nakitaan ko rin sa pagkamangha sa kanyang mga mata habang tumingin sak'kin pero agad din itong naalis at s'ya ang unang nag-iwas ng tingin.
"Sweetheart... I want you to meet Danica, my cousin Vincent's girlfriend," saad ni Clyde at tinuro si Danica, agad naman nag-hi sa'kin si Danica kaya nginitian ko s'ya para naman hindi n'ya isipin na isnabera ako.
"You two, I don't need to introduce you to each other, do I?" pagtatanong ni Clyde, nakatingin ng palitan sa'min dalawa ni Vincent, para bang iba ang ibig nitong sabihin.
YOU ARE READING
Still Loving You [Completed]
RomanceThis is my first story, so bear with me guys! [Warning: Grammatical errors and typo's ahead. Plagiarism is a crime.] *TAGLISH STORY* ____________________________________________________________________________ There is a girl named Alledel Marquez...