20. Chance

625 17 0
                                    

Chapter  20

Nagising ako dahil may mabigat na nakadagan sa'kin. Napabalikwas ako ng bangon dahil hindi ko pamilyar ang lugar na kinaroroonan ko ngayon, agad kong tiningnan ang katabi ko sa kama, pero nang makita ko s'ya naging kampante na ako. Si Vincent Montero na pinakamamahal ko pala ang katabi ko.

Biglang nag-init ang pisngi ko dahil naalala ko ang nangyari sa'min ni Vincent sa loob ng kotse n'ya ro'n sa parking lot kung sa'n ginanap ang event.

Huli kong naalala ay humiga ako sa balikat ni Vincent after we had s*x, hindi ko namalayan ang pag-alis namin siguro dala na rin ng pagod ko.

Condo n'ya kaya 'to? Ang ganda! malinis at napaka organized ang pagka-ayos ng mga gamit, navy blue ang color theme ng room n'ya. Walang makikitang kahit isang kalat dito sa room kung sa'n kami narito ngayon.

Ang sarap pagmasdan matulog ni Vincent, ang g'wapo talaga ng mahal ko. May bigla na lang tumulo na luha sa mga mata ko, dahil hindi ko lubos maisip na maging ok at makasama ko s'yang muli ang tagal kong hinihintay pagkataon na 'to.

"Hey babe... Why are you crying?" pagtatanong ni Vincent, nagising pala s'ya.

"Masaya lang ako dahil nakasama ulit kita. Hindi ko akalain darating 'tong panahon na 'to," bilang sagot ko. Bumangon s'ya, umupo rin sa kama at niyakap ako.

"Me too, have waited a long time for this day, so I will not let you go again. I love you so much, you are the only girl I dreamed of being with for the rest of my life," sabi ni Vincent na ikinaiyak ko lalo.

Tama ba 'yong narinig ko? Ako lang ang nag-iisang babaeng pinangarap n'yang makasama sa habang buhay?

May tumunog na selpon at mukhang tawag 'yon, Alam kong akin 'yon dahil pamilyar ko ang ringtone. Tumayo si Vincent at kinuha n'ya ang Prada clutch kong nakapatong sa center table katabi ng kama n'ya.

"Here..." pag-abot sa'kin ni Vincent ng Prada clutch ko.

Agad kong binuksan at kinuha ang selpon ko sa loob.

Nakita ko kung sino ang tumatawag dahil naka registered ang kanyang number.

"Si Clyde..." sambit ko na pabulong.

Agad akong tumayo at naglakad ng palayo kaunti kay Vincent.

"Hello..." pag sagot ko.

"Oh God! you finally answered Alledel... Where are you? I've been looking for you for a while. I almost searched the venue and building but I couldn't find you," sagot ni Clyde sa'kin na nag-alala ang tuno ng boses. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya nakunsensya ako dahil sa pag-iwan ko sa kanya at hindi nagpaalam.

"Who's that babe?" biglang lumapit si Vincent sa'kin.

Narinig ko sa kabilang linya, bumuntong hininga ng malalim si Clyde. Narinig kaya n'ya si Vincent?

"You have someone with you?" pagtatanong muli ni Clyde. Hindi ako makasagot dahil ayoko ko s'yang masaktan, napakabuti n'ya sa'kin.

"Ahmm... Clyde... mag-usap na lang tayo bukas ah," bilang tugon ko at pinatay ko na ang tawag.

Pagharap ko kay Vincent kunot-noo n'ya akong tiningnan.

"It was Clyde who called? Am I  right?" pagtatanong ni Vincent habang naka kunot-noo paring nakatingin sa'kin.
Tumango ako bilang tugon.

"I see... Clyde, Alledel, likes you very much. Do you like him too?" pagtatanong ni Vincent na nakatingin nang masama sa'kin. Kanina lang ok kami tapos ngayon aawayin n'ya na naman ako.

"Kahit naman sino magugustohan si Clyde dahil napaka bait n'ya at mabuti s'yang kaibigan sa'kin pero ikaw ang mahal ko," sagot ko sa kanya.

"It also came out of your own mouth that you like Clyde," bilang tugon n'ya sa'kin at umalis sa harap ko at naglakad patungong kama para humiga.

Still Loving You [Completed]Where stories live. Discover now