"We don't need you anymore!"
Gusto kong magpaliwanag pero hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa ka-iiyak. Tuwing nagsasalita ako halos hindi maintindihan o kaya hindi ko magawang tapusin dahil sa hirap akong huminga. Nahihilo na rin ako pero hindi ko 'yon iniinda.
"P-p-please," sinubukan ko siyang hawakan pero marahas niyang tinabig ang kamay ko.
"Don't touch me! Umalis ka na rito!" Tinuro niya ang pinto.
Naghihina akong napaluhod sa harap nya. Wala na akong pakialam kahit nakikita kami ng mga kasambahay namin.
"Kahit sandali lang. Pakiusap. Gusto ko kayong makausap ng mga anak natin. Kahit sandali lang pakinggan nyo 'ko."
"Kahit lumuhod ka wala kang mapapala sa amin. Bakit ba bumalik ka pa?! Ano bang tumatakbo dyan sa isip mo? Iniisip mo ba na pagkatapos ng lahat tatanggapin ka pa rin namin? Ina ka lang ng mga anak ko. Kaya kitang palitan kahit kailan ko gusto!"
"Daddy?" Mula sa likuran ng asawa ko nakatayo doon ang dalawa naming anak. Nilapitan niya kaagad sila.
"Hira, go back to your room. Go with your Kuya," hinaplos niya sa buhok ang anak naming babae.
"What's happening dad? Why is she here?" Tanong ng anak namin na lalaki.
"Ako na ang bahala dito, Arc. Bumalik na kayo sa kwarto niyo."
"Mga anak," basag ang boses na tawag ko sa kanila kaya mula sa daddy nila ay nalipat ang tingin nila sa akin.
"What are you doing here, mommy?" Tanong ni Arc.
"I will explain anak," lalapitan ko sana sila pero tinulak ako ng asawa ko kaya napaupo ako sa sahig.
"You dirty woman! Don't you dare come near my children!" Dinuro niya ako at tinago niya sa likod niya ang mga anak namin na para bang pinoprotektahan mula sa akin.
"Hindi niyo naiintindihan," halos gapangin ko na ang pagitan namin malapitan lang sila.
"Alin ang hindi namin naiintindihan? Yung bigla mo kaming iniwan tapos babalik ka na parang walang nangyari, ganun ba?"
"Kinailangan kong gawin 'yon."
"Anong klase kang asawa at ina, kung ganon?"
"Madam," umiiyak na tawag sa akin ng isa naming kasambahay at inalalayan ako para makatayo.
Hinang-hina na ako at halos hindi ko na maaninag ng maayos ang mga taong nasa pigid ko pero pinilit ko pa rin tumayo. Alam kong makakasama ito para sa akin, pero para saan pa na lumaban ako kung iiwan naman ako ng pamilya ko?
"Mga anak ko," humahagulgol na tawag ko sa kanila.
"Where have you been, mommy? Where were you when my classmates bullied me for not having a mother? Where were you when I was sick and I kept on calling your name?" Tanong ni Hira.
"Nag—"
"But we're okay now, mommy. Right, Daddy? Kuya?" Putol nya sa sasabihin ko.
"You see? We don't need you anymore. Umalis ka naman na pero bakit bumalik ka pa? Sana tinuloy-tuloy mo na lang. Sana hindi ka na bumalik," sabi ng asawa ko.
Parang dinudurog ang puso ko sa mga binibitawan nilang salita. Kung alam niyo lang. Ako din. Halos gabi-gabi kong tinatawag ang pangalan niyo at hinihiling na sana nasa tabi ko kayo pero pinili kong sarilinin na lang 'yon dahil alam kong hindi niyo kakayanin. Araw-araw walang kasiguraduhan kung magigising pa ba ako pero hinihiling ko na sana makabalik pa ako sa inyo.
"Umalis ka na. At sana paglabas mo ng pinto na yan huwag na huwag ka nang babalik ulit."
"Nakikiusap ako," lumapit ako sa kanila pero marahas na hinawakan ng asawa ko ang braso ko at kinaladkad ako hanggang sa makarating kami sa pinto.
"D-dad," pigil ni Arc sa daddy niya.
"M-mommy ko," mahinang tawag sa akin ni Hira.
"Huwag ka nang babalik ulit," sabi ng asawa ko at tinulak ako palabas ng pinto.
Lumuluha ko silang tinignan isa-isa. Hindi ako susuko. Hindi nila ako magawang intindihin pero naiintindihan ko yung galit nila. Kung iisipin nila na mababaw ang dahilan ko pwes para sa akin hindi. Dahil mas pipiliin kong ako yung mag dusa mag-isa kesa makita sila na nahihirapan. At 'yon ang bagay na kahit kailangan hindi ko hahayaan at kakayaning mangyari.
"Patawarin niyo 'ko. Alam ko hindi mabuting asawa at ina ang tingin ninyo sa akin. Pero mahal na mahal ko kayo. Wala akong bagay na ginagawa at gagawin pa na hindi ko inisip ang ikabubuti niyo. Kung ang pag-alis ko ang nagpapasaya sa inyo," huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha na basang-basa ng luha. "Lalayo ako," napa hikbi na naman ako. "Kung ang paraan na masakit para sa akin ang ikasasaya ninyo, gagawin ko."
Basta't alam ko na masaya kayo, kahit maubos ako, ayos lang.
Nakatingin lang sila sa akin. Sa huling pagkakataon tinitigan ko sila isa-isa. Pakiramdam ko kasi ito na yung huling beses na masisilayan ko pa sila.
"Kung hahanap ka ng magiging bagong ina ng mga anak natin, siguraduhin mo lang na hindi niya mamaltratuhin ang mga anak ko ha! Dahil kahit nasaan ako, kahit nasa hukay ako, babalik ako para gumanti," pagbabanta ko sa asawa ko at pinilit siyang ngitian bago bumaling sa mga anak namin. "Mga anak, mag-aral kayong mabuti. Sumunod kayo lagi sa bilin at payo ng daddy ninyo. Bilang mga bata mararanasan niyo ang mapagalitan ng mga nakatatanda sa inyo pero huwag na huwag kayong sasagot. Matuto kayong umamin at tumanggap ng pagkakamali niyo. At huwag ninyong kalilimutan ang iba ko pang itinuro sa inyo," bilin ko sa kanila at nginitian sila bago tumalikod kasabay ng pag tulo ng luha ko.
Sa bawat pag hakbang ko ay ang bigat sa pakiramdam. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid habang inaalala ang mga masasayang ala-ala na nasaksihan ng lugar na 'to. Isa na lang. Isang hakbang na lang nasa labas na ako ng bahay kung saan naroon ang mga taong hindi ko kayang mawala sa buhay ko pero gustong-gusto na akong mawala sa buhay nila.
Sa pinaka huling pagkakataon nilingon ko ulit sila at nginitian.
Wala ako sa sarili habang naglalakad kaya hindi ko namalayan na nasa highway na pala ako. Naramdaman ko na lang na umangat sa ere ang katawan ko at sigawan ng mga tao ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Photograph Of Yesterday
RomanceAs Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?