12. Confessed

633 32 0
                                    

Nakapagbihis na ako at pababa na ako ng hagdan napagdesisyonan kong pumasok sa trabaho kahit tamad na tamad ako, sayang din kasi 'yong kikitain ko pandagdag din 'yon para malaki-laki ang perang mapadala ko sa magulang ko sa Leyte.

Nakita ko sila Tita Janine at si Hannah nakaupo sa malaking sofa sa sala nakayakap si Hannah sa bewang ni Tita Janine, ang sarap nilang pagmasdan, naisip ko tuloy bigla sila Itay at Inay sa probinsya pero kaunting panahon pa makakasama ko rin sila at maipagpatuloy ko rin ang aking pag-aaral sa college.

"Best friend, bakit parang natutulala ka riyan?" biglang tanong ni Hannah sa'kin, kaya agad akong ngumiti sa kanya.

"Wala lang best friend, nakakainggit lang kayong pagmasdan ni Tita Janine," sagot ko sa kanya sa malungkot na tunong ng boses.

"Halika nga best friend! Huwag kana malungkot diyan! Alam mo naman na mahal na mahal kita at syempre mahal ka namin lahat dito, hindi ba ma?" sabi sa'kin ng best friend ko at tinanong pa si Tita Janine.

"Oo naman hija... mahal ka namin lahat dito, sobrang bait mo kaya kahit sino ay kaya kang mahalin at isa pa ang ganda-ganda mo pa," sabi ni tita Janine ng nakangiti at lumapit sa'kin para yakapin ako.

"Salamat po tita! Napakabait po ninyo kaya sobrang bait rin po ng best friend ko dahil nagmana pala sainyo," sagot ko kay tita habang nakatingin sa best friend kong si Hannah, pero ang loka hanggang tainga ang ngiti sa labi.

"Good morning tita, Hannah, and also to you, Alledel... sorry for the disturbance ladies. I'm just going to pick up Alledel, so I can take her to the office," saad sa'min ni Clyde at ngumiti. Narito na pala s'ya sa pintuan hindi namin namalayan, ang g'wapo n'yang tingnan sa suot n'ya, simple lang pero ang lakas parin ng dating n'ya lahat yata ng isuot n'ya ay bagay sa kanya dahil pang model ang kanyang katawan at ang sarap pagmasdan.

Agad akong nagpaalam kay Tita Janine at kay Hannah, naririnig ko pang sumigaw si Hannah habang papalabas kami ng gate ni Clyde at patungo kung sa'n naro'n ang kanyang sasakyan, bagay raw kami ni Clyde, pero natawa na lang ako sa sinabi n'ya. Si Clyde rin ay natawa lang dahil rinig na rinig rin n'ya ang sinabi ni Hannah.

Nasa biyahe na kami ni Clyde patungong office, ang tahimik n'ya hindi ako sanay dahil ang Clyde na kilala ko ay madaldal at palaging nagbibiro.

"Clyde, may problema ka ba?" Ang tahimik mo kasi hindi ako sanay na ganyan ka," pagtatanong ko rito

"Nothing, I'm just thinking something. Don't mind me," sagot ni Clyde sa malungkot nitong tuno.

"Clyde, sabihin muna sa'kin kung ano ang iniisip mo, baka makatulong ako," pangungulit ko rito. Kaya naman pinatigil n'ya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap sakin.

"If I tell you, won't you change the way you treat me?" tanong ni Clyde sa'kin.

"Syempre hindi! Bakit naman ako magbago Clyde, ikaw talaga!" sagot ko sa kanya at tumawa.

"What if I told you, I love you. Would you believe me?" pagtatanong sa'kin ni Clyde, pero alam ko naman na mahal n'ya ako as a friend.

"Clyde, alam kong mahal mo ako as a friend matagal ko ng alam 'yan," sagot ko sa kanya at nginitian s'ya.

"You didn't understand, Alledel. I love you not as a friend but more than that," sabi ni Clyde na ikinagulat ko.

"Clyde! mukhang nabigla ka lang siguro," bilang tugon ko.

"No, Alledel, the first time I saw you, I already in love with you, but I don't want to confess right away to you, because you might walk away from me and I don't want that to happen."
Mahabang paliwanag ni Clyde sa'kin. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi n'ya, na gusto n'ya agad ako simula nang makita ako. Pero itinuring ko na s'yang kaibigan at ayoko ko s'yang saktan kaya gulong-gulo ang isip ko ngayon.

"Clyde, binigla mo ako, hayaan mo muna akong makapag-isip." Ito na lang ang naging tugon ko sa kanya.

Kaagad naman pinatakbo ni Clyde ang kanyang sasakyan upang ihatid ako sa trabaho ko, kaya nang makarating kami ay late ako ng 15 minutes. Kaya patakbo akong pumasok sa loob ng building ng Montero Corp. na hindi man lang nakapagpaalam kay Clyde, sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong magpaalam sa kanya. Agad kong tinungo ang elevator at pinindot at 4 at 0 patungo sa floor kung sa'n naro'n ang office ng boss ko at sa'kin. Paglabas ko ng elevator ay sa gulat ko halos pa ako matumba dahil nagmamadali ako at akmang tatakbo sana patungo ro'n sa lamesa ko kaso nasa labas pala ng elevator si Vincent nakaabang sa'kin.

Bigla n'yang nahawakan ang bewang ko kaya hindi ako natuluyan bumagsak sa sahig, amoy ko ang mamahaling pabango n'yang nanunuot sa ilong ko. Sobrang bango n'ya pero ang amoy n'ya noon ay iba na ito sa ngayon. Bigla bumalik ako sa katinuan kaya agad ko s'yang tinulak pero mas lalo n'yang hinigpitan ang paghawak sa bewang ko, halos magkalapit na ang mukha namin dalawa sa sobrang lapit.

"Sir, bitawan n'yo na po ako! Ok na ako..." pakiusap ko rito, pero mukhang walang s'yang narinig, tinitigan n'ya lang ang mukha ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata n'ya. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig n'ya sa'kin, bumilis na naman tibok ng puso ko, sa paraan ng pagtitig n'ya sa'kin.

"I love you!" sambit ni Vincent na ikinatigas ng katawan ko. Hindi parin ako sanay marinig muli galing sa kanyang labi ang salitang 'yon. Matagal na panahon na rin gustong marinig muli sa kanya ang salitang 'yon, agad naman tumulo ang mga luha ko hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil aaminin kong mahal na mahal ko parin s'ya hanggang ngayon. Ang Vincent na minahal ko noon at hanggang sa ngayon, na miss ko s'ya ng sobra ang akala ko at hindi na darating ang araw na mapatawad n'ya ako. Pero bakit pakiramdam ko may kulang  parin dito sa puso ko?

Still Loving You [Completed]Where stories live. Discover now